Chapter 7

137 17 1
                                    

Drafted: June 26, 2020
Published: July 10, 2020
Edited ✔

***

"Yeji!"

Hindi 'ko alam kung ilang beses akong napatulala sa ganda ni Lia. Ang ganda kasi ng mga ngiti nya.

Sinalubong nya kami at niyakap nya si Yeji na nasa gilid 'ko habang ako naman ay nginitian nya lang.

"Bakit ganyan itsura mo? May nakaaway ka 'no?" Natatawa nyang bungad sa nakasimangot na Yeji.

Hanggang ngayon kasi ay naiinis pa rin sya sa nangyari. Hindi nya na 'ko kinausap simula kanina sa bus.

Naupo ito sa isa sa mga bench ng university at napa face palm. "Nakita 'ko si Taehyun," Malamyang sabi ni Yeji.

Nasilayan 'ko ang pagsara ng mga kamao nya bago nya 'yun hinampas sa mesa. "Fuck that asshole,"

Lumapit kami ni Lia sakanya. Nilapag 'ko rin amg bag 'ko sa bench.

"Yeji, maraming tao dito. Control your anger. Sino ba 'yang Taehyun na 'yan?" Usisa ni Lia.

"Yung kinukwento 'ko sa'yo sa underwold!"

Hindi 'ko alam kung anong gagawin 'ko kaya nanatili lang akong naka tayo at nanonood sakanilang dalawa especially Lia. Ang ganda nya sa kahit anong anggulo.

Napatakip ng bibig si Lia sa gulat. "WHAT? Yung.. yung.. omg!"

Alala itong lumapit kay Yeji at sinuri ang kamo nya. "Nabugbog mo ba?"

What the hell is going on? Ano bang meron sa Taehyun na 'yun? Kailangan nya ba talagang bugbigin yung lalaki na 'yun?

Kagat-labing umiling si Yeji sa kanya.

"Ha? Bakit? Naka takas? Pa'no nakatakas?"

Nilingon ako ni Yeji na masama ang tingin. "Bakit nga ba, YJ?" She asked sarcastically.

Parang nalinawan si Lia sa sinabi ni Yeji kaya hinila ako nito palayo kay Yeji para kausapin.

"Pinigilan mo si Yeji?" Halos pasigaw nyang tanong. Naka hawak pa rin ang kamay nya sa braso 'kong hinila nya.

Kumunot ang noo 'ko. "Of course. Why wouldn't I?"

Sinong pababayaan ang babaeng manuntok at mang bugbog? Mamaya sya pa mabugbog.

"Shocks,"

Kinagat nito ang mga kuko nya at nagsimulang magpabalik-balik sa harap 'ko.

"Ano bang nangyayari? Sino ba yung Taehyun na 'yun?"

Napapikit si Lia. Parang pinapakalma nya ang sarili nya.

Huminga sya ng malalim at hinawi ang kanyang buhok bago ako sinagot. "Since you guys are neighbors, mas magandang sabihin 'ko nalang sa'yo," Sabi nito at hinila pa ako kaunti para mas mapalayo kay Yeji.

"Kapag dumating ang time na makikipag-away si Yeji please don't stop her. It'll annoy her so much. You're lucky may mukha ka pa ring mahaharap sa'kin ngayon kasi kapag pinigilan mo si Yeji, bubugbugin ka rin nya,"

"She's just a girl, Lia,"

"She's not an ordinary girl, Yeonjun. She will crush your bones. Well trained player si Yeji sa underworld,"

"What underworld?"

Kanina pa sila Underworld ng Underworld eh hindi 'ko naman alam 'yun.

Tumingin si Lia sa paligid nya bago nagpatuloy sa sasabihin nya. She's cautious.

AchieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon