Chapter 6

143 21 1
                                    

Drafted: June 26, 2020
Published: July 9, 2020
Edited ✔

***

7am palang gising na ako hindi dahil takot ako sa babaeng 'yun kung hindi dahil hindi 'ko hilig magpalate.

"Aga natin ah," Maagang pang-aasar sa'kin ni Kuya habang nagkakape. Nakain na rin si Ate Maeji sa tabi nya.

"Kamusta tulog mo, Yeonie?"

"Ayos lang naman po Ate Maeji. Tulog pa po ba si Richi?" Naupo ako sa tapat nila at nagsimulang mag-almusal.

"Oo, mamaya 'ko pa gigisingin. Nagluto muna ako ng almusal eh. Anong oras nga pala uwi mo? May orientation raw kayo?"

"Sigura mga 12 noon po. Baka doon na rin po ako kumain,"

"Gusto mo bang magbaon?"

Umiling ako. "Doon nalang po ako kakain,"

"Speaking of pagkain, here," Nilapag ni Kuya sa tapat 'ko ang isang brown paper.

"What's this?"

"Tuna Sandwhich. Yeji loves it,"

"And?"

"Ibigay mo mamaya syempre,"

Ang aga 'kong napaikot ang mata 'ko. "Fine," I surrendered.

"Aba walang reklamo ah, gusto 'ko 'yan," Bati pa sa'kin ni Kuya.

"Hon', we've talked about this. 'Wag mo na asarin si Yeonie," Awat sakanya ni Ate Maeji kaya dinilaan 'ko sya. Sinamaan nya naman ako ng tingin.

8:30 palang nasa labas na ako ng bahay, naghihintay at wala pa ring lumalabas na babaeng walang mata.

Naka krus ang mga braso 'kong pinapanood si Kuya na asarin ako habang naglalabas ng sasakyan. Ihahatid nya na kasi si Richi.

"Take care, Richi," Sabi 'ko nalang kay Richi na hindi pinapansin ang ama nyang may saltik.

Lumapit ito saakin at yumakap bago humalik sa pisngi 'ko. "You too, Uncle Yeon. Enjoy your day," Sabi nito bago sumakay sa sasakyan.

Sinenyasan ako ni Kuya na parang sinasabing 'I'll be watching you' with his two fingers. Inirapan 'ko na lang.

Para namang may gusto akong gawin sa babaeng 'yun maliban sa itaboy sya paalis at umuwi.

"Hoy YJ! Aga mo ah," Bati saakin ni Yeji na may malawak na ngiti. Maganda sana kaso ang sungit.

Saktong pagkaalis nila Kuya ay lumabas ito ng bahay nila. May bitbit syang bag na para namang walang laman.

Lumapit ito saakin.

Pinigilan 'ko ang sarili 'kong ibato sakanya ang brown bag.

"Ano 'to?" Tanong nya agad habang kinukuha ang inaabot 'kong brown bag.

"Pinapabigay nila Ate Maeji," Maikli 'kong sagot.

"Kaya nga ano 'to? Alam 'ko namang hindi mo 'ko bibigyan ng kahit ano. Kahit oras mo.  I'm the same with you like hell I wanna be with you,"

Napalingon ako sa sinabi nya. "At sa tingin mo gusto kitang makasama?"

Nginitian ako nito na parang anghel bago nya ito binawi. "Hindi rin. Well that's good, atleast we have something in common. Let's go bago kita iwan,"

"I'd be glad,"

"Sigurado ka?"

"I've never been so sure in my life,"

AchieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon