Chapter 13

133 15 1
                                    

Drafted: June 28, 2020
Published: July 23, 2020
Edited

***

Walang pasabing dumaan sa gitna namin si Hueningkai at dumiretso sa cashier na kausap namin ni YJ kanina.

The three of us were still on the state of shock kaya nanatili lang kaming naka tayo sa kinaroroonan namin. Looking at each other. Para bang hindi makapaniwalang sya ang may-ari ng indie coffee shop na ito habang si Taehyun naman ay naka sunod sa kasama nya.

Hindi na namin narinig ang pag-uusap nila dahil noong papalapit na kami sa cashier ay kakaalis lamang nito. Pumasok sya doon sa staff's room.

"So, care to tell me why you need the footage?" Tanong ni Hueningkai habang naka sandal sa cashier.

"Something happened to our friend. We need to know what happened when we were outside earlier," Paliwanag ni YJ.

Napatango si Hueningkai bago nya nginitian ang isa pang babaeng cashier. Chick boy.

"Ano nangyari sainyo ni Yeji?" Tanong naman si Ryu na takang-taka pa rin ang itsura. Tinanong nya 'yun kay Taehyun.

"You know my business in the Underworld, sister. I sell drugs lalo na kapag maganda ang laban. Nagkataon lang na biglang nagchange ng candidate sa Underworld Battle at si Yeji ang nakalaban ng costumer 'ko. To be honest simula palang lugi naman na talaga 'yang kaibigan mo kasi mas malaki at mas mabigat sakanya si Phyto pero dahil malakas nga naman ang loob nito.." Tinuro nya ako. "Hindi nya inatrasan. So lugi na nga sya tapos na drug 'ko pa si Phyto kaya bugbog sya," Sinundan nya ito ng halakhak.

"But I have to say, Yeji Queen of the Underworld is so damn good. Untamable," Dagdag nya pa na parang hindi makapaniwala saakin. Sa mga kaibigan 'ko lang naman ako lumalambot at sa nanay 'ko pero kapag sa kalaban? Hell no.

"Talagang masaya ka pa," Sarkastiko 'kong sabi na sinamahan 'ko ng irap.

"Who wouldn't? Ang ganda kaya ng laban that time. Legendary Battle nga tawag nila eh. The crowd haven't seen you that fucked up before," Natatawa-tawa nyang sabi.

"Watch your words," Banta ni YJ na nasa tabi 'ko.

Hinawakan 'ko si YJ sa balikat dahil baka magkagulo nanaman sila kagaya nung sa bus stop noon. Ayokong pumigil kasi sigurado akong mangunguna ako sa suntok kay Taehyun.

"Sabi 'ko naman sa'yo na mag-ingat ka sa customers mo diba? Look what happened!" Naiinis na sabi sakanya ni Ryu pero nginitian lang sya ni Taehyun. They look like real sibling right now. I've never seen Ryu act like this to anyone.

"I will from now on," Sagot ni Taehyun at bumaling saakin. He offered his hand for a handshake. "For a new start?" He asked me.

Huminga ako ng malalim at tumango. I took his hand and shook it. "For Ryu,"

"For Ryu," Tumatango-tango ulit sya.

"Here's the footage. I want to apologize if it took you guys too long before you can finally take it. I just want to make sure that students here in my café will learn how to be responsible,"

"Paanong responsible?" Usisa 'ko.

Pa'no magiging responsible sa pamamagitan ng pagkuha ng footage?

"Hindi 'ko agad binibigay ang footages kapag may gulo dito. My staffs have to contact me first. Gusto 'kong makita ang eagerness nila para sa mga kalokohan nila. I mean, you can't just throw fights anywhere. Kapag deserve naman nila ang footage binibigay 'ko naman para maresolba ang problema," He explained.

AchieverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon