The End

2 0 0
                                    

"I hope my plan ended as I prayed for. I guess my perfect plan is now finally reach its end."

Then the screen turns black then the credit starts to pop upward.

I stroke carefully the hair of my wife, sleeping peacefully on my lap. Maya maya ay dumilat nang dahan dahan ang kanyang mga mata. Nang magtama ang aming mata ay matamis kaming ngumiti sa isa't isa at gumawad ng isang halik.

"Sorry, I fell asleep. Hindi ko tuloy natapos yung movie. How's the ending?" Marahan siyang bumangon sa pagkakahiga habang kinukusot kusot ang mata

"Syempre maganda" Makahulugan kong sabi sa kanya at mukhang nahulaan ang ibig kong sabihin dahil ngumiti siyang muli.

"I love you" aniya nito matapos akong yakapin ng mahigpit.

"I love you too. Mag ayos na tayo at ilang oras na lang ay magsisimula na ang kasal." Sabi ko sa aking asawa na nakayakap pa rin saakin.

Dahil sa panonood namin ng movie ay nalate kami sa kasal kaya dumeretso na lang kami sa reception. Matapos ang kainan at ilang ganap sa reception ay unti unting umuuwi ang mga bisita.

Habang nasa biyahe kami pauwi ay may tumawag sa cellphone ng aking asawa.

"Hello?"

"Sorry at hindi kami nakaabot sa kasal kaya sa reception na kami dumeretso,"

Sa sagot nito ay nahulaan kong ang groom ang kausap niya.

"It's okay. Alam kong hindi lang kami ang bisita niyo,"

"Sure, no problem. Kailan ba?"

"Bukas? Sige sige, walang problema. Text mo na lang yung address." At binaba na niya ang tawag.

"Iniimbitahan nila tayong pumunta bukas para mag dinner sa place nila." Pag papaalam saakin nito sa naging usapan nila.

Kinabukasan ay muling pinanood ng aking asawa ang palabas dahil hindi daw nito natapos. Tahimik lang naman akong nakititig sa asawa kong tutok na tutok sa palabas.

"Luluhod yung lalaki diyan tapos aayusin niya yung pagkakatali nung sa sapatos ng babae. Tapos-"

Naputol ang aking sinasabi matapos akong titigan ng masama ng aking asawa.

"Sige ikwento mo na lang at hindi tayo nagsasayang ng kuryente dito." Mataray at pagalit nitong ani sa akin na ikinatawa ko ng malakas.

Ang ganda talaga ng asawa ko lalo na pag galit at naiinis.

"Ano? Simulan mo na?" Sigaw nanaman nito saakin matapos patayin ang t.v.

"After matapos ang kanyang plano ay nagbakasayon siya saglit sa Switzerland upang maghilom ang sugat sa kanyang puso. Hanggang sa may makilala siyang lalaking parehas ng dahilan sa pagpunta sa bansa. Unti unti ay nahulog sila sa isa't isa at naging isang masayang pamilya." Emosyonal kong kwento.

Nakita ko ang nagbabadyang luha sa kanyang mata kaya nag iwas ito ng tingin.

"Ewan ko sayo." Mataray pa rin niyang sabi kahit alam kong nagingiti na ito.

"I love you Kana" niyakap ko siya mula sa kanyang tagiliran at dinampian ng halaik ang kanyang sentido.

Pagdating namin sa bahay ng bagong kasal ay agad na nagyakapan ang dating magkasintahan. Kana and Lenin. After nine years, since the proposal of Lenin ay ngayon na lamang muli sila nagkita. Nagkaka usap sa telepono pero hanggang doon lamang. Binuksan ng malaki ni Lenin ang pinto ng kanilang bahay upang makapasok kami ng tuluyan.

"Hey... Congratulations!" Nahihiya pang sabi ni Kana matapos makaharap muli ang kaibigang si Vei.

"Thank you." Isang sinserong ngiti ang ginawid ni Vei at pinagpatuloy ang pag aayos ng lamesa.

Her Perfect PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon