"Kana let's go!" Tawag sa akin ni Vei na nakadungaw sa bintana ng kanyang sasakyan.
Sumakay naman din ako sa kanyang sasakyan at sinimulan na niya itong paandarin. Nakarating din naman kami sa isang cafe na kung saan unang nakita ni Vei ang biyfriend nito.
Inaya niya ako dito para ipakilala niya saakin ang kanyang boyfriend. Sa isang taon nilang magkarelasyon ay never kong makita o nakilala ang boyfriend niya. At wala naman akong pake kung kilala ko siya o hindi. Busy ako magpayaman para malaman pa ang existence nito sa mundo.
"He's here." Anunsyo ni Vei sa pagdating ng nobyo. Since my back is facing the door of the cafe ay hindi ko nakita ang lalaki pumasok at wala rin akong balak lingunin ito.
"Kana this is Lenin, my boyfriend. Lenin this is Kana my friend." Maligayang pagpapakilala ni Vei saamin.
Nagulat ako sa aking narinig at kahit ang lalaking kaharap ko ay halata ang gulat sa mukha. Agad kong inalis ang pagkagulat at tinignan si Vei. She has this confuse look but still smiling.
Natahimik ako at di alam ang gagawin. Hirap parin maproseso sa aking utak ang nalaman ngayon.
"Lenin Artres." Pagpapakilala nitong muli sabay lahad ng kanang kamay.
Hindi ako makatingin sa kanya at nanginginig ko iyong tinanggap. "K-Kana Starks."
Nakatitig lang ako sa mocha cake na nasa harapan ko. Halos si Vei lang ang nagsasalita saaming tatlo. Sasagot lamang ako kung may tinatanong siya ganoon din sa lalaking katabi nito. Nagpapasalamat ako sa kadaldalan niya ngayon dahil kahit papaano ay nabawasan ang awkwardness sa pagitan namin.
Agad naman akong umuwi matapos ang meet the boyfriend ni Vei. Halos hindi ako lumabas sa aking kwarto kakaiyak. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko sa cafe at kanina ko pa tinitiis ang sakit.
The next morning nakatanggap ako ng text galing kay Lenin. He want to see me. I ignore his text at nanatili lang akong nakahiga sa aking kama. Then my phone beep again. It's from my dad and again he set a dinner date for me and Lenin. Bakit ngayon pa? Inis kong binato ang cellphone.
Tulad ng una naming pagkikita ay hinintay ko ang text ni papa bilang hudyat na late na ako sa pisteng date na ito. Nakaupo na siya at mukhang malalim ang iniisip dahil di niya napansin ang presensya ko. Kusa na akong umupo at di na hinintay ang pag urong niya nito para saakin.
Simula kanina hanggang ngayon na kumakain na kami ay walang nagsasalita. Kanina ko pa gustong magtanong pero di ko alam kung paano.
"I-I'm sorry..." basag ni Lenin sa katahimikang namamagitan sa amin.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain at hinayaan siyang magsalita. Wala akong balak na sumagot sa mga sinsabi niya.
"Hindi ko alam kung para saan pero siguro para sa pagsisinungaling ko sayo. I love Vei-"
"What? Anong hindi mo alam?" Hindi ko na kinaya at pinutol ko na ang sinasabi niya.
Hindi niya alam ang alin? Kung para saan ang pag sosorry niya? Bakit hindi ba kasorry sorry ang panlolokong ginawa niya saakin?
Huminga siya muna ng malalim bago nagsalita. Pinigilan ko ang sarili muling sumabat at hinayaan siyang magsalita.
"Our business is in the way of bankruptcy so my dad borrowed a million worth of money from your dad just to save our failing business. Your dad proposed a deal, if we get married our business will be save but if not he'll file a case against my dad for not paying his debt. Of course we accept the deal kahit na labag sa loob ko tinanggap ko kasi ayokong makulong si papa." Huminto siya saglit sa pagsasalita.
BINABASA MO ANG
Her Perfect Plan
Short StoryMatapos maging in a relationship sina Kana Starks at ang kanyang nakablind date na si Lenin Artres ay iba ang sayang naramdaman ni Kana. Halos umikot na ang kanyang mundo sa lalaking kabiyak hanggang sa may mabasa siyang istorya patungkol sa 7-year...