Lover

3 1 0
                                    

"Sorry, napaghintay kita ng matagal." Hinging paumanhin ng lalaking bagong dating sa isang sikat na restaurant.

"No, it's okay. We're even now because the last time we met pinaghintay kita ng isang oras." Isang matamis na ngiti ang ginawad ko sa kanya.

Matapos maupo ni Lenin sa katapat kong upuan ay nagsimula na siyang umorder. They already took my order so, I'm currently fantasizing his looks. Yung tipong hindi ka magsasawang titigan dahil kakaiba.

I stunned for a momment when he caught me starring at him. Mahina naman siyang natawa sa nakitang reaction ko. I felt my cheecks burning so I quickly grab the glass of water and drank it rapidly.

My eyes are lurking around the restaurant because I'm very shy to look at him. Nararamdaman ko kasi ang titig niya habang nakangiti na parang sayang saya sa nakikita.

Tatlong beses siyang kumatok sa lamesa na nahing dahilan ng pagtingin ko sa kanya. At hindi ko alam kung anong reaction ang ipapakita ko matapos makita ang bouquet of roses na hawak niya. Saan naman niya to tinago?

For the first time in my life, I'm getting flustered in front of a guy. Syempre I grab the flowers at inamoy amoy iyon. Well, I'm not fond of flowers but since si Lenin ang nagbigay iba ang pakiramdam.

After a while they finally serve our foods. Hindi ko maiwasang mahiya dahil inaasikaso talaga ako ni Lenin bago siya kumain. He also cut my steak at minsan ay pinapatikim niya sa akin ang kanyang inorder. He's really sweet and nice. Never nagkaroon ng awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil marami siyang baon na topic.

For the second time, my heart beat faster and faster after he wipe the side of my lips. Agad akong napaiwas ng mukha at nagpaalam sa kanya na pupunta muna ng comfort room. Inayos kong muli ang aking sarili at kinalma ang pusong kay bilis tumibok.

Matapos kalmahin ang sarili ay lumabas na ako at napangiti na lang matapos makita muli siyang naghihintay sa akin habang may matamis na ngiti sa mga labi. He opened the door of his car for me but instead to go inside I face him. He has this confuse look in his face but still smilling. Gosh, does he really know how I love that smile. I'm being tempted to kiss that lips kaya agad kong pinatakan iyon ng mahinang halik. Naramdaman ko ang pagkatigil niya sa gulat kaya inalis ko na ang aking labi sa kanya.

Natuwa ako sa kanyang gulat na mukha kaya muli ko siyang dinampian ng malalambot na halik na hindi naman nagtagal. I smiled at him like how he always smile at me before entering his car. The whole drive I'm just smilling like an idiot then humming my favourite song. I'm being like this because I'm happy, pagpasensyahan niyo na.

After that date we're now officially dating. Everyday nakakatanggap ako ng bulaklak galing sa kanya. Halos mag mukha ng flower shop ang kwarto ko sa dami ng bulaklak. For almost a year of dating ay mas lalo siyang nagiging sweet even his gestures become sweater and sweeter.

Kasalukuyan akong nagfafacebook sa aking kama. I saw a story that caught my attention entitled as 'The 7-year itch ' patungkol ito sa magkarelation na kung saan puno ng saya ang anim na taon ng kanilang pagsasama. Hanggang sa nagkaroon sila ng matinding away two days before their 7th anniversary. The guy wants the girl back. He do everything to solve their misunderstanding but the girl found someone that made her smile again. That day of their 7th anniversary the girl broke up with him. The girl become happy again in the arms of another man and the guy hanged himself because he couldn't take the pain.

Nanindig naman ako sa aking nabasa kaya napatugtog ako ng masasayang kanta. I can't help but to think the story I read. Hindi naman siguro mangyayari yun saamin.

5 years had passed and our relationship is still going strong. Wala pa ring kupas ang kanyang kasweetan. Wala siyang pinagbago simula noong pagkikita namin, sweet and gentleman.

We're currently on a date in amusement park. Too childish for our age but still it is one of our favorite dating place. Simula noong nalaman niyang takot ako sa matataas ay dinala niya ako dito. Sasamahan daw niya akong harapin ang aking pagkatakot sa matataas. Kaya pinahalagahan ko talaga ang memory na iyon.

We keep exploring the amusement park around the world. We're walking around the amusement park while our hands is tightly hold to each other. Halos hindi maghiwalay ang aming kamay kahit nakasakay na sa rides. I know it makes you cringe but that is how we tell each other that no matter what happened we'll face it together.

Dahil gutom na kaming dalawa ay kumain muna kami sa isang kilalang kainan sa lugar. He's the one who order our foods while me staring at his back with full of love. Biglang nagring ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa. Tinignana ko naman ito at number lang ang nakalagay. Akmang kukunin ko ito para sagutin ay naunahan na niya ako. He smiled nervously as he pressed the cancel button.

"Kain na tayo." Pag aaya niya. I just nod and start to eat.

From the start ay napapansin ko na ang mga ganoong pagtawag sa kanya. He keeps telling me na kabarkada niya lang iyon. I trust him naman but sometimes I doubt him for cheating on me. Pero ayokong magtanong kasi baka I'm just overthinking at pagsimulan pa ng away. I'm happy and contented na sa nangyayari sa aming dalawa.

After naming kumain ay nagpasya na kaming umuwi. Habang naglalakad pabalik sa sasakyan ay bigla siyang huminto sa paglalakad. Napangiti na lang ako matapos makitang inayos muli ang natanggal na tali ng aking sapatos. Napawi agad ang ngiti sa aking labi pagpasok ko sa aking kwarto.

Ang swerte ng mapapangasawa ng isang Lenin Artres.

***

Her Perfect PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon