"Good morning anak." masiglang bati ng kanyang Mommy ng maka baba na siya sa hagdan. Isang matamis na ngiti ang sinukli niya dito. "Tara na, at sabay-sabay na tayong mag almusal." paalala ng kanyang Mama at nauna na itong mag lakad papunta sa Dining area nila.
Hinigpitan niya ang pag kakahawak ng straps ng sling bag niya at tahimik siyang nag lakad para sundan ito.
"Good morning Mam Madisson." naka ngiting pag bati sakanya ng kasambahay nila ng makasalubong niya ito. Isang matamis na ngiti lamang ang sinukli n'ya dito at dire-diretso na siyang mag lakad.
Nang maka punta na sa dining area, doon siya naka ramdam ng matinding pag kagutom ng makita at malanghap niya ang mabanggo at masarap na almusal na niluto ng kanyang Mama. Naka ayos na sa lamesa ang baso, kutsara, tinidor. Doon niya napansin ang sinanggag, pritong itlog, hotdog, bacon at tinimplang juice na hinanda ng kanyang Mama.
Umupo na siya sa bakanteng upuan at nakita niya na perinteng naka upo ang Kuya Elfin niya at abala ito sa pag babasa ng dyaryo.
"Si Papa po asan?" Hindi niya maiwasan na maitanong 'yon sa kanyang Mama. Dire-diretsong umupo ang kanyang Mama sa bakanteng upuan na katabi lamang ng kanyang Kuya.
"Maaga siyang umalis, dahil maraming hahabulin na trabaho sa kompanya." aniya nitong muli at tumanggo na lamang siya sa sinabi nito.
Hindi na bago para sakanya na hindi maka sama at maka salo ang kanyang Papa sa hapag-kainan o mga importanteng okasyon sa kanilang pamilya, dahil parati itong wala dahil inaasikaso nito ang kanyang trabaho. Ang kanyang Papa ay nag mamay-ari ng isang malaki at sikat na kompanya dito sa Pilipinas gumagawa sila ng mga iba't-ibang uri ng mga furniture at 'yong iba ini-export nila sa iba't ibang bansa. Hindi niya maikakaila na may kaya sila sa buhay dahil narin sa napaka laking negosyo na pinapatakbo ng kanyang magulang. Ang kanyang Mama naman ay mahilig gumagawa ng mga paintings at karaniwang ini-export at bine-benta niya ang mga ito. Rinig niya na kwento nito, na mag papatayo ang kanyang Mama ng exhibit para doon ibenta at i-display ang kanyang mga gawa.
Kilala ang kanyang mga magulang ng mga sikat at mayayamang angkan sa kanilang lugar dahil narin sa madiskarte at magagaling ito pag dating sa negosyo.
Dalawa lamang silang mag kakapatid at panganay ang kanyang Kuya Efrin. He's 26 years old at tini-training na ito ng kanyang Papa na mag trabaho din sa kanilang kompanya.
"What are you waiting for Maddie? Hindi kapa ba kikilos at kakain ng almusal mo?" Nabalik siya sa realidad ng marinig nya ang britono at malagong na boses ng kanyang Kuya Efrin. Kinagat niya na lamang ang kanyang ibabang labi at tinignan ang kanyang Kuya na ngayon naka titig na ito sakanya at wala siyang mabasang expression sa kanyang mga mata.
Hindi palaimik ang kanyang Kuya pero masasabing strict ito lalong-lalo na sakanya. Pero kahit ganun, ramdam niyang mahal siya nito kahit na paminsan nag aaway sila.
"Bilisan mo na kumain, at ihahatid kita sa school niyo bago ako pumasok sa kompanya." malamig na turan nito at tumango na lamang siya. Doon niya napansin na siya na lang ang hindi kumakain. Pilit na lamang ngumiti dito at simulan niya ng kumain dahil ayaw niyang pagalitan na naman siya.
Nang matapos na silang kumain at mag asikaso, hinatid na siya ng kanyang Kuya sa kanilang University. Naka upo siya sa katabi ng driver seat at halos maubusan ako ng laway sa kanyang lalamunan dahil walang imik na nag mamaneho ang kanyang Kuya. Nilibang niya na lamang ang kanyang sarili sa pamamasid sa labas ng bintana.
"Just tell me, what just happened?" Bigla siyang nanigas ng marinig ang malagong at seryoso nitong tinig sa kanyang tabi. Kahit hindi siya mag salita, alam niyang siya ang kausap nito dahil wala naman na ibang tao sa loob ng sasakyan kundi sila lamang ng kanyang Kuya.
BINABASA MO ANG
My Greek Professor [COMPLETED]
RomanceMaddisson Trinidad, 19 years old. A simple student in Standford University living her college life to the fullest. She always chases after her professor William pursuing him day by day, Maddie had a friend named Julie who was always stopping her for...
![My Greek Professor [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/227577139-64-k981364.jpg)