Chapter 4
"H-Hannah" yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig habang naka titig sa babaeng naka tayo sa kanyang harapan. Pakiramdaman nya humiwalay ang kaluluwa nya sa kanyang katawan dahil sa takot at kaba na kanyang naramdaman.
Sandali
Narinig nya ang nangyari saamin ni Sir William?
Paano na to?
Paano ko ipapaliwanag sakanya ang mga nangyari?
Paano na lang kong ipag kalat nya sa ibang mga estudyante at ibang teacher ang namamagitan saamin dalawa?
Paano na to?
Ano ang gagawin ko?
Nag danak ang malamig na pawis sa kanyang noo at leeg ng mga sandaling iyon. Tila ba aligaga at hindi sya mapa kali habang naka titig sa walang emosyon at malamig na mga mata ni Hannah.
Ang malamig nyang titig nag bibigay ng kakaibang takot at kilabot sa aking pakiramdaman. Tahimik syang lakad papunta sa gawi ko at tila ba nakapako ang aking mga paa sa sahig na hindi ako maka kilos at maka galaw, ang tanggi ko na lang magawa ay ang pag masdan ito ng tahimik.
Tumigil si Hannah sa tabi ko at humarap sya sa napaka laking salamin, at kahit may distansya saakin ramdam ko ang kakaibang takot sa aking dibdib na hindi ako mapakali dahil baka may alam sya saamin ni Sir William.
"K-Kanina kapa ba dyan?" Sapat na ang aking tinig para marinig nya ang sinabi ko. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na bahagyang tumigil si Hannah at kasunod non nabalot ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. "N-Narinig mo ba?" Kulang na lang malupasay na ako sa kaba at takot ng kanyang naramdaman sa mga sandaling iyon.
Sa bawat segundong lumilipas nag bibigay ng kakaibang takot at nerbyos yon sa kanyang kalamnan. Parang gusto nya ng kainin ng lupa dahil narin sa takot na baka ipag kalat ni Hannah ang totoo.
"W-Wala" matabang nitong sambit at awtomatiko naman akong napa titig sa gawi nya. Ilang beses ako napa piyok habang naka titig sa napaka seryoso at misteryong mga mata ni Hannah. Nanatili padin syang naka tayo habang naka harap sa salamin, pero kahit ganun kita ko ang blankong expression sa kanyang mukha.
"S-Seryoso ka? W-Wala kang narinig kanina? Dib—-" hindi ko natapos pa ang sasabihin ko ng bigla syang humarap saakin.
Kulang na lang mag lupasay na ako sa takot at lakas ng pintig ng aking puso ng mga sandaling iyon. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at mga tuhod na anumang oras bibigay na yon dahil narin sa mga nangyari.
Ang kanyang mga mata, ay napaka lamig at puno ng galit, hindi ko maintindihan kong bakit ganyan sya saakin.
"Kakasabi ko lang diba? Wala akong narinig, wala na dapat pa akong ipaliwanag pa sayo" matabang nyang sambit saakin na sanhi mapa kurap ako dahil narin ito ang unang pag kakataon na marinig ko syang mag salita na medyo mahaba.
Isang matalim na titig ang binigay nya saakin at pagkatapos nag kilos na sya para iwan ako mag isa sa comfort room. Tangka sana syang aalis pero mabilis akong mag salita.
"Pwede ba kitang mag kaibigan Hannah?" Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para sabihin ang katagang yon. Kinagat ko na lamang ang aking ibabang labi, para itago ang kahihiyan na ginawa ko.
Jusko. Bakit mo ba sinabi yon Maddie?
Hindi mo na ba nakita, na ayaw nya sayo?
Bakit mo pa sya tinanong na gustong maging kaibigan?
![](https://img.wattpad.com/cover/227577139-288-k981364.jpg)
BINABASA MO ANG
My Greek Professor [COMPLETED]
RomansaMaddisson Trinidad, 19 years old. A simple student in Standford University living her college life to the fullest. She always chases after her professor William pursuing him day by day, Maddie had a friend named Julie who was always stopping her for...