Chapter 5

2.8K 77 29
                                        

Chapter 5

"I-Ikaw?" Bakas ng pagkatakot at pag kagulat ang gumuhit sa mukha ni Maxine habang naka titig sa lalaki na nasa harapan nya. "S-Sir" yan na lang ang lumabas sa kanyang bibig at tuluyan na syang nanghina.

Ramdam ko ang pag hihina ng tuhod at gulat sa aking sarili ng makita ko si Sir William na ngayon na nasa harapan namin. Walang bakas na emosyon ang kanyang mga mata at napaka dilim at talim ng titig na pinukol nya na tila ba isa syang mabangis na hayop na anumang oras, kayang pumatay ng tao. Nanatili padin syang naka hawak sa pulsuhan ni Maxine para pigilan ito sa tangka nya sanang pang babato sakin.

"What do you think you're doing?!" Umalingawngaw ang nakaka takot at nakaka hindik nyang sigaw sa naturang hallway. Tinapunan ko ng tingin si Kim at Vanessa na naka tayo sa bandang dulo, at bakas din sa kanilang mukha ang takot at pangamba na para bang papatayin na sila.

Alam ko na kong bakit ganun na lamang ang takot sa kanilang mukha dahil kilala si Sir William ng lahat ng estudyante at mga guro sa kanilang Unibersidad, na wala itong inuurunggan at higit sa lahat dahil narin sa napaka sama nito. Iniiwasan sya ng mga estudyante at kahit mga tao sa paligid nya.

"B-Bitawan mo ako Sir." Nauutal nitong sambit at pilit nyang binabawi ang kanyang kamay pero hindi yon binibitawan ni Sir William. Mas lalong dumilim ang kanyang mukha na sanhi pag pawisan ng malamig si Maxine sa kaba. "Ano ba, bitawan mo sabi ako eh. Ahh" halos mamilipit ito sa sakit at kirot ng mas hinigpitan pa lalo ni Sir William ang pag kakahawak nito sa kanyang pulsuhan na animo'y babaliin nya na yon sa higpit at gigil ng pag kakahawak nya dito.

Nawala ang tapang sa mukha ni Maxine at ngayon napalitan na iyon ng takot at sindak sa lalaking kaharap nya ngayon. Kulang na lang mamilipit na sya sa sakit na kanyang nararamdaman pero nanatili padin syang nag papakatatag, kahit sa loob nahihirapan na sya.

"Please Sir, nag mamakaawa ako. Bitawan nyo na ang kamay ko" maluha-luhang pakiusap nito. Isang mala demonyong ngisi ang pinakawalan ni Sir William at hinila nya si Maxine palapit sakanya.

"Sa tingin mo ba natutuwa ako sa pinag gagawa mo ngayon ha?!" He's jaw tightened and his eyes was flaming on anger. "Sa susunod na ginawa mo pa ulit ito, ako na ang makakabangga mo! You don't want, to see me get angry!" He warned.

Tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata ni Maxine at nanginig na ang kanyang katawan dahil sa takot at nerbyos na kulang na lamang matumba na sya. 

"I'm watching, you guys!" Isa- isa nyang tinitigan si Kim, Vanessa at pang huli si Maxine na bakas ng pangamba at takot sa kanilang mukha. Inis na binitawan nito ang kamay ni Maxine, na konti na lang tumalsik ito sa lakas ng impact.

Tinignan ko si Maxine na ngayon hawak nya ang kanyang kamay na medyo namula na dahil sa higpit ng pag kakahawak sakanya ni Sir William, puno ng takot, ang gumuhit sa kanyang mga mata. At pag katapos nag mamadali na syang tumakbo na tila ba takot na takot, at kasabay non sumunod naman sakanya ang mga kaibigan nya na tila ba mga takot na mga tuta.

Wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Maxine hanggang mawala sila sa aking tingin. Hinawakan ko ang aking tyan at ramdam ko parin ang kakaibang kirot at sakit dahil sa pag kakasikmura saakin ni Kim kanina. Bahagya kong sinulyapan si Sir William na ngayon naka titig saakin at puno ng pag aalala sa kanyang mukha, na ito ang kauna-unahang pagkakataon na makita ko na ganun ang titig ang pinakita nya saakin.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at pinag sawalang bahala ko ang malagkit na drinks na nag kalat sa aking katawan at damit. Bahagya na sana akong kikilos pero tila ba nagulat ako sa aking nasaksihan ng makita ko si Hannah sa isang tabi na naka tayo na tila ba kasama sya ni Sir William.

My Greek Professor [COMPLETED]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon