Chapter 2

2.7K 84 31
                                    

Chapter 2

"S-Sir William?" Yan na lang ang lumabas sa aking bibig. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan sa takot at kaba habang naka titig sa napaka dilim at walang expression nyang mga mata.

Paano?

Paano nya nalaman kong asan ako?

Nilunok ko na lamang ang naka barang laway sa aking lalamunan at para akong tatakasan ng bait dahil napaka lapit ng katawan nya sakin. Na nag bibigay kaba at kakaibang takot sa aking dibdib.

"Why are you ignoring my call and text from you huh?!" Malagong nitong sambit at nilunok ko ang naka barang laway sa aking lalamunan at hindi ko pinuputol ang titig namin sa isa't-isa. "We need to talk!" nag tagis ang kanyang ngipin sa galit.

"P-Per—-" mag sasalita pa sana ako pero marahas nyang hinablot ang aking pulsuhan at hinila nya ako ng buong lakas at pwersa.

Wala akong nagawa kundi mag patanggay sa pag kakahila nya saakin dahil narin sa bilis ng pangyayari. Sa bawat segundong lumilipas mas lalong kinakain ng takot ang aking dibdib, na ngayon kay lamig at talim nya ako kong titigan na tila ba isa syang nilalang na nakakatakot.

"B-bitawan mo ako." Aniya ko at pilit kong binabawi ang kamay ko sa pag kakahawak nya pero hindi ko magawa dahil mas malakas sya kumpara saakin. "Bitawan mo na sabi ang kamay ko. Ano ba!" patuloy kong pag pupumiglas sakanya, pero tila ba hindi nya naririnig ang aking sasabihin.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili na papunta kong saan naka park ang kanyang kotse sa parking area dito sa school namin. Medyo liblib at tago narin ang lugar na ito at bihira lamang ang mga estudyante ang pumupunta dito dahil private parking lot ito ng may-ari ng skwelahan.

"A-Anong ginagawa natin dito?" Bakas ng takot at pangamba ang kanyang didbib sa mga sandaling ito. Napaka lakas ng pintig ng kanyang puso at patuloy padin syang hinihila ng marahas ng binata, napa luha na lamang sya ng maramdaman nya ang higpit at gigil nitong pag hahawak sa kanyang pulsuhan. "S-Sir William ano po ang gagawin natin dito?" Nauutal nyang sambit at tumigil sila sa harapan ng isang itim na SUV

"Get inside!" maowtoridad nitong sambit at binitawan na nito ang kanyang pulsuhan. Hinigpitan nya na lamang ang pag kakahawak nya sa kanyang sling bag habang sinusundan ng tingin si Sir William na blanko ang expression habang papasok sa driver seat. "What are you waiting for Maddie? Get inside of the car!" Kulang na lang mapa talon sya sa gulat na ngayon kay dilim na ng titig ang pinukulan sakanya.

Tumingin sya sa kaliwa't-kanan nya para alamin kong may nakaka kita ba sakanilang studyante o ilang staff sa school nila, na pumasok sya sa loob ng sasakyan ng Professor slash may-ari na rin ng Unibersidad kong saan sya pumapasok ngayon. Kailangan nyang maka iwas sa chismis sa school nila dahil tiyak na pag uusapan sila pareho ni Sir William.

Nag pakawala lamang sya ng malalim na buntong-hiningga bago sya sumunod at pumasok sa unahan ng sasakyan na katabi lamang nito. Nang tuluyan na syang makapasok sinimulan na nitong patakbuhin ang sasakyan. Isa pading katanungan sakanya kong bakit kailangan pa syang sumama dito.

At kong saan sila pupunta ngayon.

Sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan nilang dalawa na halos mapanis na ang laway sa kanyang lalamunan dahil hindi sila nag papansin at nag kikibuan man lang sa byahe. Tahimik nyang binalingan ng tingin si Sir William na tahimik na nag mamaneho at naka tuon ang kanyang atensyon at tingin sa daan. Pansin nya ang pag kunot ng kanyang mga noo at napaka seryoso nitong mukha na tila ba galit ito sa mundo.

Ano pa nga ba aasahan nya dito?

Na parati naka kunot ang noo nito na lahat ng estudyante nya ay takot sakanya dahil narin napaka terror nito sa klase.

My Greek Professor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon