Adik

3.5K 73 11
                                    

DISCLAMER: The story are purely fictional, it is not base in the real life story of Tanchellie and Sarah

Tanch POV

Nagising ako mula sa mahimbing kong pagkakatulog ng may kumatok ng malakas at sunod sunod sa aking kwarto. Inis kong sinilip ang orasan sa gilid ng aking higaan, 6:30 pa lang namana

"seriously?! Kiana ano ba yon? Ang aga aga pa ano bang mer--"

Hindi ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng kumatok muli at sumigaw ang aking bunsong kapatid

"Ateeee! Wake up. Yung manliligaw mo nandito na. Bangon na diyan." sigaw ni Kiana  mula sa labas ng aking kwarto

Anak naman ng tinapa oh oh. Agad akong napabangon upang buksan ang pinto ng aking kwarto para harapin si Kiana.

"Why did you let him in?" Bungad ko sa kanya

"Well Good Morning too my big sister" sambit niya sa akin na naka ngiti pa at halatang nang aasar.

"Wag mo akong magood morning good morning diyan ha. Nasaan ang good sa morning kung siya ang bubungad sa akin?"Taas kilay kong sagot sa kanya.

"Sungit mo ate aga aga eh."sagot niya pa sa akin

"Pang asar ka din ang aga aga" taas kilay kong pag bawi sa kanya

"So ano paakyatin ko pa ba dito sa kwarto mo?" sabay kindat at halatang nang iinis pa

"Eh kung kayong dalawa kaya paakyatin ko sa langit ng magtigil kayo diyan." pabiro kong pag patol

"Wow ha. May dala kaya siyang bulaklak ulit for you and ofcourse chocolate for me" pagbibibo pa nitong sagot sa akin

"Wow talaga naman proud ka pa ano po, kaya pala eh no? Ano pa nga ba, di pa ba ako nasanay sa'yo. Di na ako magugulat one day malooban tayo dito."

"Syempre ate iba naman yon no." pagdedepensa pa niyang sagot

"Iba naman yon, iba naman yon hoy Stanamarish 'di ba sabe ko sayo paghinanap ako niyan sabihin mo wala ako. Kung hindi mo 'yan mapapaalis ngayon ikaw ang  pag huhugasin ko ng mga plato ng isang buong taon" buong tapang na pagbabanta ko sa kanya.

"Si ate naman hindi mabiro eh" at agad naman itong kumaripas ng pagtakbo pababa sa aming sala.

Lumapit naman ako sa may hagdan kung saan hindi ako kita mula sa baba para masaksihan at marining ang kanilang usapan.

"Kuya Joross wala pala si ate dito ngayon" kamot ulong sabe ni Kiana

"Ha? Eh akala ko sabe mo natutulog siya. Pagtatakang sagot ni Joross

"Oo nga po tulog po siya pero hindi ko namang sinabeng sa kwarto niya hehe" nakangiting pag sagot ni Kiana

"So saan pala siya natulog? Pag uusisang sagot ni Joross

"Ahh ehh sa may baba..bus? Oo tama, tama sa may bus nga po pala. Nasa byahe po kasi pala si ate ngayon. Mautal utal na pangangatwiran ni Kiana

"Anong byahe ? Papunta saan?" hindi parin makapaniwalang sagot ni Joross kay Kiana

"Uhmm ahh papuntang SM po" napasapo na lang ako sa aking ulo sa naging sagot ng magaling kong kapatid. Wth okay na sana eh pero sa lahat ba naman ng pupuntahan ng ganitong oras SM pa jusmiyo.

"Sa ganitong oras? Kunot noong pag sagot ni Joross. "Kaya nga ganito ako kaaga nag punta para maabutan pa siya dito sa bahay niyo." dagdag pa niya

"Nag jogging po kasi si ate" walang pag aalinlangang sagot ni Kiana

Ewan ko ba kung kapatid ko ba talaga to o si kim chui talaga tunay niyang ate. Mas malinaw pa yung plastic labo kaysa sa sinasabe ng kapatid kong to.

"Akala ko ba nag bus? " salubong na kilay na sagot ni Joross na halatang nalilito na sa sinasabe ni Kiana

"Ahh eh oo nga po pala nag jogging sa bus"

"Nag jogging sa bus!?" pag tatakang ulit niya sa sinabi ni Kiana

"I mean nag jogging po papuntang sakayan ng bus" depensang sagot ni Kiana

"Pero ang aga naman ata ng ate mo para mag mall ha? Siya ba nagtatago ng susi? Pabirong sagot ni Joross kay Kiana na halatang natataranta na ngayon.

"Ahh kasi alam niyo na punctual po kasi si ate diba, ayaw niyang nalalate kaya ayon po pati pag punta sa mall gusto niya mga 2 hours before mag open yung mall nandoon na siya. Bucket list din daw niya ehehe"

Tsk! Pasaway na Kiana to mamaya ka talaga sa akin bata ka. Kung anu ano pinagsasabe nito. Aba anong kala nito sa akin first timer mag mall, dinaig pa ang guard sa sobrang aga.

Pero mukhang naniwala naman din si Joross at nakita ko rin na nagpaalam na siya at lumabas na sa aming bahay.

Yes Joross has been my suitor for almost 1 yr na rin and kilala na nga din siya ni mommy, paano ba naman halos araw araw siyang nabisita sa bahay. Payag naman si mommy if ever na magka boyfriend na daw ako. Pero hindi ko parin siya pinayagan manligaw noon pero wala eh hindi ko siya mapigil. Lakas ng tama niya sa'kin, well di ko siya masisisi. Pero sa sobrang lakas ng amats niya kasi naging pusher na siya. Hindi nga lang droga tinutulak niya, kundi yung sarili niya. Sarili niya para sa'kin.

Pababa pa lang ako ng agad kong makita ko mula sa may hagdan si ate May na abalang nagluluto sa aming kusina.

"Ate may, si mama po?" agad kong tanong sa kanya

"Wala na" simpleng sagot niya sa akin habang patuloy parin sa pagbabati ng kanyang itlog

Si ate May nakasama na namin siya simula noong mga bata pa kame ni Kiana. Siya kasi nag aalaga at nagbabantay samin kapag nasa work si mommy. Hiwalay na kasi sila ni daddy. Kaya si ate may narin ang naging katuwang niya sa bahay at sa pag aalaga sa amin.

"Maaga umalis si mama" sabat ni Kiana

"Kasing aga ba nang pang bubulabog mo?" sabay 'taas ko ng isang kilay

"Ate ewan ko ba sa'yo bakit ba ayaw mo kay kuya Joross. Gwapo naman, mabait, responsa--"

"Shhhh! Eh sa anong magagawa ko? wala nga akong nararamdaman para sa kanya." putol kong pag sagot kay Kiana

"Halata nga" sang ayong pag sagot nalang niya.

Habang nag aantay pa sa aming almusal kinuha ko na lang aking cellphone para magcheck ng email and messages. You have message from blah blahh ganito ba talaga inbox kapag single haynako.

Joross
NDRRMC
REDCROSSS
Shopee
Ligaya
Smart

From Joross

I'm on my way papuntang Sm. Susunod ako sa'yo.

Natawa at napailing na lang ako ng mabasa ko ang text ni Joross sa akin. Hindi na rin ako nag abala pa mag reply sa kanya.

Aba si Ligaya nag text din pala sa'kin kagabi. Agad ko namang binuksan ang kanyang text

From Ligaya (10:14 pm)

Tayo na ba?

Itutuloy....

(This is the first ever story that I made. Pls support me mga bhe)

Make You Mine (Team Tarah)Where stories live. Discover now