"Ano ba yan napaka ingay naman eh." angal ni Sarah habang nakatungo ito ngayon sa kanyang arm chair dahil sinusubukan niyang makaidlip.
Kasalukuyan kasing wala pa ang prof nila ngayon para sa susunod na subject nila kaya halos lahat ng kanilang mga kaklase ay magulo pa at nag iingay.
"Arte oh ayan puyat pa girl. Landi kasi kagabi" natatawang sagot ni Tina ng makita niya ang katabi niyang si Sarah na nakatungo at nakatakip sa kanyang tainga.
"Kagabi laki ng ngiti mo ah. Oh ano ka ngayon diyan edi antok ka tuloy." sulsol pa ni Abby na kanyang katabi rin.
"Kaya ako natutulog nalang agad eh ayaw ko ng may kachat istorbo lang yan." kunsuming sagot ni Tina at napapailing pa ito
"Loka anong ayaw. Ang sabihin mo wala lang talagang nag chachat sayo" pangbabara ni Abby kay Tina
"Hehe nahiya naman ako sayo Abby. Dami mo kasi kachat eh ano." sarkastikong sagot ni Tina sabay bato pa ng nilamukos na papel sa kanya
"Sshhhhhhhh! Pwede ba magtigil muna kayo dagdag pa kayong dalawa sa ingay."
Natahimik ang dalawa ng iniangat na ni Sarah ang kanyang ulo at sumabat sa kanilang pag uusap. Pinagigitnaan kasi sila ni Sarah kaya dinig na dinig ang pagtatalo nila.
"Hayaan niyo na guys baka kasi crush niya yung kausap niya kagabi kaya malaki ngiti ni Sarah"
Agad naningkit ang mata ni Sarah ng marinig niya ang pag sabat ng babae na nakaupo mula sa kanilang likuran.
"KAYA NGA AYIEEEE" sabay na gatong pa ni Tina at Abby
"Excuse me Tanchellie first of all hindi ko crush ang KACHAT Ko kagabi and second hindi ako nakangiti habang may kachat ako kaya wag kayong ano dyan. Wala kayong ebidensya" confident na sagot ni Sarah ng lingunin niya si Tanch mula sa kanyang likuran.
"oppss hehe paktay mukhang di pa niya alam" bulong ni Tina sabay kuha ng kanyang libro at nag kunwaring abala na siya sa pagbabasa.
"So what's this?" nakangising sabe ni Tanch sabay abot ng kanyang cellphone kay Sarah para ipakita ang litrato na ipinost ni Tina kagabi.
Namula ang mukha ng dalaga ng makita niya ang sarili niya na malaki ang ngiti habang siya ay abala sa kanyang cellphone.
Agad napaharap ito sa kanyang mga kaibigan at awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay at inis na tinapunan niya ng tingin ang mga ito.
"Uhhm.. Sarah tara reviewhin na natin report natin. Ginanahan na ako bigla mag aral."
"Punta muna ako canteen parang nagutom ako gusto ko siopao" sagot naman ni Abby at humawak pa sa tiyan
"Tse! Finals pa tayo magrereport Kristina prelim pa lang. At ikaw magtigil ka hindi ka naman nakain ng siopao echosera. Wag niyo na ibahin ang usapan. Lagot kayong dalawa sakin mamaya sa bahay" banta ni Sarah sa dalawa habang nakahawak siya sa mga batok ng kanyang mga kaibigan
"HAHAHA sarah nakikiliti ka--
"Guyss tahimik!!
"Luh quite munaaaaaaa!"
Natahimik naman ang lahat ng magsalita ang kanilang class president na si Marvin sa harapan
"Guys, galing akong faculty at wala daw si Ma'am pero nag bilin siya,for those student na magrereport today. Prepare nalang daw next meeting. You can go home guys ingat."
YOU ARE READING
Make You Mine (Team Tarah)
FanfictionWhat happened if a girl fell in love with a girl?