Tanch POV
"Tanch.. Tanch" malambing na tawag sa'kin ni Ate May habang naririnig ko siyang kumakatok sa aking kwarto
Hindi naman na ko nag abala pang bumangon para pag buksan siya
"Tuloy po Ate May, bukas po yan" sagot ko sa kanya habang ako ay nakahiga parin
"Tanch may biseta ka" masayang bungad ni Ate May sa akin ng buksan niya ang pinto.
"Ate May kung si Joross yan paki sabi bumalik na lang siya sa susunod" walang gana kong sagot at tumalikod na ako ng higa sa kanya
"Hi! Eh pag ako ba? Babalik na lang din ba ako sa susunod?"
Nagulat ako ng isang pamilyar na boses ang sumagot kaya agad akong napaharap muli sa may pintuan para tingnan ito,at tama nga ako.
"Sarah, what are you doing here?" kunot noong tanong ko ng makita ko siyang nakatayo sa may pinto at suot pa niya ang pe t-shirt namin
Ngunit di nakasagot si Sarah ng magsalita muli si Ate May
"Kaya mo na ba dito Tanch? Nag papasondo kasi kapated mo."
"Sige po Ate May. Medyo kaya ko na rin naman na po" pagkukimbinsi kong sagot sa kanya
Masama kasi pakiramdam ko kaya absent ako ngayon sa school. Ito mag damag lang akong nakahiga sa kama nagpapahinga, gustuhin ko mang pumasok kanina kaso hindi kaya ng katawan ko.
"Sege maewan ko mona kayo dyan ha"
"Come in Sarah" Sabi ko sa kanya ng tuluyan ng makaalis si Ate May
"Buti naman, akala ko pababalikin mo na lang din ako sa susunod" mahinahong sagot niya sa akin habang papasok siya sa kwarto ko
"Bakit ka ba nandito? Isang araw palang akong nawala namiss mo na ako agad."
"Miss agad? Di ba pwedeng ibabalik ko lang 'to." pag papaliwanag niya at nakita kong inilapag niya ang jacket na ipinahiram ko sa kanya sa may study table ko
"Di kana sana nag abala pang pumunta Sarah. Pwede naman na sanang ipagpabukas na lang yan." sagot ko sa kanya habang ako'y nakahiga paring nakatingin sa kanya
"Nabasa ko din kasi chat mo sa gc na may sakit ka kaya di ka nakapasok ngayon." saad niya habang nakaupo na ito sa aking study table at abalang tinitingnan ang mga gamit ko
"Taas kasi ng lagnat ko kanina di ako maka bangon. Sobrang sama ng pakiramdam ko eh, lalo na kaninang umaga" matamlay na pag amin ko sa kanya
Naalis naman na ang tingin niya sa gamit ko at humarap siya sakin habang siya'y nakaupo parin
"Masakit pala tiyan ah" nangingiting sabi niya habang prenteng nakaupo ito sa swivel chair ko
"Ha? Anong tiyan?"
Agad naman ako napaisip at sinubukang intindihin ang sagot niya ng biglang nagsalita ulit siya
"Nag kwento sa akin si Trixie about sa milktea niyo kahapon at hindi kayo tugma ng sinasabing dahilan." sagot niya sakin habang pinagmamasdan niya akong nakahiga
Oo nga pala patay. Si Trixie nakalimutan kong sabihan
"Ikaw ha. So sinundo mo pala talaga ako?"
"Ayiee wag kana mahiya"
"May tinatago ka naman palang bait" sunod sunod na pang aasar niya sakin
YOU ARE READING
Make You Mine (Team Tarah)
FanfictionWhat happened if a girl fell in love with a girl?