Sarah
"Oh mamaya kana mag blush. Tara na Bebe Loves ko may date pa tayo" saad niya pa sabay ngiti ng pag katamis sakin.
Pag tapos non ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na niya ako para mag patuloy sa aming paglalakad.
"Loko loko bebe loves ka dyan. Bitawan mo nga ako Tanchellie" sagot ko sa kanya habang sinusubukan kong pumiglas sa pagkakahawak ng kamay niya sa akin
Parang sira eh kagabi pa to, quota na to sa mga banat niya
"Sige bibitawan na kita pero sabihin mo muna saan mo ko e ddate" excited na sagot niya sa akin habang mag kahawak parin ang kamay namin habang naglalakad
"Huy nanaginip ka ba? Anong date ba pinagsasabe mo dyan."
Date daw? Kailan ko naman to inaya na makipag date? Ngayon lang ako naka kita ng magandang nang bubudol
"You owe me remember and besides nangako ka pa sa akin na ililibre mo ko ng milktea pag gumaling na ako." sagot niya na parang bata sa akin
"Ahhhh yun ba. Fyi it's not a date it's a treat." pagpapaliwanag ko sa kanya
"Sus date treat parehas lang yon tsaka swerte mo nga e grasya na lumalapit sayo." giit niya sa akin at binitawan niya na ang kamay ko
"Grasya ba talaga o disgrasya?" natatawang sagot ko sa kanya
"Aba oy ikaw nga yung disgrasya dyan, nagkasakit ako, napaso ako tapos di pa ako nakapasok. Buong pwet mo ata may balat eh" asar na sagot niya sa akin
"Hahahahaha inis kana niyan?" sagot ko sa kanya at inirapan niya lang ako
"Pero Tanch sa susunod na lang tayo mag milk tea may pupuntahan pa kasi ako ngayon" sabe ko sa kanya ng makarating na kame sa may exit
"Edi milktea muna tayo tapos sasamahan na kita sa lakad mo"
"Ha? Sure ka sasamahan mo ko?
Ano naman kaya nakain nito. May sakit parin ata ang babaeng to
"Oo gusto mo hanggang sa pagtanda pa" sagot niya sa akin at kinindatan niya na naman ako.
"Hahaha sira! Tama na baka maniwala na ako sa mga sinasabe mo diyan. Sige na nga tara na mag milktea na tayo bago mo pa ako tuluyan ma budol."
"Pakipot pa papayag din pala"
"Sus ikaw nga dyan. Ikaw na rin nag sabe diba puro disgrasya ka sakin pero 'bat gusto mo pa rin akong kasama?" Tanong ko sa kanya ng tuluyan na kameng nakalabas ng gate ng campus
Tanch Pov
"Sus ikaw nga dyan. Ikaw na rin nag sabe diba puro disgrasya ka sakin pero 'bat gusto mo pa rin akong kasama?"
I was cut of guard with that question. Oo nga 'no? bakit nga ba? 'Bat parang ako napaisip din.
"Sinisingil ko lang po kaya yung pangako mo sa akin. Edi kung ayaw mo uuwi na lang ako"
"Hahahaha ang arte mo. Wala ka namang hiya itigil mo na yan di bagay sayo, halika na." sagot niya sa akin
Tingnan mo 'to kontra bida din eh.
"Pero kasi may ubo pa ako eh, wag na lang milk tea"
"Sige bukod sa akin ano ba gusto mo?" walang ka abog abog na tanong niya sa akin habang naglalakad na kame sa kalsada.
"Sure ka ba na gusto kita?" tanong ko sa kanya at hindi na ito kumibo pa sa akin
"Oh di ka sure diba, malay mo kasi baka..mahal na pala kita." panunukso ko sa kanya