Sarah POV
Nagising ako ng masilaw ang aking mga mata sa sinag ng araw na tumagos sa bintana ng aming kwarto. Ako'y painat inat pang bumangon mula sa aking higaan at sa aking pag tayo agad kong nakita na nakatalukbong at himbing pang natutulog sa kanyang higaan ang aking kasama sa kwarto. Aba ayos itsura nito ah parang pupa, kailan kaya ito magiging paru paru, sa isip isip ko habang ako'y natatawa sa kanyang itsura.
Inayos ko naman ang aking hinigaan at agad din naman akong lumabas sa aming kwarto para mag tungo sa kusina upang mag luto ng aming agahan.
Renegay...renegay...renegay🎶
"Ay tipaklong!" nagising ang aking diwa ng ako'y magulat ng bumungad sa akin si Tina na aliw na aliw sa pag sasayaw at sumasabay pa ito sa pag kanta ng tugtog.
Renegay...renegay...renegay🎶
"Seriously Tina? Naka drugs ka ba?" Natatawa kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan parin siyang seryoso sa pag sasayaw na ani mo'y contestant sa showtime na todo bigay kung sumayaw.
" Wow Sarah Joy ah" habol hiningang sagot niya sa akin at natapos na din ang kanyang pag sayaw.
"Naka drugs agad? 'Di ba pwedeng nag ti-Tiktok lang? Nahiya naman ako sa 'yo ikaw nga pangalan mo Sarah pero di ka naman prinsesa"
"BOOM! Renegay... renegay...renegay" Ganting pang aasar niya sa akin habang sinasayawan niya pa ako sa aking harapan.
"RENEGAY daw HAHAHAHAHA"
Napatingin naman kame kay Abby na gulo gulo pa ang buhok at halatang bagong gising lang din na lumabas ng aming kwarto na nakisabat agad sa aming usapan.
"Gagang to ginawa mo pang bakla si sir Rene ah HAHAHA." halakhak niya pang sagot at pailing iling pa siya
"Ay sorry naman,magaling ka gorl? Sana ikaw nalang sumayaw" Sagot naman ni Tina
"HAHAHA RENEGAY AMP" pag uulit pang sabi ni Abby habang humahalakhak
"GREDY-GAY kasi yon" pag lilinaw at dahan dahan pang sagot ulit ni Abby kay Tina
"Tsk aral aral din kasi wag puro sayaw" payo pa niya kay Tina
Napasapo na lamang ako sa aking ulo sa mga pinag sasabi nilang dalawa.
"Alam niyo ang liwa liwanag pero nandidilim paningin ko sa inyo dalawa" pagpuputol ko sa pag tatalo at pag aasaran nila
Tina and Abby has been my housemates since when we are first year. Nag kakilala kame because we are blockmates, we are Hospitality Managament major in Cruise Line students.
I'm from pampanga and my school is here in Manila so naghahanap ako noon ng place and sakto nabangggit din nila na they are also looking for a dorm or an aparment to rent. So we've just decided na mag sama sama nalang kameng mag rent.
Yung aparment na ni rent namin isang kanto lang layo mula sa school namin. Di naman din ito ganon kalaki, sakto lang para sa apat na tao.May roon itong dalawang kwarto, sa bawat kwarto mayroon dalawang single bed. Bali si Abby yung roomate ko tapos si Tina naman wala na siyang kasama sa room niya ngayon, si Roanne yung dati niyang roomate na ngayon ay wala na dahil nagtransfer na ito.
Yes mabait naman silang dalawa maasahan sa oras ng kagipitan, walang alin langang tumutulong sa oras ng pangangailangan. Kaya kapatid narin ang turing ko sa kanila
Sa amin, si Tina yung taong laging sabay sa trends, hindi yan papahuli. Hindi na bali ng mahuli sa klase wag lang sa uso. Lahat kayang sabayan niyan pwera lang ang mga lectures. Joke
Si Abby naman siya yung pinaka masipag mag aral sa amin, oy pero masipag din kame siya lang yung pinaka,pero kung gaano ang kina sipag niyan ganon din siya kung antukin. Siya rin yung pinaka nakakatawa sa amin, ewan ko ba likas na nakakatawa siya para sakin.
Kahit ata makita ko lang ang ekspresyon ng mukha niya natatawa na agad ako. Mayroon ngang time noon na napalabas ako ng room dahil nakita akong nakangiti ng prof namin. Paano ba naman nakita ko Abby na nagtaas ng kamay habang natutulog. So ang ending ako pa tuloy ang napagalitan.
Ako naman si Sarah Joy ma--
"Oh Sarah bakit nandito ka pala? Bakit hindi ka umuwi ng pampangga? Napabalik ako sa aking ulirat ng tanungin ako ni Abby
"Tinamad na kasi ako umuwi since madami din tayong kailangang tapusin sa school ngayong weekend, nagsabe narin naman na ako kay lomy kagabi" sagot ko sa kanya habang papunta ako sa kusina para mag luto.
Nakaupo sila Tina at Abby ngayon na abala sa pag cecellphone sa sofa, habang ako naman ay nagluluto sa aming kusina.
"Nabasa niyo na ba yung announcement sa gc kagabi?" tanong ni Tina sa amin habang nakatingin parin sa kanyang cellphone.
Nainis naman ako ng maalala ko ang tungkol don.
"Yes, ofcourse it is okay for me. Sang ayon ako don" masayang pag sagot naman ni Abby
"Sa inyo okay pero ni kame ba tinanong niyo kung ayos lang ba sa amin? Desisyon kayo." asar kong sagot sa kanila.
Kame kasi ni Tanch yung inassign na maging event managers for the upcoming big event sa school namin. Sa Events Management major subject 'yon nakaka pressure syempre, kame yung inaasahan mamuno ng prof namin and at the same time ng mga classmate namin.
"Sorry majority wins, swak kasi yung tandem niyo ni Tanch." Sagot naman ni Tina na nakatingin na sa 'kin ngayon at sabay kumindat pa na halatang nang aasar.
"And besides hindi kayo yung ma-aasign na dalawa doon if di namin kayo nakitaan ng qualities of being a good event managers" gatong pa ni Abby
" Eh syempre nandoon yung pressure" Sagot ko naman sa kanila
"Pressure ba talaga?" sagot ni Tina na binigyan ng makahulugang ngiti si Abby.
"We know you ligaya" sagot naman ni Tina
At sabay nila kong binigyan ng nakakalokong ngiti.
"Hoy wag nga kayong pang asar kakampi ko kayo diba." giit ko sa kanila
"So ano pa lang say ni Tanch?" Tanong ulit ni Tina
"Wala nga eh,di nag seen sa gc kagabi. Maaga ata nakatulog 'yon. Tinext ko na nga din para tanungin kung kame na ba talaga yung magiging event managers" pag aamin ko sa kanila
Yes tama sila,actually di naman talaga about sa pressure yun eh. Daig pa kasi namin ni Tanch ang aso't pusa. Lakas kasi ako asarin ng babaeng yun tapos ang sungit pa.
Natapos na din ako sa aking pagluluto. Sinabihan ko naman sila na ihanda na ang mga plato at mesa para kami ay makakain na. Agad din naman silang tumayo at at kumilos.
Pumunta naman ako sa aming kwarto para saglit na mai-check ang aking cellphone,wow hanep kala mo may jowa eh no.
Sa pagbukas palang na aking cellphone agad na bumungad sa akin ang reply ni Tanch.
From: LakaTanch
"As if I have a choice"
"As if I have a choice" inis na maarte kong pag basa sa kanyang reply. Wow nemen hanep din talaga 'to. Choice pala ah, eh kung gawin ko kaya 'tong mayonaise ng maging ladies choice." Irita kong sabe sa aking sarili
Kahit sa text lang naiimagine ko parin kung paano siya mag sungit at mang asar.
Mag rereply na sana ako ng mag ring ang aking cellphone
LakaTanch is calling.....
Itutuloy.....
YOU ARE READING
Make You Mine (Team Tarah)
FanfictionWhat happened if a girl fell in love with a girl?