LakaTanch is calling...
"Sarah kakain Na" sigaw sa akin ni Abby mula sa labas ng aking kwarto.
Sasagutin ko na sana ang tawag ni Tanch ng ako'y tawagin naman ni Abby.
Sabagay panigurado mang aasar o susungitan lang rin ako nito pag sinagot ko yung tawag niya. Sa isip isip ko
Kaya di na rin ako nag aksaya ng oras para sagutin ang tawag niya at lumabas na lamang ako ng kwarto para kami ay makakain na.
Tagapagsalaysay
Matapos makakain at magkwentuhan ang tatlo agad din naman silang nag kanya kanya sa kanilang mga gagawin.
Si Tina pumwesto na sa lababo dahil siya ang naka toka sa pag huhugas ng plato nagayon.
Habang si Abby naman ay nakaupo sa sofa at abala na sa kanyang laptop.
Si Sarah naman ay nag pupunas ng lamesa na kanilang pinag kainan.
Tok..tok...tok (Katok yan bhe)
Automatikong nagkatinginan at napatigil ang tatlo sa kanya kanya nilang ginagawa ng marinig nila ang pagkatok sa kanilang pintuan.
"Hindi niyo pa ba binigay ang bayad sa renta kay Mama Rue?" pagtatakang tanong ni Sarah kay Abby at Tina
" Ha? 'di ba Inabot ko na yon kahapon pag uwi natin galing School." sagot ni Abby
Nag katinginan si Tina at Abby at sabay na makahulugang binigyan ng nakakalokong ngiti si Sarah.
"Oh baka naman kasi si Tantan yan ha" malanding pang aasar ni Tina kay Sarah
"Ayieeeee" bulyaw naman ni Abby na ngiting ngiti pa din na ani mo'y kilig na kilig
Tok...tok...tok
Napatigil sila muli at sabay sabay namang napatingin sa pinto
"Ako na" pataray na sagot ni Sarah
"Oo ikaw na talaga ligaya" pang aasar muli ni Tina kay Sarah
Pinagpatuloy naman muli ng dalawa ang kanilang mga ginagawa.
Sa pagbukas ni Sarah ng pinto laking gulat nito dahil hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kanya.
"What the? You? What are you doing here? Bungad na tanong ni Sarah
"So that's how you greet and welcome your guest huh,Ligaya? Tsk Hospitality pa man din ang kurso mo."Pamimilosopong sagot ni Tanch kay Sarah
Napataas naman ang kilay ni Sarah sa naging sagot sa kanya ni Tanch
"Hindi talaga kumpleto araw mo kapag di mo ako nakikita at na bbwisit ano? At talagang sinadya mo pa ako dito sa apartment. Inis na sagot ni Sarah kay Tanch
"Excuse me hin--
Hindi na nagawa pang matapos ni Tanch ang kanyang sasabihin ng sumigaw si Tina mula sa aming kusina
"Sarah sino ba yan?" pag uusisang tanong ni Tina
Agad namang nilakihan ni Sarah ang pagbukas ng pinto upang makita ni Abby at Tina si Tanch.
"Ay oo nga pala pinapunta ko dito si Tanch para gumawa kame ng report. Nakalimutan ko" kamot ulong saad ni Abby
"Hi Abby! Hi Tina! Good Morning" magiliw na ngiti na pagbati ni Tanch sa dalawa
"Good Morning girly" sagot naman ni Tina at kumaway pa
"Magandang Morning din. Halika pasok ka" pag aanyaya naman ni Abby kay Tanch
"See that? That's how you greet a person. And FYI Im not here for you. Wag kang feeler" mahinang pang aasar ni Tanch kay Sarah.
At ngiting tagumpay naman si Tanch na nilampasan si Sarah upang pumasok na sa loob ng kanilang apartment.
"See that. That's how you greet a person" Maarteng pang gagaya naman ni Sarah kay Tanch ng makalampas na ito sa kanya.
May araw ka din sa'kin LakaTanch bulong ni sarah sa kanya sarili.
Kinuha na ni Abby ang mga libro na kanilang gagamitin at si Tanch naman ngayon ang abalang nakaharap sa laptop. Sa sofa nakapwesto si Abby at si Tanch
"Si Tanch naman pala yung dumating, akala namin si Tan na eh" pangbabasag ni Tina sa katahimikan at pumwesto narin ng pag upo ito sa sofa
"Soundslike din naman" nangingiting sagot ni Abby kay Tina
Natigilan si Tanch sa kanyang ginagawa ng marinig ang dalawa
"Sinong Tan?" kunot noong tanong ni Tanch na tiningnan ang dalawa
Itutuloy....
(I'll try to update as soon as I can. Support niyo ko ha? Salamat hehe)
YOU ARE READING
Make You Mine (Team Tarah)
FanfictionWhat happened if a girl fell in love with a girl?