Ulan

1.4K 62 0
                                    

Sarah POV

Natapos na ang klase namin ng hindi pa rin kame nakakapag usap ni Tanch simula kanina.

Nag mamadali narin kasi ako gusto ko na maka uwi agad dahil mukhang nag babadya pang umulan. 

Naglalakad na ako palabas ng campus ng napatigil ako saglit ng madaanan ko si Trixie at Tanch malapit sa Canteen

"Ohh Sarah bakit di mo kasabay sila Abby?" bungad na tanong sakin ni Trixie habang si Tanch ay walang emosyon na tiningnan lang ako

"Ahh sa kabilang gate kasi sila dumaan. Pupunta kasi sila kila Mimi. Sila kasi yung naka assign sa pag eedit nung film diba." sagot ko sa kanya

"Oh sakto baka gusto mo na muna sumama samin sa Tealiling. Masarap daw Milktea don, diba Tanch" masiglang pagkukumbinsi sakin ni Trixie at marahan na siniko pa si Tanch

"Ay hindi na Trix sa susunod na lang siguro. Nagmamadali na rin kasi ako makauwi" sagot ko kay Trixie at tiningnan ko si Tanch na wala paring emosyon na inabala na ang sarili sa pag cecellphone

"Sige Sar ingat ka na lang ha" sagot sakin ni Trixie at bumeso na siya sa'kin.

"Sige Trix ,Tanch una na ako." paalam ko sa kanila at tumigil naman si Tanch sa pag cecellphone para tumingin at tumango sa akin.

Galit parin ata sakin ang babaeng yon. Hindi parin ako pinapansin eh. Pero bahala siya diyan nag sorry narin naman na ako kanina sa kanya ah.

Nagmadali naman ako ulit mag lakad palabas ng campus at boom hindi nga ako nagkamali, saktong nasa may exit na ako ng bumuhos na ang malakas na ulan.

Lord ang sabe ko po gusto kong ULAM eh hindi po ULAN. Naman ehhh. Hayyss kaya pala dapat tahimik pag nagdadasal eh

"Oh Sarah kala ko uuwi kana?" tanong sakin ni Trixie ng maabutan nila ako dito sa exit

"Ah eh yun na nga eh. Di ako naka abot. Wala kasi akong payong." kamot ulo kong sagot sa kanya

"Halika na kasi muna sumama ka na samin ni Tanch" pag aaya niya muli sakin

"Hindi na Trix, okay lang naman magpapatila na lang--"

"Trixie,mahirap pilitin ang taong AYAW. Masasayang lang oras mo. Com'on lets go." malamig na singit na sagot ni Tanch sa usapan namin at hinila na niya si Trixie papalabas ng campus.

Snow world, Baguio, Tagaytay left  the philippines.

Halata ang galit ni Tanch sa akin sa naging sagot niya sa pag uusap namin ni Trixie

Myghad di ko inaasahan yon kay Tanch. Normal naman samin mag asaran pero ngayon lang ata nagalit sa'kin yon ng ganto.

Alam ko may kasalanan ako sa kanya pero ewan ko biglang nasaktan din ako sa naging sagot niya.

Aba ni hindi man lang ako pinilit o kahit pahiramin man lang ng payong niya tutal dalawa naman sila ni trixie na meron.

Sa bagay ano pa ba aasahan ko don eh puro pambwibwisit lang naman alam non gawin sakin.

Halos labing limang minuto na rin ang nakalipas sa pag aantay kong tumila ang ulan. Napayakap na lang din ako sa sarili ko dahil nilalamig na ako,di lang kasi ulan ang lumalakas pati narin ang hangin. Nako mukhang aabutin pa ako ng bukas bago 'to tumigil.

"Wear this. Hatid na kita"

Napatigil ako sa aking pag mumuni muni habang nakaupo ng biglang may nag abot ng hoodie jacket sa pagmumukha ko.

Make You Mine (Team Tarah)Where stories live. Discover now