Volume 5: Prologue

444 26 4
                                    

Matapos ang nangyaring draft, binigyan muna kami ng isang araw upang maghanda. Magdamag kaming nagplano kahapon para sa gagawin naming strategies. Dahil nga sa random ang makakalaban ng bawat isa, kinailangan ito ng indibidwal na pagpaplano.

Malakas na sigawan at tugtugan ang namamayani ngayon dito sa stadium. Isang sikat na DJ dito sa South Korea ang incharge sa sounds. Sa bawat beat niyang nilikikha, sinasabayan ito ng pagkislap ng pink at asul na neon lights. Tila nasa party kami at wala sa tournament kaya naman sobrang hype ng mga tao.

Matapos ipakilala ng host ang kasapi ng bawat kuponan, dumiretso na kami sa nakatalaga naming upuan.

"Before we formaly start the first round of the second stage, let's have a words of wisdom coming from the brain of this event!"

Halos mapatalon ako ng biglang may spotlight na tumutok sa akin.

Anong kagaguhan 'to?

Siniko ako ni Levi. "Tawag ka Valk. Punta ka sa stage," saad niya sa akin.

Sa pagtingin ko sa stage, biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Bukod sa nakakasilaw na spotlight, nakadisplay din sa malaking screen ang aking mukha!

"Come on Mr. Sycamore. Give us some heartwarming speech!"

Pota naman oo!

Kahit na ayaw ko, wala na akong nagawa kundi ang tumayo. Nakatingin ang lahat sa akin ng tao at ayoko namang mapahiya. Isa pa, nakalive broadcast ito! Lahat ng tao sa mundo nanonood, pati na din sa loob ng game!

Anong sasabihin ko?! Potek. Hindi ako prepared!

Habang naglalakad, sinubukan kong hanapin si lolo. Nakita ko siya may itaas sa VIP room kasama ang mga GM at mga hindi pamilyar na mukha. Malapad ang kaniyang ngiti na tila ba alam ang lahat ng kasalanan ko sa buhay.

Ang ngiting iyan, mukhang siya ang may pakana taeeeee!

Bumaling ako sa babae na nasa parehong kuwarto. Todo kaway siya sa akin at nang mapadako ang tingin ko sa kaniya, nagfinger-heart niya.

Si Frieda.

Okay. Nabawasan na ang kaba ko! Whoo!

"Let's give a round of applause to Mr. Valk Sycamore!"

Pagkabigay sa akin ng mic ni Flick Murray, palihim ko siyang sinamaan ng tingin. Ang traydor na 'to. Matapos kong makuha ang loob ng Board ng Sycamore Tree gagantohin lang ako. Tsk!

Tinignan ko ang lahat ng mga tao. Napakamaliyar ng eksenang ito. Katulad lang nang nangyaring pres-con matapos ang guild war. Pero sa pagkakataong ito, buong mundo na ang nanonood.

"Uhhh, to the participants, players, to the live audience, and to those who watches the stream online, there's only one thing I want to say," tumayo ako ng maayos at itinutok ang aking daliri sa kisame na parang isang rock star.

"LINK STAAAARTTTTTT!"

...

Exyvius Fantasy Online Vol. 5: League's Gate #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon