Chapter 83: Mother Witch Celeste

567 40 38
                                    

•Sphinx Tomb

Tulad ng sinabi sa akin ng chief, walang bantay sa loob ng tomb. Subalit mayroong puting usok sa paligid na siyang nagsisilbing proteksyon laban sa mga nakapasok. Dahil mga white witch ang nagseal sa puso ng witch, may holy magic attributes usok na ito.

Blink. Sprint.

Matagumpay kong narating ang centro ng tomb. Nalampasan ko ang mga usok sa pamamagitan ng blink at sprint pero nakapagtamo pa din ako ng pinsala. Continous damage ito kaya mabilis na bumagsak sa 55% ang aking buhay.

Sakit talaga ng holy magic potek.

Uminom muna ako ng HP pots bago ako magpatuloy. Mahirap na baka may nagaantay sa akin na surpresa.

Sa pagpasok ko, maliit na pyramid ang tumambad sa akin. May mga torch din sa paligid na siyang nagiging tanglaw sa dito sa loob. Sa aking pagtingala, nakita ko ang treasuresl chest na siyang sadya ko dito.

"Ha! Ayos."

Sa pagtapak ko sa unang baitang ng pyramid, bigla akong nakaramdam ng mabigat na presensya. Tila ba hinihila ako kalukuwa ko pababa dahil sa sobrang bigat!

Ano 'to?! Walang sinabi ang chief sa akin tungkol dito. Dahil ba ito sa aura ng cursed heart?

Ilang segundo lamang ang itinagal ito. Pagkatapos noon, madali ko nang naakyat ang pyramid. Isang itim na treasure chest na selyado ng puting kadena ang nasa tuktok. Hindi ito mabubuksan gamit ang lakas. Tulad sa entrada ng tomb, isa na namang chanting skill.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

ᛗᚨᛚᛖᛞᛁᚲᛏᚢᛊ᛫ᛊᛁᛏ᛫ᛁᚾᛏᚢᛊ᛫ᚹᛁᛞᛖᚨᚾᛏᚢᚱ᛫ᚲᚢᛇ᛫ᛞᛖ᛫ᚦᛖᛊᚨᚢᚱᛟ᛫ᛗᛖ.᛫ᛁ᛫ᚨᚾᛁᛗᛟ᛫ᚠᛟᚱᛏᛁᛟᚱ᛫ᛊᛁᛏ

Maledictus sit intus videantur quae de thesauro me. I animo fortior sit.

━━━━━━━༺༻━━━━━━━

Kumpara sa nauna, mas mahaba ang chant na ito. Ilang minuto ko itong kinabisado bago hinawakan ang kadena.

"Shit!"

Kaagad kong nabitawan ang kadena dahil sa naramdaman kong init. Bumaba sa 80% ang HP ko. Katulad ng usok, may dasal din ito ng holy magic. Mukhang ayaw talaga ng chief na ipahawak to sa mga black witch na kagaya ko.

Uminom muna ako ng pots bago ko muling hawakan ang kadena. Ininda ko na lamang ang init kasabay ang pagbanggit ng chant.

"Maledictus sit intus videantur quae de thesauro me. I animo fortior sit!"

70% na lang ang HP ko. Uminom muna uli ako ng pots. Sa pagbukas ko sa baul, itim na usok na mistulang mga kaluluwa ang lumabas dito.

Mga kaluluwang umiiyak.

Hindi ko na pinansin pa ang kanilang ungol at pinagmasdan na lamang ang nagiisang laman ng baul. Isang itim na puso na patuloy sa pagtibok na animo'y buhay na buhay.

Kinuha ko sa aking inventory ang babasaging bote na may lamang langis. Dinasalan ito ng chief kanina. Sa pamamagitan nito, mapupurify ang dugo ng Cursed Heart.

Sa pagdampot ko sa itim na puso, bumilis bigla ang tibok nito. "Huwag kang magalala.  Dugo mo lang ang kailangan ko," kalmado kong saad ngunit mas lalo lamang  bumilis ang tibok

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Exyvius Fantasy Online Vol. 5: League's Gate #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon