Chapter 81: Tiara's Curse

345 20 3
                                    

Valieda Island
Miracle Emporium Guild Palace

Matapos isumpa ng lason si Tiara, hindi kami tumigil sa paghahanap ng lunas niya. Marami kaming kinontak na players galing sa iba't-ibang guild pero walang makapagpatanggal sa kaniyang lason. Kahit mga antidote ng Hunter class ay wala ding epekto.

Bukas na nang gabi magaganap ang laban ng aming kuponan kontra sa Japanese team. Kung hindi namin masolusyunan ang problemang ito, madaling matatalo si Tiara. Sa pagsapit ng ikalabing-limang minuto niya sa pakikipaglaban, mamatay siya.

Kaya ngayon, hindi siya makapagsanay. Kapag nadetect ng system na gumamit siya ng anumang uri ng dahas, magtitrigger na naman ang lason.

"I told yah, Hunter's poison differs from each other," saad ni Tiara matapos inumin ang huling antidote na ibinigay sa kaniya. Ibinato niya ang babasaging bote sa pader dahil sa inis.

"Aray!" Daing ni Levi nang matamaan siya ng mga bubog. "Baka magtrigger yung lason mo!"

"Calm your balls okay? Shattering a bottle is not violence."

Sumandal si Tiara sa sofa at humalikipkip. Hindi ko masisisi ang naging desisyon ni Tiara. Ibis na matalo at tanggapin ang antidote ni Kaila, mas pinili niyang tanggapin ang sumpa ng lason at manalo.

Nandito kaming tatlo sa bagong silid ni Benjs. Isang Diamond rank Alchemist na dating miyembro ng No Mercy na ngayon ay naninilbihan sa Miracle Emporium. Eksperto siya pagdating sa paggawa ng iba't-ibang klase ng potions. Lalo na sa mga potion na may debuff effects.

"Sugar," napatingin kaming tatlo kay Benjs na kasalukuyang nagtitimpla ng panibagong potion. Nagbudbod siya ng isang uri ng buhangin sa hinahalo niyang likido sa beaker.

Matapos ang ilang segundo lumabas dito ang dilaw usok. Pagkatapos ay hininaan niya ang apoy ng kaniyang aparato.

"Spice." Sunod niyang ibinudbod ang dinurog na iba't-ibang uri ng halaman. Bukod sa alchemy, may kaalaman din siya sa herbalism. Kung kanina ay dilaw, berde naman ang sumunod.

"And everything nice." Napaatras si Tiara nang lapitan siya ni Benjs.

"What are you doing? Wai-okay?"

Hindi na nakagalaw ni Tiara nang binunutan siya ng isang hibla ng buhok ni Benjs. Muli siyang lumapit sa kaniyang tinitimpla at inilagay doon ang buhok. Pulang usok naman ang sunod na namuo.

"Anong klaseng potion naman 'yan?" Takhang tanong ko.

"Panibagong potion Guild Master. Pero may kulang pa."

"Pero bakit may buhok ng halimaw?"

Dahil sa sinabi ni Levi, biglang namuo ang maliit na bolang apoy sa kanang kamay ni Tiara. "What did you say?

"Sige. Subukan mong ituloy 'yan," pagbabanta ni Levi.

Wala nang nagawa si Tiara kundi ideactivate ang kaniyang apoy. Bumuntong hininga siya saka muling sumandal.

"Tsk!"

Lumingon ako kay Benjs. "Ano pa ba ang kulang? Wala ba 'yan sa kangkungan mo?" Tanong ko sa kaniya.

May malawak na lupain si Benjs dito sa Valieda Island. Tinatamnan ito ng iba't-ibang uri ng halaman at punong kahoy. Dito niya kinukuha ang mga ingredients. Ibig sabihin may halaman na wala sa pananim niya?

"Hindi ito herb Guild Master. Isa it-"

Naputol ang kaniyang sasabihin nang biglang bumukas ang pinto. Iniluwa noon ang isang lalake na may malapad na ngiti.

"Wazzap maderpakers! Na-miss n'yo ba ako?!" Masiglang tanong ni Sid. Dumampot ng bote si Levi at ibinato ito sa kaniya

"'Di ka ba maalam kumatok?!"

Exyvius Fantasy Online Vol. 5: League's Gate #RPGCertifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon