Imagination :)

2K 62 26
                                    

~

*BEEP*

*BEEP*

*BEEP*

Natauhan ako dahil sa bumusina, nasa kotse pa lang pala ako, papunta pa lang ako sa radio station ko at napagtanto ko rin na kathang isip ko lang lahat ng nasa previous chapter. *facepalm* Akala ko totoo na si Harry, akala ko kami na ulit.

Actually pagkakuha ko ng bag ko kay Maxene ay palabas na ako sakay sakay ng kotse ko pero napahinto ako, at boom naglakbay ang imagination ko.

Nananaginip ako ng gising, tinignan ko 'yong orasan sa kotse ko, male-late na ako. Tss

"Sorry po." Sigaw ko sa kotse sa likod ko at umalis na

Bakit ba bigla na lang pumasok sa isip ko 'yong scene na 'yon.

Pasensya na mga readers, hindi pala totoo 'yong last chapter, nakakainis si Otor. Paasa </3

Dahil sa sobrang lutang 'yong utak ko, dumiretso muna ako sa starbucks na nadaanan ko at umorder ng kape.

"Salamat." Sabi ko pagkakuha ko ng kape

Sakto naman may nakabunggo sa'kin. Ano? Wala na bang mas imamalas pa 'yong araw ko? Hindi man lang nag-sorry. Tss

Tapos sumakay ako ulit sa kotse ko, at nagdrive na papunta sa trabaho ko. Hindi ito kagaya ng naimagine ko kanina, parang normal na araw lang 'to. Walang traffic, walang madaming tao.

Naiinis ako sa mga nangyayari. Ang malas ng araw na 'to.

Pagkarating ko ay may nakapark na white na van, kagaya 'nong nasa imagination ko, baka ito na 'yon. Naexcite naman ako bigla.

"Ma'am, andito na po pala kayo. Naghihintay na po sila at ang Daddy niyo." Sabi ni Mia

"Sila? Sinong sila?" Tanong ko, baka 'yong 1D

"Pasok na lang po kayo, Ma'am." Nakangiti niyang sabi tapos umalis na

Dahan dahan akong naglakad sa pinto, dahan dahan kong pinihit 'yong doorknob, pagkabukas ay nabigo ako.

Sila pala 'yong sinasabing 'sila' ni Mia. Mga lalakeng malalaki ang katawan at kalbo.

"Sino sila, Dad?" Tanong ko at malumanay na umupo

"Ah, sila 'yong mga kargador ng sinasabi kong regalo ko sa'yo." Nakangiting sabi ni Daddy

Kargador? Baka bubuhatin 'yong One Direction papasok dito sa opisina ko? Si Dad talaga, dami pang pakulo.

"Sa kanila 'yong white van don. Laman non is mga speakers, booth at iba pang magagamit mo. 'Yon ang regalo ko sa'yo." Sabi niya

Wala na. Nadurog na 'yong pag-asa ko. Huhuhu

"Ah. Ganon po ba? Salamat Dad." Sabi ko, pero wala ako sarili

Ngumiti naman siya, "'Yon lang naman. May gagawin ka pa ba dito sa opisina mo? Gusto ko lang kasi na ako mag-abot sa'yo ng mga niyan" Dagdag ni Daddy

"Ahh. Wala na po, uuwi na rin po ako." Walang buhay na sabi ko

"Oh hija, parang hindi ka masaya?" Naglalakad na kami papunta sa kotse niya

"Ahh. May iniisip lang po ako, Dad." Sabi ko

Ang sakit mabigo, akala ko 'yon na talaga 'yong moment ko eh. Tapos parang bubbles na pumutok, wala na.

Napabuntong hininga ako, sad lyf :(

Pagkauwi ko ay diretso ako agad sa kwarto ko, wala ako sa mood dahil sa bwisit na imagination na 'yan.

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon