Chapter One

7K 146 44
                                    


"Baby you light up my world like nobody else~~"

Alarm clock ko tumunog na, boses pa lang ng mga boyfies ko ang guwapo na kaya ginaganahan akong gumising tuwing umaga.

This is my first time to set my alarm clock, kasi espesyal na araw 'to ngayon at ayokong lumipas na nakahiga lang ako sa kama ko habang nagtwi-twitter at naghihintay na mafollow nila Harry, Louis, Zayn, Niall at Liam gaya ng kadalasang ginagawa ko tuwing bakasyon. Pababayaan ko muna sila (sa ngayon dahil hindi ko sila titigilan kailanman bwahahaha) kasi espesyal talaga sa akin ang araw na ito. It's my 18th birthday.

And bago tayo magpatuloy ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Aleynna Garcia, 3rd year college sa course na BA in Mass Communication, gaya ng sabi ko kanina 18 na ako ngayong araw na 'to. At kagaya niyo ay DIRECTIONER din ako, One Direction is my biggest addiction like ever :D FACT ABOUT ME: SA SOBRANG HOT AT GUWAPO NILA, NABABALIW YUNG TEENAGE HORMONES KO.

Dahil sa maaga akong nagising ay bumaba na ako dahil alam kong may surprise na naman ang magulang ko sa akin. You can tell na spoiled brat ako but you can't blame my parents kasi only child ako. Minsan naisip ko ang lungkot kasi mag-isa ko pero minsan masaya kasi wala akong kahati.

"Mom? Dad?" Sigaw ko nung pagpasok ko sa kusina

Wala sila. Maybe they went to get my presents /smiling sweetly at the thought of presents/ I can't wait.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko ng makita ko ang mommy ko na pababa na ng hagdan at halatang kagigising lang niya dahil sa suot niyang night gown.

"Oh! Bakit nagising ka ng maaga, baby?" Tanong niya at nilagpasan pa ako para magtimpla ng kape

Seriously? Hindi niya naaalala na birthday ko ngayon? :(

"Mom! Wag niyo nga ako po akong binibiro! Alam niyo naman kung bakit ako nagigising ng maaga once a year eh, diba?" Seriously, once a year lang talaga xD

"Hindi ko alam, hija. I'm so sorry, busy kasi ako sa trabaho ngayon kaya okupado ang utak ko." Sabi niya at umupo sa stool

"Oh? You awake already Ally?" Si Daddy naki-join sa usapan namin "Bakit ang aga mo atang magising?" He added

"No Dad! Anino ko lang po 'to" Pamimilosopo ko

"Hindi ko nga alam kung bakit nagising ng maaga yang bata na 'yan. Eh dati dati halos hapon na magising." Sabi ng Mommy ko at nag-offer ng kape kay Daddy

"OMG! Hindi niyo talaga alam?" Naiinis na tanong ko

"Ano ba yun, hija?" Tanong ni Dad at humigop sa kape niya

"Wala po. Wag niyo na lang isipin, nevermind. Aakyat na lang ako sa kwarto ko! Katok kayo kung may kailangan kayo." Sabi ko at umalis na agad papunta sa kwarto ko

"Nakakainis! Bakit nakalimutan nila?" Tanong ko sa sarili ko at kinuha ang iPhone ko sa bedsibe table ko

@AleynnaLoves1D: What is wrong with them? How can they forget that it's my birthday? :( Im their daughter for pete's sake

[ Your tweet was posted ]

Twitter, ang website na kung saan pwede ka maglabas ng sama ng loob ng walang nangingialam.

Okay, alam ko iniisip niyo OA ako kasi nakalimutan lang ganito na ako? Hindi po. Masakit talaga kapag nakalimutan ng magulang mo dahil lang sa bagay na mas importante ka parin kung tutuusin. Nakakainis lang! Dahil sa trabaho nila, nakali--

*BUZZ BUZZ!* Cellphone ko, may notification

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!" *Insert heart eyes emoji here*

One Direction: When She Turned 18 (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon