"You're really beautiful, just like the sunset we've witnessed. It makes me wanna treasure it forever," he continued while looking directly unto my eyes.
I felt my cheeks burn and turned my gaze sideways. I don't know what I should say. Ever since I was a child, I have a trouble receiving compliments from others, especially those people that I do not know personally. As for Rocco, I only met him last week.
"T-thank you?" I stuttered.
"You know what? Kanina lang napakasungit mo tapos ngayon parang hindi ka makapagsalita. Nahihiya ka ba?" Bakit ba ganyan yung mga tanong niya napaka straight forward! Hindi tuloy ako makapag isip ng maayos. Ang haba ng sinabi niya.
"No, of course not. It's just that I hardly receive compliments from other people," I honestly said.
"Then, don't treat me like 'Other people' anymore," he gestured the quotation mark to emphasize other people. I shivered, just by thinking.
"You know what we just met last week. Don't you think it's too fast?" hindi ko na alam kung saan patungo ang pag-uusap namin. Sa mga past landi ko ay hindi naman ganito, siguro ay dahil kilala ko na sila ahead of time pero si Rocco ay ngayon ko lang talaga nakilala. I don't know how to act when I'm with him.
"It's not like we would be together, agad. I just want to be your friend para comfortable ka sakin," he replied. Parang may kidlat na tumama sa aking puso nang binigkas niya ang mga salitang iyon. Masakit. Nadagdagba ako sa friend list niya?
"Ah-ahhh," napahiya ako, slight only.
"Okay ka na ba talaga?" napaka awkward na tuloy.
"Yup! Wait kukuha lang ako ng tubig may pumasok kasi sa ears ko kanina that's why I cannot hear you properly," nailusot ko pa! Lumayo naman ako at kumuha ng tubig sa may dalampasigan.
"Temi okay ka na? Kinabahan ako kanina, parang mawawalan ka na ng hininga kung umubo ka," Amber tapped my shoulders and hugged me. It felt like she knew what was I thinking.
"Basta kung ma tegi ka na lang bigla sagot ko na yung kape at mga pang bingo," sino ba nagsabi na kaibigan ko 'to? Namumuro n si Zach kaya binatukan ko na.
"Salamat sa pagsponsor mo, napakamatulungin mo namang kaibigan. Kung ikaw yung malunod ako sa sasagot sa libing mo. Mabait din naman ako sa mga hayop na nangangailangan ng tulong," pambara ko sa kanya.
Nung matapos ko nang alisin yung tubig na pumasok ay hinanap ko na si Madie. Nakita ko siyang nakikipaglaro kay Yellow katabi niya si Sandro na naglalaro ulit sa phone pagkatapos maligo. Si Van naman ay nasa malayo na at may kausap na babae, paglalipas ng ilang segundo ay naghahalikan na sila at kung saan saan na umabot ang kamay nito. Agad ko namang inalis ang tingin ko sa kanila. Mukhang wala silang pakealam sa mga taong makakakita sa kanila. Rocco on the other hand, ay nakatingin sa amin kaya umiwas ako agad.
"Temi!" Madie hugged me when nung makalapit na kami sa kanila. Mukhang may sariling mundo na naman sina Zach sa likod ko kaya pinabayaan ko na lang.
BINABASA MO ANG
The Crimson Flames
Fiksi RemajaBallet. Ditching Classes. Drinking and hanging out with her friends are Trixie's top most priority. A typical happy go lucky naughty girl who always wishes for her freedom. Well not until she decided to play with the crimson fire, Rocco Resus, And f...