July 4 2016
4:12 am
Romero's Residence
Abbruno Shayne Romero
"KUYAAAAAAAAAAAAAA!" Isang sigaw ang gumising sa natutulog kong diwa. Agad akong napatayo. Napatakbo ako palabas ng kwarto ko at nakitang sabay-sabay din kaming lahat. Lumapit ako kay Snow White na puno ng pagtataka at galit sa mukha.
"What is it?" tanong ko. Napatingin siya sa'kin at nilingon din niya agad ang mga kapatid ko. "Sino... Sa inyong mga hinayupak kayo.." turo niya sa'min isa isa. "Ang.. Gumamit ng FEMININE WASH KO?" Sigaw niya sabay turo sa hawak niya.
'Like.. Why would i used it?'
"Hindi ako!" sabay na sigaw ni Fifth at Sics. Tumingin siya sa'kin at umiling ako. "Why would i used that? Its for girls." seryosong sabi ko at umiwas siya ng tingin. Lumipat iyon kay Dos. "Seriously Snow, I have my own skincare. Why would i used that?" paliwanag niya. Kaya nalipat iyon kay Benth At Paul
"I didn't even know that!"
"Alam mong minsan wala na kong time para maligo, yan pa kaya?"
Natigilan naman si Snow white sa pagsasalita at tumingin kay Tres. Namula naman ng todo si Tres. Lumapit ng lumapit si Snow White kay Tres. Pinagpawisan naman siya ng todo. "Ikaw ba ang gumamit?" mahinahong tanong niya. Yumuko nalang siya.
Imbis na magalit si Snow White ay natawa pa siya. Tinignan siya ni Tres na para bang nagtataka sa ayo niya. "Sa dami dami ng babaeng nadekwat mo, ni isa wala kang alam tungkol sa'min?" sabi niya at mukha namang napahiya si Tres 'don. Nagsitawanan nalang kami. Nakayuko na lamang si Tres na para bang napapahiya.
"Shh! Sige na.. Okay lang yun. Basta 'wag ka kasing mangingialam ng mga gamit ko. Lalo na kung hindi mo naman alam kung para saan." sabi niya at bumalik sa kwarto niya. Ang mga tawa namin ay napalitan agad ng mga seryosong mukha.
"Tandaan niyo.. Ginagawa ko lang to para sa'nyo. Dahil sa ayokong tumanggi sa inyo." seryosong sabi ni Sics at bumalik sa kwarto. Natahimik nalang kaming lahat.
Well.. Medyo nagkakaproblema na kaming magkakapatid dahil sa pagpapangap ni Sics na magkasundo sila ni Snow White. Tinitigil na niya kasi ito pero sabi nila ay baka tuluyang malaman ni Snow White na nagpapangap lang siya.~•~•~•~
"Musta na yung project sa'yo ni Bebe Darling Tabitha mo?" nakangising asar ni Axdein. "Tang*na mo." sagot ko nalang at natawa naman siya. Napalingon kami ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Aurthea. Natahinik naman bigla si Axdein. "Bakit natahimik kayo?" tanong niya.
"Masyado ba akong maganda?" puri niya pa sa sarili at winasiwas ang buhok. Natawa nalang ako at sumimangot siya. Umupo siya sa upuan na nasa harap ng table ko. Nilapag niya ang isang Coffee. "Oh Bruno kape oh." bigay niya at tinanggap ko naman. Habang umiinom ako ay nagpaparinig siya. "Salamat Thank you ah!" parinig niya na ikinatawa ni Axdein.
"You're welcome." sagot ko na ikinasama ng tingin niya. Habang si Axdein ay tawa lang tawa. "Happy ka no Axdein?" inis na tanong niya kay Axdein. "Oo naman Aurthea, Tamang tama ka!" masayang sagot ni Axdein na ikina plastik na ngiti ni Aurthea.
BINABASA MO ANG
Snow White And The Seven Brothers [COMPLETED]
Truyện NgắnKadalasan, 3 ang nagiging anak ng isang mag asawa. Minsan isang lalaki, Dalawang babae or Vice Versa. Meron din namang 2 lang. pwedeng magkaparehas sila ng kasarian or pwedeng magkaiba. Pero paano kung nagiisang babae ka lang sa pamilya, at meron k...