BBT: gahh! Pang 14th na ko! Hooo! Siguro 3 chaps or more nalang at tapos ko na to. Yehey i kenneth.
Para sa hindi alam ang lugar na nabangit dito sa chapter, Ang Catanduanes po ay isang probinsya sa Bicol. Maliit po siyang island na nalahiwalay sa Albay ganern. Hometown din yon ni Nanay so Skl.
August 29 2016
Snow White Abbria Romero
Halos mag dadalawang buwan na ng mag papassport ako. Pero hindi pa rin dumadating ang Passport ko. Minsan nga iniisip ko kung sign na ba to para huwag na akong pumunta pero at the other side din ay iniisip ko na baka.. Na delay lang talaga.
"Bakit kaya wala pa Passport ko? Tagal na nun ah." wala sa sarili kong tanong. Napatingin naman sa'kin si Pej na kumakain ng Lunch niya kahit hapon na. May practise kasi ang team niya kaya hindi na nakakain. Buti nalang at free time ko ngayon at nasamahan ko siya kumain. May klase pa kasi Si Aless ng mga ganitong oras.
"Musta naman ang practise niyo?" tanong ko. "Ah.. Aha.. Okay lang. Ganun pa rin. Gwapo pa rin ako." puri niya sa sarili niya at inirapan ko nalang siya. Si Percival Elijah Joseph kasi, Siya yung Mahangin na nasa lugar. Halimbawa: yung pagmamayabang niyang gwapo siya. Totoo naman 'yon.
Matangos na ilong, mahabang leeg at pilik-mata, Payat na hindi naman sobrang payat, Mapulang labi, perfect jawline, curly hair, Hazel Brown eyes. Confirmed. 100% gwapo nga. Pero minsan yung kahanginan niyan wala na sa lugar. Katulad nalang na ipagmalaki niya yung games niya na ewan.
"Bahala ka sa buhay mo." sabi ko at tumayo sa upuan. Pinigilan naman niya akong umalis. Tumayo siya at inakbayan ako.
'Grabe ang bigat na nga ng braso niya ipapatong niya pa.'
"Syempre sama ako." nakangiting asik niya at naglakad nalang kaming dalawa. Tinignan ko ang relo ko at nakitang alas cinco na pala ng hapon. "Tara Hepa tayo." aya ko sa kanya at bigla namang lumiwanag ang buhay niyang walang sigla.
'Syempre pagkain eh. Liliwanag talaga ang buhay mo.'
Bigla naman nagbago ang ekspresyon niya. "Eh naalala ko nga pala eh may Choco Truffles ako diyan. Yun nalang ang kakainin ko." pagtanggi niya sa one big time offer ko.
'Aba kaibigang Percival, Nilalagnat ka ba?'
"Ah.. Ganun ba? Samahan nalang kita dito. Kawawa ka naman eh." sabi ko at tinignan siya. 6'2 si Pej kaya nakatingala ako sa kanya kapag tumitingin.
Tinaasan niya ako ng kilay pero umiling nalang ako. Umupo ulit kami sa inuupuan namin kanina at kinuha niya ang- Ghad the chocolate Truffles! Binudburan siya ng Cocoa powder at may konting Choco Syrup. Nakatingin lang ako habang kinakain niya ito. Gusto kong humingi pero the same time ayoko rin. Alam ko kasing wala siyang kain dahil sa nag practise siya.
"Gusto mo?" alok niya sa'kin ng truffles. Ayaw ng isip ko pero gustong gusto ng tyan ko. Para silang nagaaway sa desisyon na gagawin ko. Pero sa huli, ang Tyan ko pa rin ang nanalo. Syempre, alam ko namang gutom siya pero mas gutom ako. Kumain lang ako ng binigay niya at.. Oh my Chocolate! An sarap sagad!Napatingin ako sa kanya ng tumawa siya ng mahina. Tinaasan ko siya ng kilay at umiling lang siya. "Wala lang. Hangkyut mo lang kasi kumain. Para kang baboy." asar niya at napapout naman ako. Kasi alam kong hindi naman nagsisinungaling si Pej. Pinisil pa niya ang magkabilang pisngi ko. "Aray naman!" daing ko.
"Ayan na naman silang magjowa. Huwag akong paingitin okay?" gulat kaming napatingin sa likuran namin. Naka cross lang ang mga braso niya at naka pout. "Di man lang ako sinama. Alam namang favorite ko ang Truffles. Unfair Del Mundo ah, Unfair." pagmamaktol pa niya.
"Diba may klase ka Aless?" depensa ko sa kanya at natahimik nalang siya. Umupo siya sa table namin at kumuha ng kinakain ni Pej. "Uy! Patay gutom ka?" sigaw ni Pej pero patuloy lang sa pagkain.
"'Pag si Bes Pinapayagan mo kumuha ako hinde? Luh... Smelling something chocolatey koko crunch ah," asar nito at binatukan ko lang si Aless. "Sus. Manahimik ka nga dyan. Besfriend ko lang to." sabi ko at napatingin naman sa'kin si Pej.
Kumunot naman ang noo ko sa inasta niya. "Bakit? Totoo naman diba?" tanong ko at bumubilis na ang tibok ng puso ko. Paano kung gusto na pala niya ko? Oh mamamay! Umiling siya sa'kin na ikinahinga ko ng maluwag. Hinayaan nalang ni Pej na ubusin ni Aless ang Truffles niya.
"Halika na." seryosong sabi niya at sumunod nalang ako. Tinignan ko si Aless na parang nagtatakang nagbago ang mood niya. May mali ba akong nasabi?
~•~•~•~
"Magve-vacation daw tayo sa Catanduanes." sabi ni Kuya Tres at natawa naman ako. "Magbabakasyon? Eh August palang ah? Tapos.. May pang bakasyon pa kayo samantalang wala kayong pambayad ng kuryente?" tanong ko. "Madam Swa, Libre daw po ito ni Ateng Aurthea mo. Kaya wag ka nalang mag salita." paliwanag ni Kuya Uno."Ah okay. Saan yun kuya? Ngayon ko lang narinig 'yun ah?" tanong ko. "Balik ka grade 3. Napagaralan niyo na 'yun Swang, di ka lang siguro nakinig." seryosong sagot ni Kuya Uno. "Eh planado na ba 'yan kuys? Nako hindi ako handa. Tumaba pa naman ako ngayon." malungkot na sabi ni Kuya Tres at hinawakan pa ang tyan niya.
'Jusko. Pati ngayong bakasyon, mamingwit pa rin ng babae ang alam niya.'
"Aurthea Planed everything. Yung tutuluyan, tourist atractions na pupuntahan, pagkain, tickets, set up na. Kayo nalang." paliwanag niya. "Ah.. K." maikling sabi ko.
Umakyat ako sa taas at nagpahinga. Kinuha ko yung notebook ko at sinimulang i solve ang math problem. ..
Halos wala pa rin akong nasasagot kaya naisipan kong pumunta kay kuya Dos. Kahit kasi Dos ang pangalan niya eh magaling naman siya sa Math. No. Halos lahat sila naman magaling sa Math. Ako lang hindi. Mas magaling kasi ako sa pagbabasa ng tao at sa subjects na English at Science. Totoo nga ang sinasabi nila. Na kapag magaling ka sa English, Mahina ka sa Math.
Kumatok muna ako sa labas ng Kwarto niya. Napatingin siya sa'kin at nagwave lang ako. Agad akong lumapit sa kanya at pinakita ang notebook. Kumunot ang mukha niya at tinignan ako. "Swang ano na naman ba to?" tanong niya at ngumiti lang ako. "Pa solve hehek." sabi ko at bumuntong hininga lang siya.
"Paano ka matututo kung ako ang sasagot niyan? Halika turo ko nalang sa'yo." lumapit siya at kinuha ang ballpen ko. "Ganito kasi yan.. Ang wkdlsrskwfksndlfbskkdxnsnekznskebskwkeksldnskwbd12323592947295o2o4u28" explain niya pero wala talaga akong maintindihan kahit isa. "Tapos 'yun! Naintindihan mo ba ako?" tanong niya at tumango nalang ako. Binigay niya sa'kin ang notebook at umalis nalang ako sa kwarto.
Tinignan ko ang notebook ko at gulat ko ng makitang may sagot. May nakadikit na note doon. "Sinagutan ko na. Alam ko namang hindi ka nakikinig." 'yun ang nakalagay sa note kaya napangiti ako.
Kapag kaylangan ko talaga ang mga kuya ko ay lagi lang silang nadiyan. 'yun ang ikinaswerte ko sa iba.
~•~•~•~•
~•~•~•~•
BBT: so 'yun! Next UD ay ipapaalam ko sa inyo ang Vacation nila. Thankiss.
:3
BINABASA MO ANG
Snow White And The Seven Brothers [COMPLETED]
Short StoryKadalasan, 3 ang nagiging anak ng isang mag asawa. Minsan isang lalaki, Dalawang babae or Vice Versa. Meron din namang 2 lang. pwedeng magkaparehas sila ng kasarian or pwedeng magkaiba. Pero paano kung nagiisang babae ka lang sa pamilya, at meron k...