August 9 2016Snow White Romero
"Musta naman ang shop mo ate?" masiglang tanong ko at tinutulungan siyang mag ayos ng gamit niya. "Hmm.. Kakasabi ko lang kanina diba bebe? Ok lang naman." sagot niya at inayos sa pagkakatiklop ang mga dresses niya."Eh.. Wala po ba kayong naencounter na nagwawalang costumer ganun?" tanong ko ulit at umiling siya. "Wala naman. Mabibilis kasi kumilos ang mga employees ko." sagot niya at napa "Ahh.." nalang ako.
Grabe ang Awkwardness namin ngayon. Inaayos niya lang ang mga laman ng bag niya at samantalang ako'y nakatingin lang sa kanya na mukhang tanga. Gusto ko nang matapos ang Awkwardness na to kaya nagpasya na kong magsalita.
"Uh.. Ate..." paninimula ko at tumingin siya sa'kin at tinaas ang isang kilay. "Bakit baby?" tanong niya. "Uh... Pwede bang magbake tayo?" tanong ko at yumuko ako. Narinig ko naman siyang mahinang tumawa at tinapos ang pagliligpit.
"Sige ba." sagot niya at tumayo. Kinuha niya ang maliit niyang bag at nilagay ang phone at wallet niya 'don. "Halika bumili tayo ng pang Chocolate Chip Brownies. Tuturuan kita." sabi niya at kinuha ang pulsuhan ko. Hinila niya ako papunta sa kwarto ni Kuya Uno. Kumatok siya at agad namang lumabas si Kuya.
"Ano na naman bang kaylangan niyo?" reklamong tanong ni Kuya at ginulo gulo pa ang buhok. Mukhang kakagising palang niya dahil naka sando lang siyang puti. Bakat pa nga ang 6 pax niyang abs.
Kada hapon kasi ay hobby na ni kuya na matulog ng hapon. Dahil tuwing gabi ay pupunta siya ng Pottery shop niya at gagawa ng kung ano-ano. Tapos, hindi niya rin naman ibebenta. Balak niya atang gumawa ng Pottery Museum.
"Peram kotse." hiling nito at pumasok sa loob ng kwarto niya at kinuha ang susi. Kumunot naman ang noo ni Kuya Uno sa ginawa ni Ate Aurthea. "Wow ha.. Basta-basta lang makakuha?" sarkastikong sabi ni kuya at ngumiti lang si Ate na parang nangaasar.
Hinila ako ni Ate papuntang kotse ni kuya at binuksan niya ito. Sumakay ako sa shotgun seat at sumakay na rin siya. Inistart niya ang kotse at minaneobra ito. Hindi ko maiitatangi na magaling mag maneho si Ate Aurthea. Medyo... Mabilis lang magpatakbo pero oks na rin.
Nakarating kami sa Alistore Supermarket. Agad kumuha si Ate ng malaking shopping cart para sa mga bibilihin namin. Agad naman pumasok si Ate sa loob ng grocery at sumunod naman ako. Hindi ko masyadong kabisado ang loob ng Grocery dahil hindi naman ako ang namamalengke or whatsoever. Si kuya Paul at Dos ang madalas mamili ng mga pagkain namin.
Nagtungo si Ate sa Sweets Section. Kung saan naroon ang mga kaylangan niya para sa brownies. Sinimulan niyang kunin ang Syrup, Chocolate bars at brownie Mix. Napansin kong puro Dark Choco lang ang kinukuha niya kaya nagtaka naman ako.
'Bakit ba ang dami kong pinagtataka sa buhay ko?'
"Bakit puro dark lang ang kinukuha mo ate?" tanong ko at napalingon siya. "Kasi.. Walang tablea dito sa Allistore. Ayoko kasi ng masyadong matamis na chocolate. Tutunawin ko pa yan." paliwanag niya. "Eh.. Ate bakit hindi ka nalang bumili ng Cocoa powder? Mas mapait pa yun." tanong ko at ngumiti siya sa'kin.
"Mas gusto ko kasi yung Tablea kesa sa Cocoa powder. Hindi ko rin alam kung bakit. Mas feel ko lang siyang gamitin." sagot niya at napatungo-tungo nalang ako. Nang makuha na niya ang lahat ng kaylangan niya ay dumiretso kami sa bilihan ng mga meat. Nandoon din kasi ang mga itlog. Bumili si Ate ng Brown eggs dahil sa sosyal siya.
BINABASA MO ANG
Snow White And The Seven Brothers [COMPLETED]
Short StoryKadalasan, 3 ang nagiging anak ng isang mag asawa. Minsan isang lalaki, Dalawang babae or Vice Versa. Meron din namang 2 lang. pwedeng magkaparehas sila ng kasarian or pwedeng magkaiba. Pero paano kung nagiisang babae ka lang sa pamilya, at meron k...