Prologue

1K 42 14
                                    

December 25, 2000

"Maligayang Pasko!" sigaw ng lahat. Habang nakaupo lang ang  lima sa Magkakapatid na Romero.  Ang Ina nila na si Cathlina ay busy sa pag hahanda sa mga pagkain. Limitado lang mga galaw nito dahil sa nagdadalang tao ito sa kanyang pang walong anak na babae. Habang ang kanyang asawa na Si Luisito ay nag aasikaso naman sa mga bisita.







Ang mga anak naman nila ay naka upo lamang sa tabi. Ang panganay na Si Uno ay tumutulong sa kanyang ina. Ang magkambal na si Dos At Tres ay tumutulong naman sa kanilang Ama. At ang natirang apat, Sila Paul, Ang magKambal na Sina Fifth at Sics, at Si Benth ay nakaupo at nanonood lamang sa mga taong nag si pasukan.








Nakaramdam ng umaagos na tubig ang ina nilang si Cathlina. Agad naman itong nakita ng kanyang anak na si  Uno. "Manganganak na Si Mama! Tulong!" sigaw nito at agad namang napalingon ang lahat. Agad napatakbo ang kanilang Ama at inalalayan nito ang kanyang asawa.




Nagpatawag naman ng  Ambulansya  Si Luisito at agad namang dumating iyon. Nakasakay na lamang si Cathalina sa Ambulansya at hirap na hirap na. Sumama si Luisito at Uno sa Ambulansya. Habang susunod naman ang magakakapatid. May halos kaba at saya ang mga nararamdaman nila dahil sa masisilayan na nila ang kanilang unang kapatid na babae.






~•~•~•~

Nang sila'y makarating ay agad namang Idineretso sa Delivery room ang Ina. CS ang proseso ng panganganak ni  Cathlina kaya't naiwan ang mga lalaki sa labas. Matagal ng pangarap ni Luisito magkaroon ng babaeng anak. Sa talam buhay niya ay puro lalaki lang ang nakasama niya bukod kay Cathlina. Gusto niyang maranasan ang isayaw ang kanyang anak sa ika labing-walong kaarawan nito.






Dumating naman ang ibang anak ni Luisito at napa upo nalang sila at nagantay. Nag simulang umiyak ang mga anak nito ng maka rinig ng isang matinis at malakas na tunog ng makina mula sa loob ng Delivery room.






"Hinde.. Hinde!" sigaw ni Benth at malakas na ang pag iyak. Napa tulala nalang ang kanilang Ama na nakatingin lang sa pintuan ng Delivery room. Natigil ang tunog nito at isa lang ang senyales.




Patay na ang kanilang pinaka mamahal na ina. Walang tigil na umiiyak ang magkakapatid. Samantalang dahan dahang tumutulo ang kanyang mga luha. Hindi lang iyon dahil sa kanyang Asawa dahil tungkol din iyon sa kanilang anak na babae. Hindi pa kasi nila naririnig na umiiyak ang Bata. Tinignan na lamang ni Uno ang kanyang lumuluhang Ama. Nakaramdam ito ng matinding awa.  Naiisip din nito na hindi pa niya naririnig ang iyak ng kanyang kapatid.







Lumabas naman ang OB ng kanilang ina na si Dr. Melcharez. Malungkot ang ekspresyon nito. "I'm very sorry Mr. Romero. She didn't make it alive." malungkot na aniya nito at mas lalo namang lumakas ang iyak ng mga anak nito. Umiiyak ng pasikreto si Uno. "Doc kamusta ang anak ko? Ang anghel ko?"  tanong ng kanilang ama na medyo umiiyak pa. Napa yuko ang doktora. "Wala pa rin itong heartbeat." malungkot na sagot nito.




"Wala pa. So may chansa pa rin?" singit na tanong ni Uno at napa buntong hininga ang doktora. "Hindi ko alam." matipid pero malungkot na sagot na lamang nito.





~•~•~•~

Lumipas ang ilang minuto ay wala pa rin silang balita sa sanggol. Dito na sila nawalan ng chansa. Labis ang kalungkutan ni Luisito dahil sa dalawang mahahalagang babae ang nawala sa kanya. Naitungo na si Cathlina sa Morgue. Nagtungo ang ama nila doon para makita ang kanyang asawa sa sandaling panahon. Tinangal nito ang balot sa kanyang ulo. Nakita niya ang isang babae na maputla at nakapikit na para bang wala ng buhay. Napaiyak siya ng todo-todo.



Snow White And The Seven Brothers [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon