CHAPTER 1: Finally Saw You, Again

692 28 17
                                    

Special mention muna kay yorangdannn dahil sa pag-iisip at pag-sesearch sa pangalan ni Jewel at Alex. Pati na rin sa book cover! Effort siya kase bias niya eh HAHAHA. Salamats po.
_______________

Chapter 1: Finally Saw You, Again

I've been packing my things, since yesterday. Napaka dami ko pang aayusin. Nakaka ilang maleta na ba ako? Isa? Dalawa? Tatlo? I don't know.

I'm exhausted!

Pabagsak akong nahiga sa malambot kong kama. Pipikit muna ako kahit ilang minuto. Kanina pa akong umaga nag aayos.

"Jem."

Ano nanaman bang kailangan nitong lalaking 'to?

"Ano nanaman ba?" sagot ko habang naka-pikit parin.

"Tawag ka ni Mommy."

"Bakit daw? Napapagod ako."

"Video call daw kayo ni Justin."

I rolled my eyes.

"Asa ka. Hindi mo na ako maloloko." sambit ko habang naka-ngisi.

"Paano ka nakakasiguro? Remember, marami tayong connections." sabi pa niya.

I sighed. Naupo ako sa kama tsaka yumuko. Sana nga makita ko na ulit siya.

"Oh ayan, di ka na pagod. Naka bangon ka na nga diba? Pumunta ka na don, tawag ka ni Mommy." sabi niya tsaka umalis.

Kainis talaga 'tong Alex na 'to!

Walang gana akong nag-lakad papunta sa kwarto nila Mommy. Nang maka rating na ako ay pumasok agad ako, wala nang katok katok.

"What?"

"Our flight's tomorrow. Tapos ka na ba sa pag-aayos?" tanong niya sakin habang nag-susuklay.

"Patapos na sana, tinawag niyo lang ako." I said and crossed my arms.

Im not usually like this. Mabait akong anak. Nagiging ganito lang talaga ako pag naiirita ako, lalo na kay Alex.

"Okay. Na-contact ko na ang tita Gemma niyo. Sila daw ang susundo sa atin bukas sa airport." she said while putting her earrings.

"Really? Tita Gemma? Akala ko ba you lost contact with them a long time ago?" Tita Gemma is Mommy's friend. Hindi ko pa siya nakikita o nakikilala, pangalan lang niya ang alam ko.

"Yup. Pero ngayon meron na! Kaya be ready for tomorrow's flight." kinuha na niya ang bag niya na lagi niyang dinadala sa work.

"Wait, so lahat sila kasama? I mean, buong pamilya ni tita Gemma kasama?" tanong ko pa ulit.

"That's right."

Pshh, boring. Ano 'to, reunion?

Pero hindi parin maalis sa isip kong maging excited. I can't wait for tomorrow. Baka hindi na ako maka tulog mamayang gabi dahil sa sobrang excited. Hindi parin kasi maalis sa isip ko na makikita ko na ulit siya.

Yun ay kung mahahanap ko siya.

At kung wala pa siyang nahahanap na iba.

"Bye for now Jewel. Pupunta lang ako saglit sa office babalik din ako agad. Sabihin mo nalang kay Alex na umalis na ako, okay?"

"Okay Mom." hinalikan ako ni Mom sa pisngi bago tuluyang umalis. Dumiretso na agad ako sa kwarto para mag-ayos ulit ng gamit. Mas ginanahan akong mag-ayos ngayon!

Naka-rinig ako ng marahang katok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko nalang ito pinansin, sa halip ay pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ko ng gamit ko.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon