CHAPTER 20: Truth

379 16 6
                                    

Chapter 20: Truth

Third Person's Point Of View

Isang buwan mahigit na ang lumipas mula ang huling pag-kikita ni Justin at Jewel. Mula noon ay wala na silang alam tungkol sa isa't isa.

Palagi nang pinupuntahan ni Justin si Ethena para alagaan ito. Dahil responsibilidad niya 'yon bilang ama.

Ngayon ang unang araw na bumisita sila sa doktor para malaman ang kalagayan ng bata sa sinapupunan ni Ethena.

"Wala kayong dapat ika-bahala. Healthy naman ang mother at baby. Iwasan lang ang stress at pagod para kay baby. Eat healthy foods. Mag-lakad lakad din para hindi mahirapang manganak. After six to eight months, pwede na ulit kayong bumalik dito para sa unang ultrasound."

Naka-ngiti lamang ang dalawa habang nakikinig sa sinasabi ng doktor. They felt somehow relieved when they heard that the baby is fine.

"Salamat po." sambit ni Justin.

Nang matapos na ang check-up ni Ethena ay nag-paalam na sila sa doktor at lumabas sa silid.

Isang pamilyar na lalaki ang naka-salubong nila sa daan. Pare parehas silang huminto sa pag-lalakad at tinignan ang isa't isa.

"Jah, let's go." pag-aaya ni Ethena.

Wala nang nagawa si Justin nang hatakin siya ni Ethena palayo. Sinundan nalang ni Jacob ng tingin ang dalawa.

Jacob sighed. Alam niya ang lahat ng nangyari. Nasaksihan niya kung pano masaktan si Jewel. Nasaksihan niya kung paano ito mag-kulong sa kwarto niya sa araw araw.

Kailangan ko nang mag-salita. Sambit niya sa sarili niya.

.

Naka-uwi na si Justin sa bahay nila. Pagod na pagod dahil sa mag-hapon niyang ginawa.

Umaga palang ay pumunta na agad siya sa bahay nila Ethena para alagaan ito at samahan sa pagpapa-check up nito. Kasunod ay ang isang hindi inaasahang lakad bago siya makauwi ng tuluyan sa bahay nila.

Pabagsak siyang nahiga sa kama at tahimik na tumitig sa ceiling.

Ang dami niyang iniisip. Ang dami niyang tanong. Ngunit wala siyang makuhang eksaktong sagot at paliwanag sa mga ito.

Gusto ko nang bumalik sa dati yung buhay ko. Bulong niya sa isip niya.

Lahat ay naapektuhan. Siya, ang pamilya niya, ang mga kaibigan niya, at lalong lalo na sila ni Jewel.

Disappointed din si Ken dahil sa nangyari. Mula noong malaman nito ang nangyari kay Ethena at Justin ay hindi na siya muna nito kinausap.

Siguro galit parin siya sakin hanggang ngayon. Iniisip niya ang kaibigan niya. Ito kasi ang takbuhan niya sa tuwing namomroblema siya at hindi na niya alam ang gagawin.

Kita mo nga naman, ngayon wala na siyang matakbuhan. Wala na siyang kadamayan.

Kasalanan ko din naman.

Inihilamos nalang niya ang kamay niya sa muka niya tsaka huminga nang malalim.

Isang bagay ang nahagip ng paningin niya, isang bagay na nagpa-alala sa kanya kay Jewel.

Yung camera ni Jewel. Agad siyang tumayo sa kama tsaka nag-lakad para kuhanin ito.

Binuksan niya ito at tinignan ang mga pictures at videos na kuha nila sa Korea.

Naalala niyang siya pa ang nag-volunteer na mag-edit ng vlogs ni Jewel sa Korea.

Ang saya saya pa nila doon. Puro lang saya at tawanan ang ginagawa nila. Gusto nalang niyang bumalik sa dati. Yung dating buhay niya. Yung dating maayos at masayang buhay niya.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon