CHAPTER 19: Clarification

363 17 10
                                    

I feel that 'Sana' by I Belong to the Zoo fits this chapter. Enjoy reading!

_______________

Chapter 19: Clarification

Justin's Point Of View

Palaki na nang palaki ang problema ko. Hindi ko magawang puntahan si Jewel dahil wala akong mukang maihaharap sa kanya.

Nahihiya ako para sa sarili ko. Bakit ko nagawa yung bagay na 'yon?

Nalaman ng pamilya ko ang lahat. Nagalit sila sakin dahil masyado pa daw akong bata para sa ganong bagay.

At dapat ko daw panagutan yung bata.

One week after what happened, Ethena messaged me, saying that she is pregnant, and it's my child. She said that she haven't done it with anyone, except me. She even sent a picture of her pregnancy test. And it indicates, positive.

Parang gumuho ang mundo ko. Ngayon, nakatali na ako sa isang bagay na hindi ko naman ginusto.

I can't believe it happened. Wala man lang akong kaalam alam kung paano.

Kaya ngayon, nandito ako, sa bahay nila Ethena. Pumunta ako dahil may pag-uusapan daw kami.

Hindi ko tanggap yung nagawa ko. Pero hindi naman pwedeng hayaan ko nalang yung batang dinadala niya. Anak ko yun eh.

"Ano pang pag-uusapan natin? Sinabi ko naman na sa'yong pananagutan ko yung bata diba?" panimula ko.

"Do you think it's enough?" mahina niyang sabi.

"Kaya kong palakihin yung bata nang hindi humihingi ng tulong sa'yo financially. Hindi pera yung kailangan ko Justin, ikaw. Ikaw yung kailangan ko. Ikaw yung ama ang anak ko. Kailangan ka ng anak mo. Hindi ko siya palalakihin nang walang kinikilalang ama."

Kinuyom ko nalang ang palad ko. Ngayon, mas lalong hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung kanino ako hihingi ng tulong.

"You'll stay with me whether you like it or not. Mag-papakasal ka sakin sa ayaw at sa gusto mo."

Hindi papayag ang Daddy niya na hindi kami mag-pakasal, lalo na't may anak na kami. Plano ng Daddy niya na ikasal kami pagkatapos niyang manganak pero pilit na minamadali ni Ethena ang kasal namin.

Hindi ko na napigilang tumayo at hampasin ang mesang pumapagitan samin.

"Sumosobra ka na Ethena. Hindi na tama yung ginagawa mo. Una sa lahat, hindi ko ginustong mangyari 'to."

"Pero nangyari na Jah, wala ka nang magagawa. Nandito na 'to." banggit niya tsaka niya hinawakan ang tyan niya.

Gusto kong magalit kay Ethena. Gusto ko siyang sigawan pero hindi pwede. Baka maapektuhan yung bata sa sinapupunan niya.

"Nababaliw ka na ba? Hindi ko inaasahang kaya mong gawin yung bagay na 'to Ethena. Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yung Ethenang minahal ko."

Hindi ko inaasahang kaya niyang gumawa ng ganitong bagay para lang sa kagustuhan niya. Hindi ganito yung kilala kong Ethena. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong bagay.

Nag-bago ka na.

"Binago mo ako Justin! Nag-kakaganito ako dahil sa'yo! Kasi mahal kita!" lumalakas na ang boses namin.

"Hindi sapat na dahilan 'yon para gawin mo yung mga ginawa mo. You should know your limits!" bato ko sa kanya pabalik.

"Isang pagkakamali lang yung nangyari pero gulong gulo na yung buong buhay ko Ethena. Hindi ka pa ba masaya? Naka-ganti ka na sakin! Gulong gulo na yung buhay ko!"

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon