CHAPTER 23: Vacation!

467 16 7
                                    

Chapter 23: Vacation!

Time flies so fast. Isang taon at kalahati na ang nag-daan mula nung nag-kaayos kami ni Justin. Bumalik na ulit sa dati ang lahat.

Naka-balik na din dito sa Pilipinas si Jacob galing sa business trip niya. Pinag-patuloy na din namin ni Alex ang pag-tatrabaho sa company.

Nabanggit sa akin minsan ni Justin na nag-tampo sa kanya si Ken dahil sa nangyari noon sa kanila ni Ethena. Pero nag-kaayos na ulit sila ngayon.

Wala na kaming balita kay Ethena simula noon. Ang sabi sabi ay wala na daw siya sa bahay nila. Walang nakaka-alam kung nasan siya.

Mag-iisang taon na kami ni Justin. He courted me for six months. He proved himself to my family. Pinatunayan niyang karapat dapat siya para sa akin.

Ganon din naman ako sa pamilya ni Jah. Pinatunayan ko din na karapat dapat ako para sa kanya.

Ilang araw nalang, first anniversary na namin ni Justin. Isang beses lang kami nag-date noon, nung first month namin. Yung mga sumunod, pinili nalang naming mag-stay sa bahay ng isa sa amin tsaka mag-kwentuhan.

Mas masaya nga yung ganon, yung kaming dalawa lang, habang nag-kkwentuhan.

Baka ganon nalang ulit yung gawin namin ngayon para sa anniversary namin this month.

Gaya ng dati, nag-hangout nanaman kaming anim dito sa bahay. Nanonood nanaman kami ng movie.

"Sa susunod na manonood tayo ng movie dito nalang ulit kala Alex, ang laki ng TV eh." komento ni Ken.

Natawa naman si Alex.

"Etong si Ken kung maka-asta akala mong hindi kayang rentahan yung buong sinehan sa mall." sabi naman ni Alex.

"Tinuruan kasi akong mag-ipon ng langga ko, diba 'ga?" tsaka niya pinisil ang pisngi ni Aki na tutok na tutok sa panonood.

"Oo na! Nanonood ako." iritang sagot ni Aki tsaka niya inalis ang kamay ni Ken sa pisngi niya.

"Sungit." sabi pa ni Ken.

Naka-upo sa sahig si Aki at naka-unan si Ken sa hita niya. Mag-katabi lang naman kami ni Jaj sa sofa habang pinag-lalaruan niya ang kamay ko. Si Alex at Jacob naman ay nanonood din habang kumakain ng popcorn.

Ang saya talaga ng ganito. Yung mag-kakasama kaming anim. Habang nanonood ng movie.

"Alam mo dude, pansin ko, tayong dalawa nalang yung single sa tropa." rinig kong sabi ni Alex.

Agad naman akong lumingon sa kanila ni Jacob.

"Oo nga eh." pag-sang ayon ni Jacob.

"Tayo nalang kaya?"

Natahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Alex. Pati si Aki, Ken at Justin ay napalingon na sa kanilang dalawa.

Huminto sila sa pag-kain ng popcorn tsaka tinignan ng isa't isa.

"Bro..." mahinang sabi ni Jacob.

"Bro..." si Alex naman.

"Kadiri ka bro!" agad na lumayo si Jacob kay Alex dala ang popcorn.

"Kadiri ka din bro! Akala mo ba papatulan kita? Yuck! Iinom nalang ako ng zondrox!" sagot naman ni Alex.

Natatawa nalang ako sa pinag-gagagawa nila. Nag-aagawan pa sila sa mangkok ng popcorn.

"Ang ingay niyo naman! Dun kayo sa taas mag-ingay!"

Natahimik silang dalawa nang sitahin sila ni Aki. Umayos silang dalawa ng pag-kaka upo.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon