CHAPTER 2: Still Confused?

421 24 3
                                    

Chapter 2: Still Confused?

Naka-upo lang ako sa kama ko habang tinititigan ang kuwintas na bigay niya sakin. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang daming tanong na gusto kong masagot. Naguguluhan ako.

After all this years, yung paghihintay ko, wala nalang ba 'yon? Yung araw araw na pag-iisip ko kung kamusta na kaya siya. Yung araw araw na iniisip ko kung makikita ko pa ba ulit siya. Yung araw araw na ni minsan hindi siya umalis sa isip ko.

Wala nalang ba lahat ng 'yon?

Lalo na yung pangako niya.

Wala nalang din ba 'yon?

I don't even know if he's really the Justin who promised me a long time ago.

But I decided to believe that it's him.

Coz why not?

It just makes sense. Parehas silang Justin ang pangalan, at yung necklace na suot ni Ethena.

Saan kaya nanggaling 'yon?

Mahigpit kong kinulong sa kamay ko ang kuwintas na hawak ko. No. This can't be. Kung hindi niya ako nakikilala, magpapakilala ako. Kung hindi na niya naaalala, ipapa-alala ko.

I've been waiting for this. Ngayon nag-kita na ulit kami, ngayon pa ba ako susuko? No way.

Nasa hotel na kami ngayon. We need to wait for 1 week bago maka-lipat sa bahay. Gusto ko na agad matapos yung 1 week. Hindi ko gustong nag-istay sa hotel.

"Ahh! Justin! Akala ko ba pakakasalan mo ko!" buong lakas kong sigaw. Sound proof naman itong room ko kaya hindi ako maririnig sa labas kahit anong sigaw ang gawin ko.

Ano bang meron sa'yo? Bakit nga ba ako nag-hintay ng ilang taon para lang sa pangako mo? I don't know.

Kagaya ng sabi ko sa'yo nung araw bago kita iwan,

I love you.

And I still love you 'till now.

Tingin ko hindi na ako makaka-tulog ng maayos simula ngayon. Lalo na't nakita ko na ulit siya at nalaman kong may girlfriend na siya.

Who are you, Ethena?

Imposible namang makalimutan niya yung pangako niya sakin. Siya mismo ang nangako sakin non siya mismo yung nag-bigay sakin ng kuwintas na 'to. Ako nga mismo na pinangakuan niya, hindi nakalimot. Siya pa kayang nangako sakin?

Pumikit nalang ako tsaka sinabunutan ang sarili ko. Enough with this over thinking. I'm tired. I need to rest.

...

Inimbitahan kami ni tita Gemma na mag-lunch sa bahay nila, sakto nalang pupuntahan namin yung bahay namin para tingnan kung maayos ba ang pag-rerenovate.

Pumunta muna kami sa bahay. Pag-tungtong ko palang sa loob ng bahay ay nag-sibalikan lahat ng ala ala kong meron dito. Malapit nang matapos yung pag-rerenovate. I'm so excited to stay here.

Pagkatapos naming tignan ang bahay ay dumiretso na kami kala tita Gemma. Napa-nganga nalang ako nang makarating na kami sa bahay nila Tita.

This is...

This is Justin's house.

Dito ko siya nakitang umuwi noon. At hindi ako pwedeng magkamali.

Ngayon, naniniwala na akong siya nga si Justin. Ang Justin na nangako sakin.

Medyo napa aga kami ng dating sa kanila. Akala kasi namin mag-tatagal kami sa pag-tingin sa bahay pero sandali lang kami doon.

Alam kong makikita ko nanaman si Justin kaya inayos ko ang sarili ko. Gusto ko siyang makausap. Naka oversized shirt lang ako. Suot ko din yung kuwintas pero naka tago sa loob ng damit ko.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon