CHAPTER 5: Get To Know Each Other

376 20 5
                                    

Chapter 5: Get To Know Each Other

Good mood ako ngayon araw.

Yes, very good mood.

"San punta mo?" tanong ni Alex sakin nang mabuksan ko na ang pinto ng bahay.

"Pake?" sagot ko.

"Sumbong kita kay Dad!"

Sinara ko nang malakas ang pinto.

"Sumbong mo lang! Samahan pa kita!" sigaw ko sa kanya pabalik.

Lumabas na ako sa gate at nag-lakad papunta sa bahay nila Jah, susunduin daw ako eh, ang tagal niya, edi ako nalang pupunta.

Nang maka-rating na ako ay nakita ko ang gate nila na naka-bukas at may kotse na papalabas.

Nang makalabas na ang kotse ay huminto ito sa harap ko. Dahan dahang bumaba ang bintana, nakita ko sa loob si Justin.

"Bakit nandito ka na? Sabi ko susunduin kita eh." sambit niya habang naka-ngiti.

"Okay lang, malapit lang naman eh. Tsaka iikot pa tayo pag pinuntahan mo pa ako sa bahay." binuksan ko na ang pinto tsaka pumasok at nag-seat belt.

"Thank you nga pala sa pag suggest sakin nito ah." sabi niya habang nag-dadrive.

"You're always welcome." sagot ko naman.

We talked yesterday. Tinanong ko siya kung ano bang gusto niyang gawin. Kung gusto ba niyang mag move on, o piliin niyang hintayin si Ethena.

He said that he wanted to forget her for a while, para na din daw mabawasan yung lungkot na nararamdaman niya, pero hindi niya alam kung paano sisimulan. That's why I chose to help him, sana naman makatulong ako.

Alam kong hindi madaling makalimot ng taong minahal mo sa mahabang panahon, kaya alam kong hindi niya madaling makakalimutan si Ethena.

Yung tipong ako yung kasama niya, pero iba yung nasa isip niya.

Ano nga bang magagawa ko? Mas okay na yung ganito. Atleast nakakasama ko siya. Kahit pa mag-muka akong panakip butas.

Mahal ko eh, anong magagawa ko?

Tsaka mas okay na din 'to, kesa naman sa umiyak at mag-mukmok lang siya sa kwarto niya.

We decided to go to an amusement park. Dinala ko din yung camera ko para mag-video.

"San mo gusto sumakay?" tanong niya sakin nang maka-pasok na kami.

"Diba dapat ako ang nag-tatanong sa'yo nyan? Pero sige, since tinanong mo ko, gusto ko sa roller-coaster. Game?"

Mas gusto ko talagang maalala mo na ako 'to eh. Pero sige, i-eenjoy ko muna yung oras na kasama kita.

Bumili na kami ng tickets tsaka pumila. Hindi gaanong marami yung tao dito ngayon kaya madali lang kaming naka-sakay.

"Pag pababa na yung roller-coaster, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo. Para pag baba natin, sana naiwan mo na yung feelings mo sa itaas at hayaang tangayin ng hangin." I said while smiling at him.

Dahan dahan nang gumagalaw ang roller-coaster.

"Sige ba, mukang maganda 'yan." sagot naman niya habang naka-ngiti din.

Nag-rerecord ako the whole ride. Napaka saya, hindi ko din naman mapigilang sumigaw sa sobrang bilis ng takbo ng ride.

"Eto na tayo." sambit ko.

Eto na yung sinasabi kong lugar, yung dahan dahang aakyat tapos biglang babagsak ng mabilisan.

"Ready na ko." he said while looking at the sky.

Agonizing Desire •SB19 JUSTIN• [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon