Frynz's POV
"Class dismiss" sabi ng teacher ko saka ako tumayo sa upuan ko at lumabas ng room. Naglalakad na ako sa hallway ng nakayuko ng bigla akong may nabunggong babae kaya bumagsak yung mga libro nia.
"Sorry" narinig ko na sabi nia. Tumango nalang ako bilang sagot. Wala eh. Ganun talaga ako. Parang ipis ba. Hindi nagsasalita. Pero alam ko nagsasalita rin naman ung ipis. Di lang rinig ng tao.
Pagkatapos ai umalis narin ako at lumabas na ng campus. Dumiretso ako sa parking lot at agad na hinanap ang service ko. At un nga, nakita ko na yung kotse naming itim.
Teka? Nakapagpakilala naba ako?
Ai. Hindi pa pala. Ako nga pala si Frynz Krynzl Ydbyrg. Ewan ko ba kung bakit walang vowels pangalan ko. Siguro nakaaway ng parents ko ung mga vowels. Pati apelyido ng tatay ko walang vowel ea. Wala narin pala akong mga magulang. Naaksidente kasi sila nung magbabakasyon dapat sila sa London. Kaya lang nagcrush ung sinasakyan nilang eroplano. Huhuhu. Nananawagan po ako (joke). Tita ko nalang pala ang nag-aalaga sakin. Mabait naman sila sakin kaya nagpapasalamat parin ako na kahit wala na sila mama at papa ay may nag-aalaga sakin.
Tahimik lang ako kahit saan ako magpunta. Hanggang 3 words lang ang lumalabas sa bibig ko every day.
Kung tinatanong niyong masungit ako dahil sa hindi ako nagsasalita. Nagkakamali kayo, mabait naman ako at sadyang pinaglihi lang sa piping langgam. Matalino rin naman ako. Honor student ako mula elementary hanggang ngayong grade 8 na ako.
Dahil sa haba ng nakuwento ko. Hindi ko namalayang nandito na ako sa mansyon namin. Oo, tama kayo ng nabasa. Mansyon namin. Mansyon ni mama at papa pero dahil wala na sila, si tita ay dito na nakatira at siya narin ang nag-alaga sakin.
Pagkapasok ko dumiretso agad ako sa kwarto ko. May sarili akong kwarto. Kulay itim ung background at halos lahat ng nandito ay itim. Gusto ko kasi laging sa madilim na lugar. Agad kong kinuha yung bag ko saka binuksan at kinuha ko na yung notebooks para icheck kung merong assignments. Sipag ko no? Ganun talaga ako.
After a million years. Natapos ko narin lahat ng assignments ko. Medyo madali lang naman ung assignments kasi matalino naman ako ea. Hindi lang halata.
---
Nakatulog pala ako after kong gawin yung assignments ko? Napatingin ako sa alarm clock sa tabi ng kama ko.
9:23 P.M.
9:23 P.M. na? Hala. Di pa ako kumakain ahhh? Mabilis akong pumunta sa mini banyo ko saka dumiretso sa sink at naghilamos saglit. Inabot ko yung towel na nakasabit sa likod ng pinto saka kinuha tumawag sa intercom.
"Padalan akong dinner dito sa kwarto ko" sabi ko sa intercom. Maya-maya pa ay may kumakatok na sa pinto. Pinagbuksan ko ng pinto at nakita ko yung maid na may tulak na cart.
"Ito na po yung dinner mo sir" sabi sakin ni yaya.
"Pakipasok nalang po sa loob" sabi ko naman sa kanya saka mabilis na pinasok ang mga pagkain at pinatong sa mini table ko. Pagkalagay niya ay mabilis rin siyang lumabas.
Umupo na ako sa couch ko saka nagsimulang kumain.
---
Kinabukasan
Nandito ako sa school library kung saan tahimik.
Nagbabasa ako ng mga lectures namin dahil may test kami mamaya. Nareview ko naman na kagabi kaya binabasa ko nalang para marefresh muna yung utak ko. Maaga naman akong pumasok kaya wala pa yung teacher ko sa first subject.
"Can I sit here?" Narinig kong tanong nang babaeng nakatayo sa harap ko.
"Bakit dito?" Matipid na tanong ko. Umikot-ikot yung tingin niya sa buong library. Napansin ko naman kung ano ibig sabihin non. Marami nga palang tao kaya walang upuan. Marami na rin kasing estudyante rito kahit maaga palang.
Tumango nalang ako bilang sagot sa kanya sabay tutok ng tingin sa lectures. Umupo naman siya saka niya nilabas yung books nia sa libro. Nakita ko yun sa peripheral vision ko.
"Anong pangalan mo?" Tanong niya. Tiningnan ko lang sya ng ilang segundo saka bumalik ang paningin ko sa libro.
"Ay? Snobero si kuya. Kala mo gwapo. Hindi naman." Sabi nang babae.
"Tch"
"Ay naku. Sungit-sungit mo naman kuya." Sabi niya.
"Can you please shut up?!" Napalakas yung boses ko.
"Sssshhhhh" bawal sakin nung librarian.
Tumayo na ako saka tinago na yung mga libro sa bag saka ako lumabas ng library. Nakakabadtrip yung babae nayun. Tch.
A/N : Asahan na po ang mabagal na update. Sana po ay maintindihan niyo ako. Salamat. Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
Ms. Daldal Meets Mr. Tahimik
Teen FictionPaano kung makakilala ng isang madaldal ang pinakatahimik na tao sa mundo? Anong rebelasyon kaya ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Magiging magkaibigan kaya sila? Saksihan ang buhay ng dalawang taong hindi magkasundo sa Ms. Daldal Meets Mr...