Shyr's POV
Nandito na kami sa mall. Nagpunta muna kami sa bilihan ng sapatos. Pumili na kami isa-isa.
"Bagay ba sakin to?" Tanong ni Mcyh na hawak-hawak ang red na heels.
"Oo naman Mcyh. Lahat naman bagay sayo pero mas maganda kung ang kukunin mong damit is cocktaildress na pula. Bagay na bagay sayo yun." Sabi ko. Ay grabe gumana na naman yung pagiging madaldal ko.
"Nabasa mo nasa isip ko?" Tanong ni Mcyh.
"Ewan?" Sagot ko.
Eh ito bagay ba?" Tanong naman ni Jhymy habang hawak yung rubber shoes.
"Oo naman Jhymy. Bagay na bagay. Tapos suotin mo yung barong sa funeraria." Pang-iinsulto ko.
"Ganon? Ako na nga lang manlilibre ako pa gaganyanin niyo." Sabi niya saka nagmartsa palabas ng mall.
Hahaha. Umalis daw siya ay? Ayos lang naman kahit na hindi niya kami ilibre ea. Hahaha.
"Oh. Bahala ka na diyan. Mauuna na ako." sabi ni Mcyh saka umalis. Sumunod narin si Chryts. Hay nako! ako na alone. Kumuha na ako ng sapatos ko saka dumiretso sa may mga damit. kumuha nalang ako kung anong gusto ko. Nagpunta narin ako sa counter saka nagbayad.
Lumabas na ako sa botique saka nagpunta sa restaurant. Dito nalang ako maghahapunan. Nakakasawa narin yung mga luto ng chef namin sa mansyon.
Pagkapasok ko sa restaurant. May biglang kuminang sa sulok ng restaurant. Shems! Ang gwapo niya talaga.
Nakita ko si Mr. Ipis. Mag-isa lang siya ea. Lumapit ako sa kanya.
"Uy. Nandito ka pala?" Sabi ko. Tinitigan nia na naman ako. Asussual. Aish. Ganiyan ba talaga siya?
"Ano na naman bang kailangan mo?" Sabi niya. Aba himala. Di na siya ng-iisnob.
"Wala lang. Pwede bang umupo ako dito? Dito nalang ako maghahapunan." Sabi ko. Tumingin lang siya sa lamesa kaya umupo ako.
Dumating na yung waiter. Woooh. Ang sasarap ng pagkain dito.
"Japanese foods." sabi niya sa waiter. Aba aba. Mahilig pala to sa Japanese. Exactly Japanese ako.
"Japanese foods rin ako." Sabi ko sa waiter.
"Tch."
"What'swith tch?" Tanong ko.
"None of your business." Sagot niya.
"Aish. Sungit mo." Sabi ko. Tinitigan niya lang ako ng masama.
"Ay oonga pala. Kamusta kana?" Tanong ko sa kanya. Aba aba. Walang response ahh?
"Ano nga ba ulit pangalan mo?" Isa pang tanong ko.
"Reporter ka?" Pamimilosopo niya.
"Aba. Nagtatanong lang ay. Masama bang magtanong? Gusto ko lang namang maging magkaibigan tayo." Sabi ko.
Nagulat ako ng tumayo siya.
"Saan ka naman pupunta?" Hindi niya ako pinansin saka nagdiretso ng lumakad palabas. Problema ba noon?
Aish. Hayaan na nga lang. Oonga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na lilipat na ako ng bahay. Ayoko sana umalis pero si papa yung nagplano niyan kaya no choice. Ayoko namang suwayin siya. Sabi niya kasi dapat matuto na ako maging independent. Daming alam. Ea sa mansyon nga para na akong independent. Kasi lagi naman silang wala. Si mama nasa U.S. tapos si papa naman nasa Japan. Puro companies yung binabantayan nila. Once or twice lang sila umuwi dito.
A/N : maikli po muna yung update ko.

BINABASA MO ANG
Ms. Daldal Meets Mr. Tahimik
Teen FictionPaano kung makakilala ng isang madaldal ang pinakatahimik na tao sa mundo? Anong rebelasyon kaya ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Magiging magkaibigan kaya sila? Saksihan ang buhay ng dalawang taong hindi magkasundo sa Ms. Daldal Meets Mr...