Shyr's POV
Pumasok na kami sa bahay niya.
"Teka lang pala. Bago tayo pumasok. Ano bang pangalan mo? Hindi ko pa alam. Ayaw mo naman sabihin sakin pangalan mo. Pangit ba pangalan mo kaya ayaw mong sabihin?" sabi ko.
"Frynz Krynzl Ydbyrg." Sabi niya. Ganda ng pangalan ahhh.
"Ako naman si Shyr Krysz Trysm." Sabi ko naman.
"K" Tignan mo nga ito. Ang dami-dami kong sinasabi tapos siya walang lumalabas sa bibig niya.
Nagsimula na kaming maglakad hanggang sa makapasok na kami sa loob. Nanlaki ang mata ko.
"WOW! ANG GANDAAAAA DIIIITOOOO!" Sigaw ko.
"Tch."
"Oooops. Sorry. I carried by my emotion." Sabi ko. Pero in all fairness. Maganda talaga dito. Black and White yung kulay kaya maganda siya tignan.
Naglakad na ulit kami tsaka dumiretso sa center table tapos umupo siya sa couch.
"Sit." Sabi niya. Grabe ang tipid niya magsalita. Umupo na ako sa kaharap na couch niya.
"Start na? Kwento mo na mga nangyari. Baka matulungan kita." Sabi ko
"Okay. Ganito kasi yun. Blah blah blah blah."
Ahhh. Ganun pala ung nangyari. Akala niya nakikipagplastikan lang yung kaibigan niya. Yun pala yung dahilan kung bakit siya tahimik at ayaw makipag kaibigan. How sad. Napansin ko kanina na nagpipigil siya ng iyak ea kaya sabi ko ilabas mo lang. Mas mahirap pag hindi mo nilabas yung sakit nayan. Pero nagulat din ako ng nagsimula ng tumulo ang luha niya. Lumapit ako sa kanya saka ko hinagod ang likod niya.
"Okay kana?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Ayos na ako. Salamat." Sabi niya.
"Hayaan mo tutulungan kitang makabangon. Papalitan ko ng saya lahat ng lungkot sayo. Just accept my offer na maging magkaibigan tayo. Wag mo nalang isipin yung mga nangyari noon. Isipin mo na meron pang ibang mas mabuti sa kanya." Sabi ko. Grabe! kelan pa ako naging tagapayo. Pumasok kali ako sa Face To Face. Tapos Quadro Tagapayo na. Haha.
"Fine. Pero sana wag mong sayangin tong binigay ko sayo. Ayaw ko na kasing maulit yung nangyari noon." Sabi niya. Grabe nakakaawa yung itsura niya. Halatang nasaktan siya ng matindi dati.
Buti nalang tinanggap niya na yung maging magkaibigan kami. Hahaha. Nakapoint ako ahhh. Woooh. Finally, naging magkaibigan din kami. Hahaha. Siyempre gusto ko no. Ikaw ba naman magkaroon ng gwapong kaibigan and siyempre crush ko yan.
"Oo naman. Hindi ko sasayangin. Hinding-hindi kita bibiguin." Sabi ko. Sabi naman ng puso ko. Hinding-hindi ko ito sasayangin dahil magpapalakas muna ako para maging sayo ako. Kyaaaaa. Lumalandi na naman ako. Capital E.D.N.A.L.S.
"Wait. What drinks?" Sabi niya. Ang sweet naman niya. Hindi man lang tinanong kung gusto kong uminom. Tinatanong niya agad ako kung anong inumin.
"Water nalang. Ayoko ng flavored drinks. Kasi baka magk---"
Bastusan? Tinalikuran agad ako. Nagsasalita pa ako ay. Aish.
Bumalik na siya dala ang tubig na ipapainom sakin. Umupo ulit siya sa couch saka inabot sakin ang tubig.
*blok blok blok*
*lunok*
"Hhhmmm. Oonga pala. Punta ka bukas sa bahay. Ipapabless ko yung bahay tsaka magkakaparty rin bukas." Sabi ko habang binubuklat ang maliit na bag ko. Kinuha ko yung invitation saka inabot sa kanya.
"Punta ka ahh?" Sabi ko.
"I am not interested." Sabi niya. Tse. Ayaw-ayaw ka pa diyan.
"Sige na pumunta ka na. Ipapakilala rin kita sa papa ko. Please!" *Puppy Eyes* Pagkulit ko .
BINABASA MO ANG
Ms. Daldal Meets Mr. Tahimik
Teen FictionPaano kung makakilala ng isang madaldal ang pinakatahimik na tao sa mundo? Anong rebelasyon kaya ang maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Magiging magkaibigan kaya sila? Saksihan ang buhay ng dalawang taong hindi magkasundo sa Ms. Daldal Meets Mr...