Incident or Destiny?

81 2 0
                                    

7:30 A.M. Saturday

*hikab-hikab*

This is the day. Lilipat na ako pero sa sikat na subdivision ako lilipat. Aish. Sana meron akong makaclose doon.

Tumayo na ako saka dumiretso sa banyo at naghilamos lang sa sink at nagtoothbrush. Di na ako maliligo. Doon nalang sa bago KONG bahay.

--

Nandito na ako sa bago kong bahay. In fairness maganda naman siya. Malaki rin mas malaki lang yung mansyon namin. Nakakapanibago.

Bukas nalang daw ipapabless to. Magkakaroon ng party bukas dito. Dun narin siguro ako magpapakilala tsaka para may makaclose narin ako dito. Mahirap naman yung laging alone.

 Lumabas muna ako papuntang backyard. Meron kaming ay este akong garden. Pasensya. Hindi sanay ea.

Tiningnan ko lahat ng mga bulaklak. Ang gaganda.

Tingin tingin tingin

Pagkaalis ng tingin ko sa mga bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kinusot ko muna ang mata ko saka tumingin ulit doon.

Sheeeems!!! Si Mr. Ipis nandito? Hala? Ano namang ginagawa niyan dito?

Tumakbo ako palabas ng gate saka siya sinundan. Nakatalikod siya kaya hindi niya alam na nandito ako.

"Ui." Sabay tapik sa balikat niya. Napatingin naman siya sakin.

"What are you doing here?" Tanong niya sakin.

"Teka? Diba dapat ako magtanong niyan dahil dito ako nakatira?" Sabi ko. Napansin kong nanlaki naman ang mata niya.

"Diyankanakatira?" Confuse na tanong niya.

"Diba sinabiko na? Uulitinkopa?" Pamimilosopo ko. Hay salamat. Nakabawi rin.

Tumalikod siya saka nagsimulang maglakad. Sinundan ko siya.

"Ano ngang ginagawa mo dito? Bakit nandito ka? May girlfriend kaba dito?" Sabi ko.

"Natural. Diyan ako nakatira." Sabay turo sa bahay na katabi lang ng bahay ko. So it means? Emeged. Si crush kapitbahay ko. Yieeeee.

Nagsimula na ulit siya maglakad.

"Uy teka lang. May sasabihin p aako. Di mo muna ba ako kakausapin? Nakakabored kasi dito kasi wala akong kakilala. Tapos ikaw ngang kilala ko hindi naman nagsasalita. Siguro mas maganda kung dito ko nalang patirahin mga friends ko para hindi na ako mabored." Dire-diretso kong sabi. Mala reporter ako diba?

He sighed bago siya magsalita. "Ano bang sasabihin mo?" Tanong niya

"A-aaahhhh. A-ano. Aaa-aahhhhmmm. Aa-aanokasi. Hhhhhmmmm." Nauutal kong sabi. Grabe di ko alam sasabihin ko. Hahaha.

"Tch" maglalakad na sana ulit siya pero pinigilan ko siya.

"Ito na talaga. Ahhhhhmmm. Pwede na ba tayo maging magkaibigan? Please!? Total magkapitbahay naman na tayo kaya pwede siguro na maging magkaibigan tayo." Sabi ko.

-----

Frynz's POV

Ouch! Dalawang beses ko n namang narinig yang fvck!ng friend nayan. Fvck.

Naglakad na ulit ako pero hinawakan naman niya ako.

"May problema ba? Masama bang makipagkaibigan sayo?" Tanong niya.

"Oo. Maraming problema. At ayaw kong makipagkaibigan." Sagot ko.

"Bakit naman? Bakit naman ayaw mo? Nagkaproblema ba?" Tanong niya. Hay naku! Kung alam mo lang.

I took a deep sigh. "Marami kang hindi alam." Sabi ko.

"Ed iaalamin ko." Proud na sabi niya.

"Hindi mo pwedeng malaman." Sagot ko.

"Bakit hindi? Bahala ka. Mas masakit sa pakiramdam kapag sinasarili mo ang problema." Makahulugang sabi niya. Tama naman siya ea.

"Tch. Fine. Let's go." Sabi ko. Sasabihin ko na sa kanya ng matigilan na siya.

A/N : pabitin. sorry kung maikli lang update ko. kailangan putulin ea. baka po may part 2 ung Incident or Destiny. hahaha. Vote please! Happy New Year. Putukan na. Mag-ingat kayo guys. Paadvance update. Di muna ako update bukas. Hihihi. 

Ms. Daldal Meets Mr. TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon