The Reason

119 4 0
                                    

Frynz's POV

Nandito ako ngayon sa library. Vacant kami ea. Wala daw ung Filipino Teacher namin may sakit. Nagbabasa lang ako ng libro ng Harry Potter habang nakaearphone. Nakikinig ako ng mga kanta ng Pentatonix.

Maya-maya pa ay may umupo sa harap ko at kilala ko na. Inayos ko ang mga gamit ko at tatayo na sana pero bigla siyang nagsalita.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Tanong sakin ng madaldal na kumukulit sakin. Tumayo ako saka iniwan siya doon. Wala akong pakialam sa kanya. Tch. Sino ba siya? Ayaw ko magkaroon ng kaibigan. Dahil sawa na ako sa mga kaplastikan nila.

Flashback

Nandito kami ngayon ng kaibigan ko sa mansyon namin. Siya yung childhood bestfriend ko. Oo babae siya. Sa tingin ko nga mahal ko siya ea.

Nag-away kasi kami noong isang araw. Ngayon lang kami mag-uusap ulit.

Tinanong ko siya.

"Anong pakiramdam ng wala ako?"

"W-wala. Wala lang." Sagot niya habang napapatakip yung kamay sa mukha niya. Lumaki ang matako sa sinagot niya pero mas lumaki ang mata ko sa sunod na sagot niya.

"Wag ka iiyak ah?" Tanong ko.

"Bakit naman kita iiyakan?" Yun yung sagot niya. Ano ba ito? Kaibigan ko ba talaga siya? Nagpaplastikan lang ba kami? Siguro ako hindi plastik pero satingin ko siya yung plastik. Ang sakit malaman na sa sobrang tagal niyong magkasama pero parang balewala lang siya sayo.

End of flashback

Yun yung dahilan kung bakit ayaw ko ng magkaroon ng kaibigan. Baka maulit na naman yun.

Yun din ang dahilan kung bakit ako naging tahimik, laging mag-isa at walang pinapansin kahit sino.

Kapag naaalala ko yung nangyari noon. Pakiramdam ko ako na yung pinakamalas na tao sa mundo.

Ms. Daldal Meets Mr. TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon