Dug Dug

65 3 0
                                    

"Sige na... pumunta ka na. Ipapakilala rin kita sa papa ko. Please!" *Puppy Eyes*. Tch. Nagpuppy eyes pa.

"I said no." Pag-ulit ko.

"Sige na please!" Sabi niya saka nagpout. Aish. Ang kulit-kulit mo naman.

"Tch. Fine." Seryosong pagsang-ayon ko. Wala naman akong gagawin dun ea.

"Yeheeeeeeey!!!" Sigaw niya saka napayakap sa akin.

*dug dug, dug dug*

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganito? Ang bilis ng tibok? Aish. Nevermind.

Napabitaw siya sa pagkakayakap.

"Ooops. I'm so sorry. Hihihi. I carried by my emotion... again." ^_^ sabi niya.

-_-

"Ay. Uuwi na pala ako. Babye. Balik nalang ulit ako kung gusto mo." Sabi niya saka tumayo. Sumunod ako sa kanya papunta sa pinto. Nakalabas na siya.

"BYEEEEE." Sigaw niya habang kumakaway. Kumaway rin ako bilang sagot.

Bumalik na ako sa loob. Saka dumiretso sa kwarto. Bakit ganito naramdaman ko nung yakapin niya ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Aish. Wag mo ngang isipin yan Frynz. Wala lang siya sayo. Wala lang kaya wag mo na siyang isipin.

Mabuti pa ay matulog nalang ako. Pumunta ako sa mini closet ko para kumuha ng boxer at sando ko saka nagpuntang banyo para magpalit na. Dumiretso narin ako sa kama saka humiga.

"Shyr. Where are you?" Sabi ko sa sarili ko. Aish.

"Ano bang iniisip ko? Namimiss ko ba talaga siya?" Sabi ko ulit sa sarili ko.

Ano ba yan. Matutulog na nga lang ako. Wag mo siyang isipin. Hindi mo siya kilala.

Tinry kong pumikit pero hindi ko magawang makatuog. Hanggang ngayon iniisip ko parin yung niyakap niya ako. Ano bang nangyayari sakin.

Huminga ako ng malalim saka sinubukang matulog ulit. Sa pagsubok ko ulit. Doon ay bigla akong inantok kaya natulog na ako.

zzzZZZ

-----

Shyr's POV

Nandito ako ngayon sa bahay. Mag-isa lang. Bukas nalang daw kasi babalik si papa para sa party. Darating din si mama kasi after ng party bukas dito ay magkakaroon kami ng bonjing bonjing.

Sana pumunta rito si Frynz. Nakakamiss siya kahit kanina lang kami nagkita. Grabe. Ang saya pala niya kausap kahit na minsan lang magsalita. Pero okay lang yun. Nagsalita naman siya. Noong niyakap ko siya nakita ko yung mukha niya tapos humawak siya sa dibdib niya kaya napabitaw ako. EMEGED. Pag naaalala kong niyakap ko siya, kinikilig ako. Kyaaaaa!

Binuksan ko muna yung iPad ko saka naglog-in sa Facebook.

pagkaonline ko.

2164 Friend Request 1252 Messages 6549 Notifications

Hala? Kagabing nag-online ako 3000+ yung friend request sakin tapos ngayon meron na naman. Tinatamad akong mag-accept kaya nagscroll down nalang ako sa timeline ko. Aish boring. Wala man lang magandang balita. Magpopost na nga lang ako.

KYAAAAAAA! Ang sarap sa pakiramdam na nayakap mo ang crush mo. Awts. Kilig much ako.

Pinindot ko na yung post saka inoff yung ipad. Humiga muna ako saglit. Medyo masakit likod ko ngayon ea. Napahawak ako bigla sa sentido ko. OUCH! Biglang sumakit ang ulo ko. Hilong-hilo kaya sinubukan ko munang pumikit para makatulog. Antok lang ito kaya kanina pa ako nag-hihikab.

-----

Frynz's POV

O_o

o_O

O_O

*Hikab hikab*

*Inat inat*

Napatingin ako sa orasan sa table sa tabi ng kama ko.

0_0

11:18 P.M. na.

Napasarap ang tulog ko. Hindi pa ako naghahapunan ahh?

Bumangon na ako saka lumapit sa intercom. Padalhan ako dito ng pagkain sa kwarto ko

Maya-maya pa ay dumating na ang pagkain ko. Pinalagay ko lang sa table ko.

---

Pagkatapos kong kumain ay uminom ako ng sleeping pills kasi alam ko hindi ako makakatulog gawa ng nakatulog na ako.

Saglit lang ay dinalaw narin ako ng antok kaya nakatulog narin ako.

Ms. Daldal Meets Mr. TahimikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon