Papag
Tahimik kami ni Kenzo habang nasa byahe papunta sa bustos bulacan. Pagdating sa nlex. Nagpaalam ako sa kanya na matutulog lang dahil maaga din akong gumising para dito. Hinayaan niya ako.
Matapos ang mahabang pagtulog. Naalimpungatan na lamang ako ng maramdaman ko ang marahang paghaplos ng ilong ni Kenzo sa aking pisngi.
"Baby..." malambing na paggising niya sa akin. Dahan dahan akong dumilat, napangiwi ako dahil sa sakit ng aking mata.
"Andito na tayo" anusnyo pa niya kaya naman napatango tango ako. Matapos ang ilan ko pang paguunat ay bumaba na din ako ng sasakyan kasama si Kenzo. Siya na ang nagdala ng backpack ko.
Nasa assembly hall na din ang mga kaklase ko at schoolmates. Nasa amin ngayon ang mga mata nila. Lalo na sa magkahawak naming kamay ni Kenzo. Sa dami nila duon ay hindi nakaligtas sa akin ang matalim na tingin ni Fidez. Napanguso ako, ano nanaman kaya ang nagawa ko sa babaeng ito.
Iniwan ako ni Kenzo sa kumpol ng mga kaklase ko para daluhan din ang kanyang mga kasama. Nabigla ako ng lumapit ang ilan sa mga kaklase kong hindi ko naman gaanong kaclose. "Sera ang swerte mo naman sa boyfriend mo. Baka friends mo yung mga kaklase niya, pakilala mo naman kami" nakangising biro nila sa akin.
Nag ngiting aso ako sa kanila. Anong friends? Eh kaaway ko nga halos lahat sila at mga bwiset sa buhay!.
May nagsalitang isang madre na galing sa bahay ampunan. Nagopen remarks lamang siya at nagpasalamat para sa aming pagdating. Pagkatapos nuon ay inayos na namin ang set up para sa buong program. Hindi pa muna pinalabas ang mga bata para mas mabilis ang maging pagaayos namin.
"By partner ang gagawin natin para mas maging maayos ang program" anunsyo ng professor namin. Tahimik lamang akong nakinig. Sayang kung nandito si Abby kami sana ang partner.
Kanya kanya sa pagpili ng partner ang mga kaklase namin maging ang kabilang section. Ito talaga yung pinakaayaw ko sa lahat eh. Yung groupings tapos walang may gustong kagrupo ka. Tangina magmamakaawa ka pang makisali sa grupo nila magkaroon lang ng groupmates.
Napasulayap ako sa kabilang gilid ng stage. May mahabang lamesa duon para kila Kenzo. Sila ang bahala sa check up ng matatanda dito sa ampunan. Napanguso ako, masyado itong busy sa kanyang ginagawa. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa nakasabit na stethoscope sa kanyang leeg.
Hindi lingid sa akin ang mga tingin ng ilan naming kaklaseng babae sa kanya. Napairap ako. Gusto ko silang sigawan at sabihin mo, Hoy! Boyfriend ko yan!
"Ms. Serrano kayo ni Mr. Aguada ang mag partner" anunsyo ng prof namin. Napatingin ako sa lalaking tinukoy niya. Taga kabilang section iyon kaya naman hindi ko masyadong kilala.
Tipid akong ngumiti sa kanya ng lumapit siya sa akin. Kakamot kamot pa ito sa kanyang batok.
"Hi, I'm Apollo" pagpapakilala niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa nakalahad niyang kamay. Nagalangan akong tanggapin iyon ngunit hindi ko naman gustong ipahiya siya kaya naman tinanggap ko iyon.
"Sera..." pagpapakilala ko naman.
"I know. Seraphine Serrano" pagbanggit pa niyang ng buong pangalan ko kaya naman medyo nagulat ako.
Magkabatch mate kami pero hindi kami magkasection. Never din kami naging magkaklase sa kahit anong subject. Hindi ko alam na may nakakakilala din pala sa aking ibang section gayong ang mga sikat lang ay yung mga matatalino palibhasa panay kumpetensya ang inaatupag.
Imbes ba tanungin ko pa siya kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko ay mabilis ko na lamang binawi ang aking kamay. Umupo si Apollo sa aking tabi dahil magkapartner kami. Sumulyap ako sa pwesto ni Kenzo at kaagad kong nakita ang matalim na tingin niya, hindi sa akin kundi sa aking katabi.
BINABASA MO ANG
The Seductive Doctor (Savage Beast #3)
RomanceThe Doctor is out. He's hiding something