Chapter 41

152K 4.2K 1.1K
                                    

Stranger












Bumagsak ang mga mata ko sa sahig kasabay ng pagtulo ng aking mga luha. Sobrang sikip ng dibdib ko habang naririnig ang iyak ng anak ko dahil ayaw niya sa akin. Umiiyak siya na parang nagmamakaawa kay Kenzo na wag ako. Na sana hindi na lang ako ang Mommy niya.

"Kianna. Mommy Sera is your real mom" may diing sabi ni Kenzo sa kanya. Nanatili siyang nakakandong sa daddy niya. Ang isang kamay ay nakasabit sa leeg nito para hindi siya mahulog. Ang isa naman ay patuloy na nagpupunas sa kanyang sariling luha.

Mas lalo akong nasaktan ng makita ko mula sa gilid ng aking mga mata ang kanyang marahas na pag iling. Ayaw niya talaga sa akin. "Please...Dad.dy" pumiyok pang sabi niya. Napakagat ako sa aking pangibabang labi. Hindi lang ako nasasaktan para sa sarili ko, nasasaktan din ako para sa anak ko. Nagkaganyan siya dahil nagkalayo kami.

"No. Hindi na pupunta dito ang tita mandee mo" matigas na sabi ni Kenzo sa kanya. Bahagya ko silang sinulyapan. Nakita ko ang sobrang kalungkutan sa mata ng aking anak dahil sa nalaman.

"Tita Mandee, promise me. She'll visit me when she go home from states" umiiyak na kwento niya. Napatikhim lang si Kenzo at mariing umiling sa anak. Mas lalong humaba ang nguso ni Kianna. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin, kita ko ang pagdisgusto niya sa akin at mabilis din namang nagiwas ng tingin.

Bayolente akong napalunok. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kaya kong sundan ka nuon kahit saan, nung nalaman kong namatay ka, walang pagdadalawang isip akong sumubok na magpakamatay para lang makasama ka. Nagiwas ako ng tingin sa kanya, gustong gusto ko siyang pagmasdan, ngunit hindi ko kaya ngayon dahil nakikita kong nasasaktan siya dahil sa akin.

"We are already complete. Andito na si Mommy, umuwi siya galing sa work from guam. Di ba I told you..." paliwanag ni Kenzo. Napaawang ang bibig ko at napatingin sa kanya.

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin na para bang sinasabi niyang he got this. So ibig sabihin, sinabi niya sa anak namin na nagtrabaho lang ako sa ibang bansa kaya ako wala? Pero bakit ayaw niya sa akin?

Humikbi si Kianna kahit medyo huminahon na. "Liar" sambit niya na ikinagulat naming dalawa.

"What did you just say?" madiin at galit na tanong ni Kenzo sa anak. Halos dumikit ang baba ni Kianna sa kanyang leeg dahil sa pagkakayuko. Hindi niya magawang mag angat ng tingin sa ama.

Hinawakan mo ang braso ni Kenzo. Hindi niya kailangang pilitin ang anak namin. Naiintindihan ko, hindi magiging madali ito. Nabibigla din siya, hindi ito parang isang magic na sa isang pitik ay tatanggapin niya ang lahat.

"Hayaan mo na muna..." marahang sabi ko. Pumungay ang kanyang mga mata. Nagangat din ng tingin sa akin si Kianna, ngumuso lang siya at nagiwas ulit. Ni ayaw nga niya akong tiningnan ng matagal.

Matapos ang paguusap na iyon ay mas lalong umiwas si Kianna sa akin. Nagkulong siya sa kwarto niya kasama anv kanyang Yaya. Kung minsan naman ay nasa play room siya, wala na lamang akong nagawa kundi ang panuorin siya sa malayo.

"Pinakuha ko na ang mga gamit natin sa Condo" biglang singit ni Kenzo mula sa aking likuran. Tahimik akong nakatayo at nakalihig sa hamba ng pintuan ng kanyang playroom habang busy siya sa mga libro niya.

"Ok" tipid na sabi ko lang at muling ibinalik ang tingin sa anak namin. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa aking bewang. Niyakap niya ako mula sa likuran.

"Paano sila naging close ni Mandee?" marahang tanong ko. Napahinto siya sa paghalik sa aking ulo.

Gusto kong magalit kay Mandee, dahil mas mahal siya ng anak ko kesa sa akin. Gusto ko ding magalit kay Kenzo dahil hinayaan niyang maging close ang anak namin dito. Pero pakiramdam ko wala akong karapatan. Naiintindihan ko, sa loob ng maraming taon. Inakala ni Kenzo na ayoko sa kanila. Kaya naman normal lang na subukan niyang mag move on, mahal na mahal niya ang anak namin kaya naman gusto niyang lumaki ito na may kinikilalang ina. Mahirap nga naman iyon.

The Seductive Doctor (Savage Beast #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon