Kabanata 25

4.3K 105 1
                                    

Kabanata 25

"Planning to escape again? You know the routes now," matabang pa nitong sabi sa kanya. Oh, his voice seems wounded. She look at him.

"Would you let me?" tanong niya pa.

"The deal is the deal anyway," sagot nito at iniwan na siya. Hindi niya nakita ang expression ng mukha nito. He must be upset, mad, angry? Who knows but she suddenly feel guilty. Nakagat niya ang kanyang labi. Sinundan niya ito sa kuwarto. He's dress with Khaki shorts and plain white t-shirt.

"I want to go," imporma niya.

He look at her impassively.

"We'll leave in a minute," malamig na wika nito at agad siyang nilagpasan. Lumabas ito ng kuwarto at naiwan siyang natitigilan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Bakit parang pakiramdam niya'y nagui-guilty siya ng sobra? Sa sobrang lamig ng trato nito sa kanya'y parang naninikip ang dibdib niya. Huminga siya ng malalim at lumapit na sa kabinet. Kinuha niya ang kanyang bag at isinilid ang kanyang mga gamit. Ngunit iniwan niya lamang ang alahas na bigay nito, maging ang iba pang gamit na kinuha nito sa kanya. Nang matapos siya sa paglalagay ng mga damit niya'y isinirado niya na ang kabinet. Lumakad siya palapit sa side table at kinuha ang kanyang cellphone. She received another set of miscalls and text messages, even emails but she feel so gloomy. Nakagat niya muli ang kanyang ibabang labi. Parang any time ay babagsak na ang kanyang mga luha. Muli ay huminga siya ng malalim.

Lumabas na siya ng kuwarto.  Hindi niya mahagilap ang lalaki kaya naman ay lumabas siya ng bahay. But before that, she turned her gaze once more. For the last time, she installed to her mind how beautiful this beach house. She bit her lower lip. She then saw him, riding his big motorbike. It's Harley Davidson latest model, quite classic yet it appears modern. That's quite expensive yet he looks so hot. Gusto niya tuloy mainis. Where the hell on earth did he hide all his toys!? First, the jet ski, now a motorbike. Napailing siya. Isinuot naman nito ang Ray ban shades nito. Now he looks more, sexy and too hot to bear. She shake her head and walk closer to him.

"Hop in," he says dryly without banishing his impassive look.

Walang kibo siyang sumakay sa likod at agad din naman nitong pinaandar ang motorbike nito.

Kumapit siya sa laylayan ng damit nito at pinatakbo na nito ang motorbike. Dumaan sila sa isang masukal ngunit may trail naman kung saan motor at bisekleta lang ang puwedeng makadaan sa lugar.

Dire-diretso lang ang takbo nito. The trail is muddy yet some of it were rough. Dala ng matinding ulan kagabi kaya medyo maputik ang daan.

Napasulyap siya sa kanyang relo. Ten minutes na ang nakalipas pero wala pa din siyang nakikitang maliit na nayon na tinutukoy ni Patricia.

At hindi din naman nakaligtas sa kanya ang pagiging tahimik ng lalaki. She was like invisible again. Gusto na namang mangilid ng kanyang mga luha. God! She hate this feeling! This feeling is new to her that is why she felt so frustrated. Damn it Zy!

THIRTY-FIVE minutes later and finally, nakita niya din ang nayon na tinutukoy ni Patricia. It's like a rural place yet the place was so relaxing because all the people seems to know each other so well.

"Kuya Zane!" kaway pa ni Patricia nang makita sila nito.

Inihinto naman nito ang motor sa tapat ni Patricia.

"Patricia, where's your father?" Zane asked.

"Nasa bahay po at naghahanda na para umalis."

"Okay," tipid nitong sagot at pinatay ang makina ng motor. He glance at her using the side mirror. God! He's so serious. His gray eyes were burning in dismay and very wounded. Bumaba naman siya agad sa motor, pagkatapos ay sumunod din naman ito. Lumapit ito sa isang bahay at may matanda namang sumalubong dito.

"Oh, nak! Napadalaw ka?"

"Yes tay, baka puwede niyong isabay ang asawa ko sa kabilang syudad. May aasikasuhin lang na importante doon," paliwanag pa nito sa matanda. Agad naman na namula ang kanyang pisngi. He really treated her like his own wife.

"Ay, oo ba! Hali na kayo ma'am at kami'y aalis din naman na nitong si Patricia," sagot ng matanda.

"Thanks tay Larry," ani Zane sabay lingon sa kanya.

Si Mang Larry naman ay sumakay na sa motorbike at maging si Patricia ay sumakay na din sa likod.

"Zane," tawag niya sa lalaki.

"Have a safe trip," anito pa at nilagpasan na siya. Damn! He's so cold. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Mabigat ang loob niya at parang ayaw niya na ang umalis ngunit hindi puwede. May buhay siya sa kabilang syudad pero traydor ang sarili niyang katawan at kusang humabol sa lalaki.

"Zane, babalik ako," biglang wika niya. Yes, she was not thinking straight at this moment but that's what she felt right now.

"You do?" kalmado nitong sagot. Giving her an impassive look again.

"Yes," sagot niya. He smiles.

"Only if you can catch me up early."

Kumunot naman ang kanyang noo.

"What do you mean?"

"I'll be leaving too Zy. There's no reason for me to stay here anymore. Go on. Have a safe trip," anito at pinaandar na ang motorbike nito saka pinasibad paalis. Biglang bumagsak ang mga luha niya sa kanyang mga mata na agad din naman niyang pinahiran. Oh Zy! You're absolutely dead! She's hurt!

"Ate, hali na po kayo," sigaw ni Patricia.

Mabilis din naman siyang humakbang at umangkas na sa motor.

"Ate nag-away po kayo ni Kuya Zane?" biglang usisa ni Patricia. Marahil ay napansin nito ang pamumula ng kanyang mga mata.

"Tampuhan lang Patricia. Siya nga pala, puwede mo ba ako gawan ng mapa? Kung sakali mang gusto kong bumalik, hindi kasi ako matandain sa mga direksyon," pagdadahilan niya pa.

"Sinundo ka lang po ba ni Kuya Zane?"

Alanganin naman siyang napatango kahit na ang totoo'y wala naman siyang kamalay-malay kung paano siya nadala ng lalaki sa isla.

"Nakatulog din ako sa biyahe," segunda niya pa.

Kinuha niya ang maliit na notebook niya at saka lapis sa bulsa ng kanyang bag. Ibinigay niya ito kay Patricia.

"Ate, kapag babalik kayo dito, bangka lang po ang puwede niyo sakyan. Mga sixty to eighty minutes po ang biyahe mula sa pantalan ng Samal po.  Sabihin niyo lang sa bangkero na sa Talikud Island po kayo pupunta. Alam na po iyan ng mga bangkero. Saka dito po sa lugar ni Kuya Zane,  madaming bakawan at puno ng niyog. Saka mapapansin niyo pong may ilang signage na Private Property. Pinakadulo po niyan ang kay Kuya Zane," anito habang ginuguhit nito ang mapa.

"Thanks," tipid niyang sagot.

EL CUERPO DEL PLACER SERIES: HANDS TO MYSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon