Kabanata 51

2.9K 90 0
                                    

Kabanata 51

SHE WAKES UP early in the morning. Napatingin siya sa kanyang suot na relo. It's still six thirty in the morning. Himala yatang tulog pa si Zane. Hinila niya ang kumot hanggang puson nito at tumambad sa kanya ang hubad nitong katawan. Doon niya na may ilang peklat pala ito sa katawan, hindi lang hatala dahil hindi naman din ganoon kalalaki ang mga naging sugat nito. She trail her finger tips from his chest down to his abs.

"Hmmm," she grin like an idiot.

"You like the view, huh?"

Tiningala niya ito.

"Morning," bati niya. Zane kissed her forehead.

"Dito ba tayo mag-aalmusal o doon na isla pagbalik natin?"

"Let's just order Zy. We can eat it while we're on travel."

Bumangon na ito at mas lalong nalantad sa mga mata niya ang hubad nitong kabuuan. She grin again.

"I like the back view," tudyo niya. Kinindatan lamang siya nito at pumasok na sa banyo. Sumunod din naman siya at sabay na silang dalawa na naligo. They quickly dressed themselves and pack their things. Nang matapos silang dalawa ay lumabas na sila ng apartment. Imbes na mag-order ng food sa restaurant ay napili na lamang nilang dalawa na dumaan muna sa pinakamalapit na seven eleven store. They buy a a food to go meal. Pagkatapos ay bumiyahe na sila patungong Sasa port. Doon ay may nakadaong na pampasaherong yate. Hindi na ito dadaan pa ng Samal Island dahil diretso na ito hanggang Talikud Island.

They travel almost two hours and finally they reached their destination.

Nang makauwi sila sa beach house ni Zane ay ganoon na lang ang saya niya dahil makikita niya muli ang magandang view ng isla.

"Did you miss this?"

Binalingan niya si Zane.

"Oo naman. I like slouching there on the sun lounge while the heat of the sun is tanning my skin," nakapamaywang niyang sagot.

"We'll do that tomorrow love. Come on, I'll cook you a real breakfast."

Napangiti siya. She likes seeing him cooking for her.

Pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay. Zane immediately drop their travel bags at the sofa.

"Zane! Dinalhan kita ng mga kakanin! Nabalitaan ko kasing uuwi ka ngayon kaya—"

The nerve of this woman. Ang bilis din talaga ng radar ng babaeng 'to. Agad namang tumikwas ang kaliwang kilay nito nang makita siya ni Michelle. At talagang ito pa ang may ganang pagtaasan siya ng kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" gulat pa nitong tanong sa kanya.

"Bakit? Bawal ba ako dito?" tanong niya pabalik.

"Hindi ba't pinauwi ka na ng kapatid mo!?" nakakunot noo nitong wika.

Lumapit siya sa kitchen at umupo sa bar stool.

"We've settled it already," wika naman ni Zane.

"Ano!? Nababaliw ka na ba Zane!? Halos patayin ka ng kapatid ng babaeng 'to tapos sasabihin mong okay na kayo!?"

Zyren rolled her eyes.

"Bakit kaya hindi mo itanong diyan sa sarili mo kung bakit muntikan nang mapatay ng kapatid ko si Zane? Hindi ba't ikaw ang nagsumbong sa kanya? Kumusta naman ang plano mong paghiwalayin kaming dalawa Michelle? Nagtagumpay ka ba? Well, I'm sorry. It won't happen."

Napaawang naman ang bibig ni Michelle.

"No Zane! Sabihin mo sa aking hindi ito totoo?"

Zane shake his head and walk towards Michelle. He grab Michelle outside of the house.

"I'm done being nice to you Michelle. Could you please knock it off and quit whining like you were my girlfriend. Please, this is my last warning and I don't want to see you here again. If Nanay Georgina wants to give me something, then you can hand it over to Patricia."

Mabilis itong pinagsarhan ni Zane ng pinto.

"Zane! Huwag mo naman itong gawin sa akin oh!? Please!" sigaw ni Michelle sa labas ng bahay.

"Don't mind her love. She'll get tired," baling ni Zane sa kanya.

"No worries," sagot niya na lamang dahil ang totoo, nakakasawang patulan si Michelle.

"Zane! Ano ba!?" sigaw muli ni Michelle.

Kinalampag ni Michelle ang pinto pero walang pakialam si Zane at patuloy lamang ito sa pagluluto.

Bigla siyang tumayo.

"Where are you going?"

"Sa labas, kakausapin ko lang si Michelle. You know, girl talk."

"Love, you'll just end up fighting her physically. The woman will not listen to you."

Kumikit-balikat balik siya.

"Oo, aaminin ko, may ganoon nga minsan sa pagitan naming dalawa. That's the reason also why I don't want to see her here but we can't live peacefully if I'll just let her do what she likes. Trust me Zane, I can handle Michelle."

He sighs.

"As you say so Love," pagsuko nito.

She just give him a warm smile. Lumabas na siya ng beach house at hinarap si Michelle.

"Puwede bang Mag-usap tayong dalawa? Iyong masinsinan kasi hindi naman na tayo mga bata pa para umabot tayo sa ganito," kalmado niyang wika.

Michelle arches her eyebrows.

"At sa tingin mo makikinig ako sa iyo?"

"You know what Michelle, I sometimes feel tired talking to my undenial patients about their condition, pero mas malala pa pala ang isang normal na kagaya mo para makaintindi."

"Anong tingin mo sa akin retard?"

Napamaywang siya.

"Papunta ka na sa ganoon kung hindi ka titigil sa pagta-tantrums mo. Please lang Michelle, have a decent life. Magtira ka ng konting kahihiyan para sa sarili mo. Oo, naiintindihan ko kung bakit ka nagkakaganyan. You love Zane so much pero iyang pagmamahal na ginagawa mo, nakakasakal na. Hindi na tama."

"Manahimik ka! Wala kang alam sa nararamdaman ko! Nasasabi mo lang 'iyan dahil ikaw ang pinili ni Zane at hindi ako! Dapat ako 'yon! Ako!"

"You can't force him to love you Michelle. Kaya nga sinasabi ko sa iyo, magtira ka ng konting kahihiyan, dignidad. Hindi kita pipilitin na kalimutan si Zane. Love will always heals on its way. Iyon ang alam ko pero sa sitwasyon ngayon Michelle, puwede bang kahit ngayon lang? Ibigay mo na sa akin ito? Aalis na si Zane. Babalik na siya ng Italy. Magatal ko siyang hindi makikita kaya sana naman maghunos dili ka."

"Ano? Aalis siya? Hindi puwede!"

EL CUERPO DEL PLACER SERIES: HANDS TO MYSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon