Kabanata 52

3K 94 6
                                    

Kabanata 52

Mabilis siyang sinugod ni Michelle at itinulak. Muntik na siyang matumba, mabuti na lamang at na balanse niya agad ang sariling katawan. Agad na pumasok si Michelle sa loob ng bahay. Zane was surprised for her sudden intrusion.

"Michelle?" ani Zane.

"Please Zane! Huwag kang umalis! Huwag kang lumayo!"

Halos lumuhod na si Michelle sa harapan ni Zane. Nasapo ni Zy ang kanyang noo. She can't believe it! Ang akala mahirap nang kausapin ang mga baliw, mas mahirap pala kausapin ang mga sarado ang isipan.

"Zane! Please!" umiiyak na wika ni Michelle at lumuhod na sa harapan nito. Zane was stunned and immediately pulled Michelle to stand up.

"Michelle please! Enough of this!"

Mabilis nitong hinila si Michelle palabas ng bahay. Sakto namang kadarating lang ni Mang Larry, kasama si Patricia.

"Anak, ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha!?" gulat na bulalas ni Mang Larry nang makita nito si Michelle kung paano yumapos kay Zane.

"Tay, mahal ko ho si Zane!" ani Michelle at halos ayaw bumitaw sa pagkakayakap kay Zane.

Hinila siya ni Mang Larry.

"Anak! Mahiya ka naman! Hindi na tama itong ginagawa mo!"

Mabilis nitong hinila si Michelle at isinakay sa sasakyan nito.

"Tay! Hayaan niyo na ho ako!" pagmamakaawa ni Michelle.

"Magtigil ka!" singhal ni Manong Larry dahilan para matahimik ng tuluyan si Michelle.

"Sorry talaga kuya Zane at ate Zy," ani Patricia at sumunod na din sa pagsakay sa sasakyan.

Nang mawala na ang mga ito ay narinig niyang mabigat na napabuntong-hininga si Zane. Binalingan niya ang nobyo. Halata sa mukha nito ang matinding pagkadismaya sa nangyari. He step closer and hold her arm.

"Come on, let's get inside," yaya ni Zane sa kanya.

"Si Michelle?" aniya.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay ay pinaupo siya ni Zane sa bar stool at pinaghainan na ng almusal. Napatingin lamang siya sa kanyang plato. Sa totoo lang ay nawalan na siya ng gana kumain dahil sa nangyari. Nasapo niya ang kanyang noo at nahilot ang kanyang sintido.

Umupo naman si Zane sa kanyang tabi.

"Hey?" untag nito sa kanya. She face him.

"I don't understand where am I wrong," aniya.

"You did nothing wrong Zy."

"Si Michelle, she might breakdown or do something stupid."

"Zy, you're just overthinking."

Umiling siya.

"Yes, I might pero doktor ako Zane. I studied about mental health too. Ayaw ko lang na mauwi iyong obsession niya sa pananakit sa sarili niya."

"I know you're just worried about here. Trust me. I know Michelle. She's a strong woman. One day she'll accept it and move on."

Napabuntong-hininga siya. Dapat nga'y hindi siya dapat makaramdam ng ganoon sa kalagayan ni Michelle pero hindi niya maiwasang mag-alala. Yes, maybe Michelle did so much bad things about her but she's just human too.

"From time to time I'll ask Patricia about Michelle. Don't worry okay?"

Tumango na lamang siya.

"I thought this time will be our moment," anito at may himig pa ng pagtatampo ang boses nito.

Tiningala niya ito.

EL CUERPO DEL PLACER SERIES: HANDS TO MYSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon