Kabanata 41

3.4K 96 2
                                    

Kabanata 41

Nang matapos ito'y agad siyang inasikaso ni Zane habang si Michelle naman ay inis na inis at gustong sumingit sa kanilang dalawa.

"Zane! Hindi ba gusto mo itong talaba? Heto, presko pa iyan!" ani Michelle.

"Thanks," Zane said but looking so impassive.

"Love, do you want some prawns? I'll peel it for you," nakangiting baling sa kanya ni Zane. Agad naman na sumimangot ang mukha ni Michelle.

"Yes Love," sagot niya naman.

"Amigas is everywhere man oy!" kinikilig pang wika ni Patricia. Matalim na titig namang binalingan ni Michelle si Patricia.

"Zane 'nak? Kailangan ka ulit babalik ng Italy?" biglang tanong ni Yaya Georgina.

"After my vacation Yaya. I'll be bringing Zy to meet my parents."

"Kasal kayo pero hindi man lang na meet ng parents mo si Zyren? Smells so fishy!" bulalas pa ni Michelle.

Zane clenches his jaw.

"In Italy Michelle, most of us at the age of eighteen years old. We're free to do whatever we like. We can work, have our own apartment, stand on our own, live on our own. Parents will be there just to support us all the way, checking if we're alive and doing good. And we don't have the same culture Michelle," prangkang sagot ni Zane.

Napatikhim naman si Yaya Georgina.

"Tama si Zane 'nak," sang-ayon naman ni Yaya Georgina.

Gusto niya tuloy matawa dahil nasupalpal si Michelle.

"Zyren, ija, ano ba ang trabaho mo?" tanong bigla ni Yaya Georgina sa kanya.

"I'm a doctor po," simple niya lang na sagot. Halos malaglag naman ang panga ni Yaya Georgina sabay tingin kay Michelle.

"Saang hospital ka ba naka-aasign ija?" muling tanong ni Yaya Georgina.

"Davao Doctors Hospital po pero nag-resign na po ako."

"Ay bakit naman? Maliit ba ang sweldo mo?"

Umiling naman siya.

"Malaki naman po pero kailangan ko po lumipat sa ibang hospital," simpleng sagot niya lang. Yes, that's true, after working in Davao Doctor Hospital for two years, she'll be transferred in their own hospital.

"Baka naman kasi may bad record ka kaya ka lilipat ng ibang hospital," wika ni Michelle sabay irap sa kanya.

"Mayroon ba ija?" segunda naman ni Yaya Georgina.

"Wala po. Actually, pagmamay-ari po ng pamilya namin ang hospital na lilipatan ko," sagot niya.

"Ano ba family name mo ija?"

"Villaraza po."

At doon nabitawan ni Yaya Georgina ang kutsara nito dahil sa gulat.

Zane chuckles a bit.

"Diyos ko! Kay yaman mo pa lang bata ka," bulalas nitong bigla.

Alanganin naman siyang napangiti. Of course her family is very well known. Sa dami ba naman ng charities ng hospital nila'y talagang kilala ang pamilya nila.

"'Nay naman!" biglang angal ni Michelle.

"'Nak! Nakalimutan mo

na ba? Si Doctor Clayd Erl Villaraza ang nag-sponsor ng scholarship nitong si Patricia!?"

Natameme naman si Michelle. Zyren guess that the table is turning  around and the Queen chess piece is on her hand right now.

"Wow ate! Ang yaman pala ng pamilya mo," bulalas pa ni Patricia. Tipid niya lamang na nginitian ang dalaga.

EL CUERPO DEL PLACER SERIES: HANDS TO MYSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon