Kabanata 26

4.1K 101 0
                                    

Kabanata 26

AN HOUR passed and Zyren notice that their travel was a bit long. Namamanhid na ang kanyang pang-upo dahil sa haba ng biyahe. Idagdag pa ang mabatong kalsada. But finally, Zy now can see the mini seaport of Talikud Island. Tama nga si Zane, hindi siya ganoon kalayo sa syudad dahil mula sa puwesto nila'y kita niya na ang Island Garden City of Samal at kaharap nito ang Davao City.

"Ate, sasakay pa po tayo ng bangka. Ito po ang tinytukoy ko na sixty to eighty minutes na biyahe pabalik at papunta," ani Patricia.

Tinanguan niya lamang ito. Iniwan na ni Mang Larry ang motor nito sa isang bahay at mukhang kakilala nito ang pinag-iwanan.

Nang makasakay na sila sa bangka ay parang nangangati na ang kanyang mga paa na bumalik sa lalaki. Ngunit sa tuwing napapalingon siya sa kabilang syudad ay hindi niya din maiwasang maguluhan. Damn it! Ayaw mawala sa utak niya ang mga huling sinabi ni Zane sa kanya. He'll be leaving for good!

AFTER sixty minutes, finally, they landed and ride again another boat. Iikot na naman sila papunta mismo sa pantalan ng Samal and it takes another hour. Then they ride again another transpo which is the barge. Five to ten minutes lang ang biyahe and the place now is familiar to her. Nasa Sasa sila. Bumaba na siya sa barge at agad na lumapit kay Mang Larry. Humugot siya ng dalawang libo sa bulsa.

"Mang Larry, thank you sa paghatid sa akin," aniya pa sabay abot ng pera.

"Nako ma'am, sa inyo na iyan. Malaki na ang naitulong ng asawa ninyo sa amin at kunting pabor lang naman ito."

"Pero po..." Umiling naman ito. Napangiti siya dahil sa kabaitan ng matanda. Binalingan niya si Patricia.

"Heto, para may pang-data ka," aniya pa. Tuwang-tuwa naman si Patricia sa ibinigay niyang pera.

"Thank you po ulit." Tinanguan lamang siya ni Mang Larry and they bid their goodbyes.

Mabilis naman siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa hospital.

NANG makarating siya ng hospital ay dire-diretso na siya sa kanyang opisina. Kinuha niya ang kanyang susi sa bag at binuksan ito. Nang makapasok siya'y she felt so empty. God! What to do? Ibinaba niya ang kanyang bag at napaupo sa sofa. Kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang mga messages niya. Wala namang nakaka-bother sa mga natanggap niya. Puro pangungumusta at nag nag-send pa ng pictures ang mga kaibigan niya sa kanyang email tungkol sa masayang happenings ng kanilang reunion. Lastly, ang messages na galing sa kanyang Kuya Caspian. Nakagat niya ang kanyang labi. He must be paranoid now searching for her but she doesn't care. Ayaw niya muna itong makausap.

She push the call button and call her best friend Dylan Bright.

"Hey, Zy," agad na sagot nito sa kabilang linya.

"Hey, you're not in the field?"

"No. I'm chillin' in my office," sagot nito. She sighs.

"You sounds gloomy and wounded? What's the matter?"

"Dylan, I found him," she breathes.

"What!? I mean how? Well Libya is a thousands miles away from the Philippines but you did really found him? Where?"

She rolled her eyes as if Dylan is in front of her.

"Dylan, I can't give you any details and it's really complicated. I am so confused right now, I badly wanted to know him..." She breathes. "...more," sagot niya.

Narinig naman niyang napasinghap ito.

"Wow, that's every unusual to hear from you. Well, I know you've been searching for him the day your sanity back from the reality but, does it really worth it Zy?"

She sighs.

"I've meet him and I stayed two days..." saglit siyang napaisip. "...I've spend three days and two nights with him actually," pagtatama niya.

"What!?" Nailayo niya ang kanyang cellphone sa kanyang tainga dahil sa biglaang pagsigaw nito.

"Dylan I'm fine. Don't overreacted!" Napaikot siya muli ng kanyang mga mata.

"God Zy! I know you're not that crazy, tell me more."

Nakagat niya ang kanyang labi.

"He says he wanted to know me better Dylan and I don't know if I'm gonna allow myself to do that—"

"Actually you did spend the days with him," he sarcastically replied. She chuckles.

"Yes and I think I wanted to try, I mean, Dylan it's killing me! I can't keep my hands to myself. I want to know him more too," aniya at muling nakagat ang kanyang labi.

"Are you obsessed with him?" She scoffs!

"I'm not! I am fully okay, trust me."

"What about your brother?"

"Well, you know my brother, he will just state there immediately that I am not fine that I need more counseling."

Dylan chuckles.

"He's just worried Zy. Well, I do believed your judgement when it comes to person's behavior and I'm sure you're just doing what you know is right. Relax Zy and take it easy. If you really wanted to try. Go on, but please take care of yourself, okay? He's still a stranger for me."

Malapad naman siyang napangiti.

"Of course I'll take care of myself. Please Dylan, if my brother's gonna asks you where am I and what the hell I am doing. Please keep it between us, okay?"

"You can count on me Zy! And please update me. You made me worried sick!" Konti naman siyang napatawa.

"Yes. Thanks Dylan."

"My pleasure," anito at pinatay na niya ang kanyang tawag.

Huminga siya ng malalim. Kung kanina'y nag-aalangan siya, ngayon ay buo na ang pasya niya. Gusto niyang subukan. She wanted to spend more days with him. Gusto niya na ding matahimik ang kalooban niya dahil ang totoo niyan ay hindi talaga siya mapalagay. Matagal na niyang pilit na gusto hanapin ang lalaki. Ngayon pa ba siya aayaw? Bigla siyang nakaramdam ng takot na baka nga aalis na din si Zane sa isla. Ang isipin pa lang ang ideyang iyon ay naninikip na ang kanyang dibdib. God! She maybe like him? Jeez!

Mabilis siyang tumayo at kinuha ang kanyang laptop sa drawer. She make a resignation letter and printed it right away. Pagkatapos ay isinilid niya ang kanyang laptop sa loob ng kanyang traveling bag. She then step outside and headed to Doctor Samuel's office.

EL CUERPO DEL PLACER SERIES: HANDS TO MYSELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon