"Ugh, paano na ako makakauwi nito?" inis na tanong ni Venice sa sarili, bumuhos ang malakas na ulan at sa kasamaang palad ay naiwan niya ang payong sa bahay nila.
Hindi dumating ang inasahan niyang taxi dahil hindi raw kakayanin ng sasakyan ang baha.
Bus!
Biglang lumabas sa utak niya ang ideya. Ngunit ang problema niya naman ngayon ay, una, kung may bus pa sa oras na 'to at pangalawa, kung makikipagsiksikan ba siya sa rami ng tao.
"Not like, I have a choice, right?" Venice said to herself as her voice starts to lower, letting her mind consume her by thinking she's pathetic.
*beep!*
Doon lamang nabalikang ulirat niya. Mag tatatlumpong minuto na pala siyang naka-upo sa bus-stop.
Gulat siyang napatingin sa harapan. Bus! Madaling-madali siyang sumakay dito at agad siyang nakatanggap ng sakit sa tainga.
"Ano ba 'yan miss?! Bilisan mo naman, kanina pa kami dito." reklamo nung isang pasahero.
Sa halip na sumagot ay pagod lamang na umupo si Venice sa isang bakanteng upuan. Hindi siksikan. Halos humupa na rin pala ang baha sa tagal niyang nag-antay.
Lumingon-lingon si Venice sa paligid, napansin niya ang katabi niyang naka earphones at tila nasa sariling mundo. Nags-sketch ito ng ito ng isang parke at di mapigilan ni Venice ang mamangha. Isa rin kasi sa hobby niya ang pagdr-drawing.
"Ang galing mo naman." hindi na nakatiis si Venice na puriin ang lalaking katabi nito ngunit sa halip na pansinin si Venice ay nagpatuloy lamang ito sa pags-sketch.
Napairap na lamang ito sa hangin.