"You should just wait here." ani Jerome at iniwan si Venice sa harap ng shop.
Hindi pa naman ito bukas at halatang walang tao kaya nagtaka siya kung bakit hindi siya pinapasok.
Well, maybe they're talking about something important.
Naghintay lamang si Venice.
Tatlong oras.
Tatlong oras matapos siyang maiwan sa harap ng shop ay may lumabas na babae.
Puting dress. Maganda. Maputi. Nakangisi itong lumabas at saka tumingin ng direkta kay Venice.
Bumalik ang tingin nung babae sa shop, nasa labas na rin pala si Jerome at Zachary. Kumaway ang babae saka sumakay sa sasakyan at nagdrive paalis.
"Sino 'yon?" tanong ni Venice saka lumapit kila Zachary.
"An acquaintance." sagot ni Jerome, pumasok ito sa shop at nagsimulang magpunas ng table.
Takang tiningnan ni Venice si Zachary pero ngumiti lamang ito sakanya.