3

1 0 0
                                    

Matapos ng nangyari kahapon ay 'di mapakali si Venice habang naghihintay ng bus pauwi. Masaya siya ngayong araw dahil inanunsyo sa kanilang departamento ang pagtaas ng kanilang sweldo.

"Right. I should treat him—well, not like I want to be friends with him or anything, I just think he's cool." kausap nito sa sarili saka tumayo para pumunta saglit sa 7/11.

Paglabas niya ay saktong nagd-drop ng pasahero ang bus na madalas niyang sakyan, agad na siyang pumasok at hinanap ang lalaki.

Nasa parehong upuan na naman ito kaya tumabi siya agad. Nilingon ito ng lalaki at nagngitian sila. Pansin ni Venice na laging nakasuot ng earphones ang binata.

Napatango-tango lamang siya habang pinapanood ang lalaki na magsketch. Ngayon, tanawin naman ang isini sketch nito. Mga gusali at city lights sa gabi.

Nilabas ni Venice ang binili niya sa lalaki. "Here. Since I'm happy today." kausap nito ngunit sa halip na sagutin ay hindi na naman siya nilingon. Napailing si Venice at talagang kinuwit ito.

Mukhang nagulat ang lalaki at mabilisang lumingon. Inabot ulit ni Venice ang hawak niya. Ice cream at tubig lang naman ito. "Just think of it as a gift." sabi ni Venice, tinanggap naman ito ng lalaki saka ngumiti.

"Thank you." sa ilang araw nilang pagkikita, ngayon pa lamang narinig ni Venice ang boses nito. Brusko. Bruskong brusko ito, at hindi siya makapaniwalang nag-init ang pisngi niya dahil lang sa isang "thank you".

Kumain sila ng tahimik habang parehong nakatingin sa labas.

Love Language Where stories live. Discover now