4

1 0 0
                                    

Dalawang linggo na si Venice pabalik-balik ng sakay sa bus. Dalawang linggo niya nang nakakatabi ang lalaki. Dalawang linggo na siyang nagmamasid sa magd-drawing nito. Sa dalawang linggo na iyon ay isang beses niya palang naka-usap ang lalake at ngayon lamang ito di nagpakita.

Wala siya sa madalas niyang upuan. Napabuntong hininga ito at umupo sa madalas nilang upuan. May nakaupo sa lugar ni Say. Sa loob ng dalawang linggo ay napag desisyonan ni Venice na tawaging "Say" ang lalakeng katabi nito dahil hindi naman niya alam kung anong pangalan niya.

"Hi!" bati ng katabi niya.

Unlike him, Say would mind his business and have this comfortable bubble around him.

Hindi niya maiwasang ikumpara ito kay Say.

"I'm Jerome! Zachary told me to ride this bus, in this specific seat to tell you he can't come because he's sick." ani Jerome, pilyo itong nakangiti.

Nanlaki ang mata ni Venice at napuno ng tanong ang utak niya.

"Zachary? That's his name? The guy who loves drawing? The silent guy? Wow. Zachary, huh." sunod-sunod ang tanong ni Venice kay Jerome.

Nakita ni Venice ang pag-iba ng reaksyon ni Jerome.

Did I said something wrong?

"Silent? He's deaf." Jerome said plainly. Nawala ang pagkamasiyahin sa boses niya.

"W-what? But I heard him talk."

"He wasn't born deaf. Someone made him deaf." Jerome answered. Mas naging seryoso ang boses nito at itinuon ang atensyon sa bintana.

"O-oh, I'm sorry for asking." halos hindi maproseso ni Venice ang mga nalaman niya.

"Anyway, he's not sick of you. He's literally sick. The fact that he spoke to you, hmmm, he must've really liked you." bumalik ang sigla sa boses ni Jerome na para bang wala silang pinag-usapang importante kanina.

Nag-init ang pisngi ni Venice at nilabas niya ang biniling peanut butter at tubig na nasa bag. "Here. I noticed he loves peanut butter. I hope he gets well soon." nahihiyang sabi ni Venice at agad-agad bumaba dahil nasa kanto na siya ng lugar niya.

Love Language Where stories live. Discover now